KUNG kanina ay namumutla si Mommy, mas namutla siya nang makita niya ako at mapagtanto na nalaman ko ang tinatago niya. “No…oh, god!” Nabitawan niya ang kanyang cellphone at napatakip sa kanyang bibig habang nakatitig sa akin. Bumuhos lalo ang luha niya habang nakatingin sa direksyon ko. “Azriel…” she sobs, my name stuck in her throat. Mabilis siyang tumayo at tumakbo papalapit sa akin. Niyakap niya ako nang mahigpit habang pareho kaming umiiyak. Ang pinagkaiba lang namin ay tahimik ang akin habang maingay ang pag-iyak ni Mommy. “I’m sorry. Oh, god. What did I do? You shouldn’t hear about that. No…” Paulit-ulit ang sinasabi ni Mommy, na akala mo ay ayaw niyang ipaalam iyon sa akin—sa amin. Ngayong narinig ko ay nagsisisi siyang nalaman ko kahit hindi niya naman kasalanan bakit ko nala

