7

833 Words
[7:Marriage Contract] -Alisha's Pov- "Hay naku,ito na ba si Young Master?!Aba,kamukhang-kamukha ni Master Aushi!"wika ng isang matandang babae habang nakatingin ito kay Alas na pakiramdam ko ay mayordoma sa bahay na ito. Uhm mali pala...sa mansyon na ito.Nahiya yung malacañang sa grabo,lawak at ganda ng mansyon nila Aushi. Sabagay,sya ang pinakamayamang businessman sa panahong ito at aaminin ko,sya rin ang pinakagwapo. Sikat sya sa karamihan pero hindi ko naman inaakala na itong almost perfect na lalaking 'to ang naka one-night stand ko at ang tatay ng anak ko. "He's also genius in computer,just like me!"pagyayabang pa ni Aushi "Manang-mana ka kay Master Aushi!"wika naman nung isang matandang lalaki na butler siguro Anak ko ba talaga si Alas?Bakit parang lahat nalang kay Aushi nya namana?!Tapos parang wala syang namana sakin? Sayang,ang ganda ko pa naman din. "Alisha,ito nga pala si Manang Liz,sya yung mayordoma dito.Si Mang Kiko naman yung nag-iisang butler namin."wika ni Aushi habang nakaturo sa matandang babae at dun sa matandang lalaki Ngumiti ako sakanila. "Hello po,ako po si Alisha.Nanay po ni Alas."pakilala ko sakanila at ngumiti naman sila "At asawa ko..." Napatingin ako ng masama kay Aushi.Asawa mo mukha mo!Hindi pa nga tayo kasal tapos kung makatawag ka ng 'wife' sakin wagas! Binigyan kami ng makahulugang tingin at ngiti ni Manang Liz at Manong Kiko. "Ihahatid lang po namin muna si Young Master sa kwarto nya.Mukhang may pag-uusapan po kayo e."wika ni Manang Liz at umakyat na sila ng hagdan,naiwan kami ni Aushi sa baba. Umupo si Aushi sa sofa habang inaayos ang ilang dokumento sa kamay.Nahihiya pa akong umupo dahil nahihiya yung pwet ko sa sobrang ganda ng upuan nila. Parang lahat ng makikita mo gawa sa ginto.Galing rin naman ako sa mayamang pamilya pero hindi ganito kagarbo ang bahay namin. "Ito ang Marriage Agreement natin.It only last for three moths because that's our deal.After it expired you only have two choices,it's either you will divorce me or we will be remarried formally.Gumawa na rin ako ng rules ng marriage natin."wika nya at binigay sakin ang isang pirasong papel Nakasaad dito ang tungkol sa 3 month marriage namin.Napatingin ako sa mga rules: Rule 1:The Husband have the right to spoil her Wife. Rule 2:The Wife will handle the family budget. Rule 3:The Wife will have everything the Husband have.(including the company,private property,cash etc.) Rule 4:The Husband should obey his wife. Rule 5:The Husband have to cook dinner for his family if he have time. Eh,ano daw?Bakit ganito yung rules?Ako lang yata ang magbebenefit dito ah. Akala ko magiging asawa lang ako,magiging prinsesa pala,punyeta. Lahat ng pag-aari nya pag-aari ko rin?Edi naging instant billionare ako?Hindi ba sya lugi dito?Paano kung itakbo ko yung mga pera nya,di ba sya natatakot? Umiling na lang ako at pinirmahan ang contract dahil yung pirma ko nalang ang kulang. ------ -?????'? ???- Napangiti ako ng pirmahan nya na ang kontrata.This means,we're married,right? Inilabas ko ang isa pang dokumento na kadugtong ng marriage contract. "Ah,di mo pa pala nabasa yung kadugtong!"wika ko at binigay sakanya ang kadugtong Nakakunot nya yung binasa at sinamaan ako ng tingin pagkatapos. HAHAHAHA My wife is so cute. Ito kase yung nakalagay sa kadugtong na document: Rule 6:The Wife should kiss her Husband before she leaves the house to work. Rule 7:The Wife should always call her Husband as 'Hubby'. Rule 8:The Husband and Wife should sleep in a same bed. HAHAHA*(evil laugh)* My plan is succesful! Hindi na sya pwedeng magreklamo,napirmahan nya na e. "You purposely left this behind!"reklamo nya Of course i did. Ako ang gumawa ng Marriage Rules...hindi pwedeng sya lang ang magbebenefit.Dapat ako rin! "Isa lang ang kondisyon ko,di dapat malaman ng iba kung ano ang relasyon natin."sambit nya Ikinahihiya nya ba ko?!Kung yung ibang babae gagawin ang lahat magkaron lang ng koneksyon sakin tapos sya ayaw ipaalam sa iba na asawa nya ko? My wife is really heartless. But maybe she have some reason.Yeah,that's right!I am a understanding husband! Lumapit ako sakanya at binuhat sya. "Hoy,Aushi!ibaba mo nga ako,saan mo ba ako dadalhin?!"pagpupumiglas ni Alisha "May shooting ka bukas diba?Dapat matulog ka ng maaga kaya dadalhin kita sa kwarto...NATIN."wika ko at nanlaki naman ang mga mata nya kasabay ng pagpula ng mukha nya Ang cute talaga ng reaction ng asawa ko! "Kaya kong maglakad,okay?Ibaba mo nga ako!"reklamo nya pero lalo ko lang hinigpitan ang hawak ko "Mommy!" Napatalon si Alisha pagtawag ni Alas sakanya kaya ko sya nabitawan. Agad nyang pinuntahan si Alas. "Anong ginagawa mo dito?Akala ko tulog ka na?"tanong ni Alisha kay Alas Oo nga.Nasisira yung moment namin dito oh. "Nahihirapan po kase ako sa pagsagot ng assignment ko e!"wika ni Alas at nagpacute pa sa Mommy nya Anong nahihirapang magsagot?Sa talino mong yan nahihirapan ka magsagot?! "Sige,tutulungan ka ni Mommy.Tara na sa kwarto mo."wika ni Alisha at kinarga si Alas Umakyat na sila ng hagdan at nakita ko pa si Alas na dumila sakin. Balak nya pa ata agawin yung asawa ko. Ako lang ba o nautakan na naman ako ng anak ko? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD