AZRIEL — AGE 9 “Azriel!” Mabilis akong napalingon kay Dad nang tawagin niya ang pangalan ko. Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya kaya iyon ang ginawa ko. “Yes, Dad?” I find my father a little intimidating. Mas malapit ako sa mommy ko. Siguro dahil napapansin ko na parating magkasama sina Kuya at Dad kaya growing up, mas lumapit ako kay Mommy. Kuya Yago is the eldest, kaya nasa kanya ang atensyon madalas, he’s to inherit Dad’s position. Dad is personally training him. Bonus pa na magkasundo sila ni Zeke na siyang susunod naman sa yapak ng kanyang ama na si Tito Zavian. Sabi nila, mayroon din naman daw akong makukuhang posisyon pero…hindi pa lang sigurado sa ngayon. I don’t really care. Hindi rin ako nakakaramdam ng selos. Kapag may oras naman ay binibigyang pansin ako ni Dad. Ang in

