NASA loob na ako ng kotse at pauwi na kami ng bahay. Lahat ng pinsan ni Azriel, siya ang binoto at maging si Yago. Natutuwa ako para kay Azriel pero hindi maipinta ang ekspresyong mayroon siya. Hindi ko alam kung natutuwa ba siya o hindi sa mga nangyayari. I can even hear what Zeke said earlier, habang pinu-persuade pa rin niya si Azriel. Siguro iniisip ni Azriel na hindi siya karapat-dapat sa posisyon hindi dahil hindi niya kaya kung hindi sa background niya. Pero alam ko na tama naman din sina Zeke. Kung may balak magtraydor si Azriel sa kanila, noon pa niya ginawa. Hindi niya poprotektahan ang buong pamilya niya na akala mo ay roon nakasalalay ang buhay niya. Hindi ko rin makalimutan ang mga salita ni Zeke. “My and Yago’s game are silent but destruction. Luciel and Gareth’s are loud

