[8:Rule 6]
-Aushi's Pov-
"President Han,nagreport na sakin si Lily.May isang assistant daw po na nagtangkang saktan si Ma'am Alisha gamit ang skin-burning chemical.Buti na nga lang po ay nahalata agad ni Ma'am Alisha kaya naiwasan nya.Anong gusto mo pong gawin sa assistant,President?"tanong ni Henry sakin
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya.
"Ano namang motibo nya para gawin yun?Napag-utusan ba sya?"tanong ko sakanya
"Pinaamin ko na po sya pero sabi nya walang nag-utos sakanya.Malaki lang daw talaga ang galit nya kay Ma'am Alisha."sagot nya sakin
"Ipakulong mo yan,ngayon din."utos ko sakanya at pinatay ang tawag
She dare to hurt my wife.Luckily,my wife is smart.I'm proud.
Speaking of my wife,ilang oras na ako naghihintay kay Alisha na bumaba.Nakatulog na kaya sya dun?
Inilapag ko ang papeles na kailangan para bukas.Kay Drake ko nalang ipapagawa ang mga yan.
Matahimik akong umakyat sa hagdan at hinanap ang kwarto ni Alas.
Marahan kong kinabig ang doorknob at nadatnan ang mag-ina habang natutulog ng magkatabi.
Napangiti ako habang pinagmamasdan sila.Ganito pala yung feeling.
I carried Alisha at kisses my son's forehead.
"Goodnight,Alas.Sweetdreams."pabulong na wika ko
Babawiin ko lang yung kinuha mo sakin kanina.
Napatingin ako kay Alisha na mahimbing na natutulog sa kamay ko.
Masaya akong pumunta sa kwarto ko at inilapag sya sa kama.
I take off her shoes and cover her with blanket.
Pinatay ko na ang ilaw at tumabi sakanya.Hindi mapawi ang ngiti ko habang tinitingnan ko sya.
"Goodnight,wifey..."i mumbled before i kiss her forehead and go to sleep.
------
-??????'? ???-
Napaunat ako ng mga kamay ko ng magising ako.Napasarap yata masyado yung tulog ko.Akala ko mamamahay ako pero hindi naman pala.
"AAAAHHH!"napasigaw ako ng makita si Aushi sa tabi ko
Half naked.Kita ang six pack abs habang nakangiti sakin.Not gonna lie,that's a nice view.
"Masarap ba tulog mo?Malamang oo,sobrang higpit ng yakap mo sakin kagabi e."wika nya at nanlaki naman ang mga mata ko
Tumingin ako sa paligid at narealize na hindi ito yung kwarto ni Alas.
"Anong pinagsasabi mo dyan?Hindi naman ako dito natulog e!Si Alas ang katabi ko matulog sa pagkakatanda ko!"pagtanggi ko sakanya at nagkibit balikat naman sya
"Malay ko,nagising nalang ako nakayakap ka na sakin.Baka nagsleep-walking ka tapos napadpad ka dito."wika nya
"Hindi ako nagssleep-walking 'no!"singhal ko sakanya at lumabas na ako ng kwarto
May pasok ngayon si Alas at malapit na rin ako ma-late sa shooting.
"Alas,nakaligo ka na ba?Ihahatid na kita sa school--"
"Lady Alisha,kami na po ang bahala kay Young Master.Trabaho po namin na ihatid sya sa school nya."sabat ni Mang Kiko
Lady?Taray,para akong parte ng royal family ah.
Nakita ko si Alas na kumakain sa hapag at sinaluhan ko naman sya.Di nagtagal ay dumating na rin si Aushi para kumain.
"Alas,have some vegetables."wika ni Aushi at nilagyan ng gulay ang plato ni Alas
Di naman kase mapili si Alas sa pagkain.
Kakain pa sana ako ng marami ng bigla akong mapatingin sa relo ko.
Oh s**t!Malapit na akong mahuli sa shooting waaaahhhhh!
Patakbo akong pumunta sa banyo at nagbihis.
Paglabas ko ay bihis na rin si Alas.Ang gwapo ng baby ko!
"Alas,mauuna na akong umalis ha!"paalam ko sakanya at hinalikan ko sya sa pisngi
"Mag-iingat ka Mommy.Pag may nambubully sayo sabihin mo lang.Lagot sila sakin!"sambit ni Alas at napatawa naman ako ng mahina
"Sige na,babye!"
Lalabas na sana ako ng pinto ng biglang...
"Hep.Hep."
Hooray?
Napalingon ako kay Aushi na humabol saakin.Bakit na naman?Ano na naman kailangan mo sakin?
"What?"tanong ko sakanya at itinuro nya naman ang labi nya
"Rule 6."
Rule 6?Andami kasi nitong alam e!Ano ba yung Rule 6?The Wife should kiss her husband before she leaves the house to work?
"Hoy,Mr.Aushi Han tigilan mo ko.Tinabihan na kita sa pagtulog.Wag kang abusado."banta ko sakanya at napasimangot naman sya tsaka ngumuso
Mas childish pa kaysa kay Alas.Parang nadagdagan pa ng isang baby yung aalagaan ko.
"Hmpk,fine.My wife is so bad.She doesn't obey the rules!"wika nya at napaikot nalang ang mata ko
Rules mo mukha mo!Gawa-gawa mo lang naman yun para maka-chansing ka.
***