[9:Second Lead Role]
-Alisha's Pov-
"Absent na naman sya?!Tama na,papalitan ko nalang si Kleo!"sigaw ni Director Lee sa manager ni Kleo
Si Kleo?yung second female lead namin?
"Anong nangyayari?"tanong ko kay Lily at napatingin naman sya sakin
"Never kase umattend si Kleo sa shooting.Kaya pati kami napagalitan kahit wala kaming ginagawang masama."nakasimangot na sagot nya
Grabe naman,ayaw nya ba maging second lead?
"Director Lee,busy lang talaga schedule ni Kleo!"katwiran ng manager ni Kleo pero hindi nito napakalma si Director Lee.
"ALISHA!LUMAPIT KA NGA DITO!"
A-ako?!Waaaah,ang malas ko naman.Ako pa ang mapagbabalingan ng galit ni Director Lee.
"Kabisado mo ang script diba?"tanong nya sakin at napatango naman ako
Syempre naman,ang talino ko kaya.
"Then go and replace Kleo!"utos nya sakin at tinuro ang dressing room
Hah?Magiging second lead ako?!
"Ako po?"tanong ko ulit at tumango naman sya
Nagulat ako ng tinulak na ako ni Lily papunta sa dressing room.Binigyan nya sakin ang damit na susuotin at nilagyan ako ng make-up.
Paglabas ko ay nakahanda na ang set at kumalma na rin si Director Lee.
"Ready...Action!"
Umarte na ako katulad na lamang ng nakalagay sa script.Pinagbutihan ko ang pag-arte ko hanggang sa makatapos na kami sa pagshooting ng isang scene.
Shete,nakakapagod pala pag maraming lines at ganap sa eksena.Nagustuhan kaya ni Diretor Lee yung pag-arte ko?!
"Alisha!"napalingon ako kay Director Lee ng tawagin nya ako.
"Director Lee,bakit po?"tanong ko sakanya habang pinagpapawisan
Pagagalitan nya ba ko?
Mula sa seryosong mukha ay bigla itong ngumiti.
"Ang galing mo palang umarte e!"masayang wika nya at napangiti naman ako
"Thank you po!"
"Aayusin ko pa yung next set,maiwan muna kita."wika nya at tumango naman ako
Waaaahhhh,di ko talaga akalaing mabibigay sakin itong role na 'to.Naeexcite na tuloy ako umuwi para ibalita 'to kay Alas.Sigurado akong matutuwa yun.
"Magpakasaya ka ngayon,Alisha.Hindi mo ba kilala si Kleo?Ang lakas ng loob mong agawin yung role nya!"napaikot agad ang mata ko ng marinig ko ang boses ni Anya
Humarap ako sakanya at pekeng ngumiti.Kailan ba titigil ang katawan nito sa pagrerelease ng katangahan?
"Inagaw?Si Director Lee kase ang nagsuggest na palitan ko si Kleo kaya hindi ko inagaw ang role nya.Hindi naman kase ako katulad mo."i said with a mocking tone
Namula agad ang mukha nya sa galit habang ako ay pinipilit na wag matawa.
"How dare you?!Kahit dati kang parte ng Arcena wala kang karapatan pagsalitaan ako ng ganyan.I'm an A-lister while you are just a nobody,C-lister actress!"sigaw nya sakin
This girl really loves drama.Sya nangunguna tapos sya ang mapipikon.
"I'm a nobody?How can you tell?"tanong ko naman sakanya at natigilan naman sya
"Bakit ang lakas ng loob mo?May sigar daddy ka ba?"tanong nya at natawa naman ako
"Kung sabihin kung oo,aagawin mo rin ba sya?"mapang-asar na taong ko at napakuyom na ang kamay nya sa galit
Salita ko palang galit ka na...paano pa kaya pag naghiganti na ko?Lumapit ako sakanya at may binulong sa tenga nya...
"Balita ko nasa kulungan na yung assistant mo?Sana nasabihan mo sya na wag aminin na ikaw ang may naglagay ng chemical sa makeup.Baka kase masira yung mga plano mo e."
Tumawa pa ako ng mahina bago sya nilagpasan habang naiwan syang natigilan sa mga sinabi ko.
------
(At Han's Mansion)
Napailing ako ng makita si Alas na natutulog na.Nakabukas pa kase ang laptop nito,siguro ay nakatulugan nya.
Maghahating-gabi na nung nakauwi ako dahil marami nga ang lines na binigay sakin.
Isinara ko ang laptop ni Alas at itinabi iyon sa study table nya.Nilagyan ko sya ng kumot at pinatay ko na ang ilaw.
Tahimik kong isinara ang pintuan ng kwarto nya.
Siguro naman tulog na rin si Aushi?Di na ako maawkward kung ganun.
Marahan kung binuksan ang pintuan ng kwarto namin at namula ang mukha ko dahil sa nadatnan ko.
Topless si Aushi,bagong ligo at tanging tuwalya lang ang nakatakip sa katawan nya.Sheteeeee!
"Wala akong nakita!"wika ko habang nakatakip ang shoulder bag ko sa aking mukha.
Narinig ko ang mahina nyang pagtawa dahil sa reaksyon ko.
"Dumating ka na pala.How's work?"kaswal na tanong nya
"O-okay lang.Nabigay sakin yung second lead role."sagot ko sakanya habang nakatakip parin ang bag sa mukha ko.
Narinig ko ang papalapit nyang yabag at naaamoy ko ang mabangong amoy nya.Waahhh bakit sya lumalapit?!
Napaatras nalang ako para lumayo sakanya pero lalo pa yata akong nacorner dahil dun pa ako sa sulok napapunta.
Ibinaba nya ang bag na nakatakip sa mukha ko habang ang isang kamay nya ay natuon sa pader.
"What is there to be shy about?Nakita mo na naman lahat ng 'to dati."nakangising wika nya at lalong namula ang mukha ko
Waaahh,how can he brought up that topic?!Shameless!
"Ewan ko sayo.Matutulog na ko!"singhal ko at tinulak sya tsaka dali-dali akong tumakbo sa kama at nagtalukbong ng kumot.
"Pwede ko naman ipakita ulit sayo yung abs ko kung nakalimutan mo na,pwede mo rin hawakan.Hindi naman kita pipigilan."
"Argh!Shut up Aushi!"
Stop teasing me!
***