UNCLE’S words are eating me alive. I know I was the unfavored son. I accepted it a long time ago. But why does it hurt? Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama ko. My little fingers reach for the doorknob and open my door. Narinig ko sa mga kasambahay na nakauwi na si Dad. I want to talk to him. I’ve been dying to talk to him. “Yaya,” pagtawag ko sa mayordoma ng aming bahay nang makasalubong ko siya. Papunta ako ngayon sa opisina ni Daddy rito sa bahay. “Oh, Azi! Ano at gising ka pa? Nako! Mapapagalitan ka nina si Sir Hati kapag nakita nilang hindi ka pa natutulog.” Ngumuso ako. “Si Daddy? Nakauwi na ba siya?” “Oo, kanina pa. Pero umalis din pagkatapos ma-check na maayos na ang lagay ng Mommy mo. Matulog ka na.” “I can’t sleep,” sabi ko. “Saan pumunta si Daddy?” “Hindi ko alam, eh.

