bc

Rekindled Fire

book_age18+
48
FOLLOW
1K
READ
revenge
possessive
second chance
dominant
decisive
self-improved
drama
tragedy
bxg
first love
like
intro-logo
Blurb

Mary Serenity Zobel, has it all. Money, fame and a loving family. Despite all of that, she was still desiring something. And it was Kaiden Jace Fuentabela’s attention. So Mary decided to court her crush. Dahil kung hindi niya iyon gagawin ay walang mangyayari kung maghihintay siya sa isang tabi.

Her dream came true, napansin siya ni Kaiden and eventually they started dating. Mahal nila ang isa’t isa. At such a young age ay alam na ni Mary na ang binata ang gusto niyang makasama habang buhay.

But there are impediments, impediments that will lead to the downfall of their relationship.

And after years of being apart, their fate intertwined again. Now Mary found herself desiring the same man who took away her heart with him years ago. How to rekindle a love that was once lost?

chap-preview
Free preview
Kabanata 01
For the past years of my life. I had limited of friends. Tanging ang dalawang pinsan ko lamang ang palagi kong nakakasama. Iyon lamang kasi ang pinapayagan ng Papa ko na makasama ko. Si Lorcan at Sol ang nakasama kong lumaki. Sa tuwing may mga projects kami ay palaging sa bahay namin ginagawa dahil hindi naman ako pupwedeng magpunta sa ibang bahay dahil ipinagbabawal ni Papa iyon. Bahay at school lamang ang palaging routine ko. Hanggang dumating ang Grade 7. Nagbago iyon mula ng makilala ko si Kaiden Jayce Fuentabella. Isa siyang transferee student mula sa La Fortunata. Kaiden was charming, halos lahat ng kababaihan ay nahumaling sa kaniya. At isa na ako roon. Lalo na siyang pinagkaguluhan ng maging varsity player siya ng school. Halos mahimatay na ang mga babaeng nagkakandarapa kay Kaiden lalo na kapag nasa loob ito ng court. Matuwid kasi ito sa three points. Marahil ay katulad ko iniisip rin nila na baka para sa kanila ang bawat shoot ni Kaiden. Nang una ay inakala kong simpleng paghanga lamang ang nararamdaman ko. Katulad ng sabi ni Sol, na baka raw inspiration ko lamang si Kaiden. Ngunit ang simpleng paghanga ay umabot ng anim na taon. Dahil simula ng araw na naramdaman kong gusto ko siya hanggang sa mismong araw na ito ay wala na akong iba pang nagustuhan. Dahil sa tulong ni Lorcan ay nakakalapit ako kay Kaiden. Si Lorcan kasi ang vice captain ng varsity team. Habang si Kaiden naman ang team captain. Sa tuwing may practice ang mga ito ay naka-abang na kami ni Sol. Walang magawa ang pinsan ko dahil hindi naman niya ako matiis. Kapag kasi sinabi ko kay Papa na si Sol ang kasama ko ay hindi na ito nangungulit. Katulad na lamang ngayon. Hinihintay namin si Lorcan na matapos sa kanilang practice. May mangilan-ngilan pang estudyante na nanonood bukod sa amin. "Go Kai!" sigaw ko habang may pagkumpas pa ng kamay. Tiningnan niya ang direksyon namin ni Sol saka ako kinindatan. Hindi ko mapigilan na hindi tumalon dahil sa kilig na nararamdaman. Lalo na ng maka-shoot siya ng three points pagkatapos ay tumingin muli sa gawi namin saka malawak na ngumiti. Nang matapos ang practice nila ay mabilis pa sa alas kwatro na tumakbo ako palapit kay Kaiden. May ilang mga babaeng nakapaligid sa kaniya pero tinabig ko sila isa isa. Masamang tingin ang ipinukol nila sa akin pero hindi ko sila pinansin. "Gatorade, Kai." alok ko sa kaniya. Inabot niya iyon with wide smile. Tiningnan ko ang ilang babae na halata ang inis sa akin. Inisnaban ko lamang sila. Nang makita nilang palapit si Raven ay doon naman sila bumaling. Tuwang-tuwa naman si Lorcan, he loves attention. Lalo na kung mga babae iyon. Napailing na lamang ako. Si Sol naman ay lumapit na rin sa amin. "Uuwi ka na ba? Gusto mong sumabay sa amin?" nakangiting alok ko kay Kai. Pinunasan niya ang basang buhok niya. He was all sweats but he's still handsome as hell. Matangkad si Kaiden, he's 6 feet tall. Tanned skin and muscular body. Dahil siguro sa practice at disiplina na rin sa pagkain. May mga trainings kasi sila para sa pagbabasketball nilang iyon. Lumalaban kasi sila sa iba't ibang schools. He looked at me. "Palagi na lamang akong sumasabay sa inyo. Magkaiba tayo ng daan. Baka mamaya magsumbong na iyong driver mo kasi napapalayo kayo," anito habang kinakamot ang batok. "No! He won't do that. Mang Tonyo is kind at saka maraming nangunguha ng kabataan ngayon baka mamaya makuha ka pa nila. Paano na ako n'yan?" I pouted. Lorcan and Sol laughed. "Sumama ka na," sabi ni Lorcan. Umiling naman si Kaiden. Inayos niya ang strap ng back pack niyang parang pinaglumaan na ng panahon kasi sira-sira na. I sighed. Tiningnan ko rin ang basketball shoes niya na napakaluma na. May tagpi na at parang bubuka na iyong suwelas noon. "May part time ako ngayon. Sa susunod na lang siguro ako sasabay sa'yo, Serenity." Pumalatak ako. "Ihahatid ka na lang namin sa work mo," pangungulit ko. "Hindi na. Una na ako, ha?" paalam nito saka naglakad na palayo. I sighed. Hindi ako dumiretso ng uwi. Inutusan ko si Mang Tonyo na sundan si Kaiden. Nagtungo siya sa maliit na pastry shop. Mukhang ito ang sinasabi niyang part time job. Nag-park kami hindi kalayuan sa shop. Naglilinis siya sa loob habang ilang mga babae naman ang mukhang kilig na kilig habang tinintingnan siya. I rolled my eyes. Napaka-eye candy niya talaga. Sabi nila dapat daw lalaki ang nagpe-first move. Pero sa sitwasyon namin ako ang unang nagbigay motibo. Ako ang palaging gumagawa ng effort sa aming dalawa. At ako rin ang nanliligaw sa kaniya. Palagi kong sinasabi sa kaniya na liligawan ko siya at handa akong maghintay kahit gaano pa katagal basta maging pareho lamang kami ng nararamdaman. Bata pa lamang ng mamatay ang mga magulang ni Kaiden. Ayon sa kaniya nabangga iyong sinasakyan ng kaniyang mga magulang sa truck. Mabuti na lamang at hindi siya nakasama noon dahil kung hindi ay baka wala na rin siya ngayon. Simula noon ay ang lola na niya ang nag-alaga sa kaniya. Ang ikinabubuhay lamang nila ay ang pagbebenta ng kaniyang lola ng bulaklak sa bangketa. Kaya naman madalas siyang naghahanap ng part time job lalo na kung may kailangan na bayaran sa school. "Kuya, sa SM tayo." utos ko kay Mang Tonyo. Nagmaneho si Mang Tonyo patungo sa SM. Agad akong pumunta sa sikat na brand na bilihan ng mga bag. Namili ako ng babagay para kay Kaiden saka iyon binayaran. Sumunod naman ay nagtungo ako sa bilihan ng sapatos. Tamang-tama, malapit na ang laban nila. I felt giddy while looking those shoes. Parang lahat kasi ay bagay kay Kaiden. Matapos makapamili ay binayaran ko na iyon. Tumunog ang cellphone ko at nakita kong tumatawag na si Papa. Tiningnan ko ang orasan ko. Damn! It was already seven. o'clock! "Hello, `Pa?" "Where are you? It's already seven." kalmado ngunit ramdam ko ang tensyon sa boses ni Papa. He was always like this. Kapag lumampas ng alas sais at wala pa ako sa bahay ay tatawag na ito ng tatawag sa akin. Dali-dali akong lumabas at nagtungo sa parking lot. "Ma'am, tumawag na po si Sir Juancho," imporma nito sa akin. Tumango naman ako. "Pati sa'kin, Kuya." "Sinabi ko na lamang po na may tinapos pa kayong project," I smiled. Laging ganito si Mang Tonyo, palagi niya akong hindi inilalaglag kay Papa. Hindi niya rin sinasabi ang tungkol sa paghahatid namin kay Kaiden. Mag-a-alas otso na ng dumating kami sa bahay. Nakita ko agad si Papa na nakakunot ang noo. Agad naman akong lumapit sa kaniya at humalik sa kaniyang pisngi. "I'm sorry, `Pa. Malapit na kasi ang exam kaya marami na naman kaming kailangan na tapusin na paper works," pagsisinungaling ko. He was eyeing me. Napakalakas ng t***k ng puso ko. "Have you eaten?" pag-iiba nito sa usapan. Nakahinga ako ng maluwag. Mukhang naniwala naman siya. "I will just change my clothes then I will eat, 'Pa," nginitian ko si Papa saka lumulan na papunta sa kwarto ko. Ipinatago ko muna ang binili kong mga gamit ni Kaiden sa bahay ni Mang Tonyo. Bukas ko na lang iyon ibibigay. I look at myself in the mirror. Mahaba ang buhok kong hanggang bewang. Kulot ang dulo noon at natural na brown ang kulay. Matangos ang ilong ko na nakuha ko kay Papa. May malaki akong itim na salamin na may grado at braces sa ngipin. Palagi nila akong binu-bully na Betty La Fea o kaya naman ay Labo. Tumigil lamang iyon mula ng palagi namin nakakasama si Kaiden. Para bang takot sila rito. Matapos kumain ay nahiga na ako. Tinext ko si Kaiden. Pero hindi naman siya nag-reply. Hindi pa siguro siya nakakauwi. Hanggang sa nakatulog na ako ay hindi pa rin nagreply si Kaiden. Pagpasok ko sa eskwelahan ay agad kong nakita si Kaiden na nakasuot ng jersey nila. Kumaway ako nang tumingin siya sa akin. Kasunod noon ay nakita kong palapit na siya papunta sa akin. "Pasensya ka na hindi ako maka-reply wala kasi akong load," kinamot niya ang batok saka nahihiyang ngumiti sa akin. I smiled. "Okay lang 'yon. Gusto sana kitang tawagan kaso baka busy ka pa sa trabaho mo. Maaga ka bang nakauwi kagabi?" usisa ko sa kaniya. Sabay kaming naglakad. Hindi talaga maiwasan na pagtinginan kami palagi ng mga estudyante sa tuwing nakikita nila kami. Alam kong pinagchichismisan nila kami. Mga inggitera kasi sila dahil hindi sila pinapansin ni Kaiden. "Medyo late na ako nakauwi kagabi. Pero okay naman. Isang buwan akong magtatrabaho doon," nakangiting sabi ni Kaiden. Nagtungo kami sa gym. Wala pang tao dahil maaga pa naman. Umupo muna kami sa bleachers na naroon. Saka ko inabot ang malaking paper bag na naglalaman ng bag at sapatos niya. Nakatingin lamang sa'kin si Kaiden. "Para sa'yo." Inabot ni Kaiden ang paperbag saka inusisa ang laman noon. Gusto kong makita ang reaction niya. Pero bigo ako dahil ibinalik niya iyon sa akin. "Serenity, bakit mo ako gusto?" biglang tanong niya sa akin. "H-ha?" "Marami naman diyan na pupwede mong magustuhan. Bakit mo ako nagustuhan?" pag-uulit nito sa tanong. Nginitian ko siya. "Gusto kita hindi dahil guwapo ka, gusto kita kasi nakikita ko kung gaano kabuti ang puso mo. Kung gaano ka kasipag, at kung paano ka nagiging matiyaga sa pag-aaral. Mas nagustuhan kita dahil nakita ko kung paano mo minamahal ang lola mo at kung paano ka nagsusumikap. Bonus na lang iyong guwapo ka," pagsagot ko sa tanong niya. Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya. Pagkuwa'y umiwas siya ng tingin sa akin. Bumukas ang pinto sa unahan ng gym malapit sa stage at nakita kong pumasok ang ilan sa mga kapwa players niya. Agad ang mga itong lumapit sa amin. Maraming mga coach na taga Maynila ang darating para manood ng laro nila. Kapag nagustuhan sila ng mga iyon ay puwede silang dalhin sa Maynila para maging draft pick sa mga sikat na University roon. Alam kong malaki ang tsansa ni Kaiden dahil magaling siya. At kung saan man siya mapupuntang school ay syempre doon rin ako mag-e-enroll para sa College. "Whoa! Hi, Serenity." bati sa akin ni Calibre. I wave at him. Isa siya sa mga kaibigan ni Kaiden. Nakita ni Calibre ang hawak ni Kaiden kaya naman nakiusyoso ito. "Wow, ayos ah! Ang ganda ng sapatos mo. Limited edition 'tong isang 'to," aniya kay Kaiden. "The best ka talagang jowa!" sabi ni Kaizer saka ako mahinang tinulak. Nagkatinginan naman kami ni Kaiden. Hindi pa naman kami kasi hindi pa ako sinasagot ni Kaiden. Hindi ko nga alam kung sasagutin pa niya ako o hindi na. Pumalatak si Kaiden saka hinawakan ang kamay ko saka ako hinila palayo. Lumabas kami ng gym saka tumigil sa playground malapit sa elementary. "Tigilan mo na ang panliligaw mo sa 'kin," malamig na utas ni Kaiden. Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Nakatingin lamang ako sa kaniya habang hindi nagsasalita. Binitiwan ni Kaiden ang kamay ko saka hinawi ang buhok na tumatabing sa mukha ko. "B-Bakit? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?" halos mangiyak-ngiyak kong tanong. Kaiden smiled. "Simula ngayon girlfriend na kita." Hindi ako makahinga. Parang sasabog ang puso ko sa sinabi niya. Tama ba ako ng narinig? Girlfriend daw ba? Nanlalambot ang mga tuhod ko. Hindi ko alam ang magiging reaksyon sa sinabi niya. OMG! Boyfriend ko na si Kaiden Jayce Fuentabella!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
39.1K
bc

The Sex Web

read
134.0K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.2K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.8K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook