“ARE you okay?” tanong sa akin ni Azriel. Nang mapansin niya ang nangyari sa akin ay agad niya akong nilapitan. Buhay pa si Nicandro…but barely. Pakiramdam ko, kung hindi man siya mapatay nina Azriel, siya na mismo ang susuko at mamamatay. Umalis kami roon nang mapansin niyang namumutla ako. Kahit anong sabihin ko sa sarili ko ay hindi ko talaga makayanan. Siguro matatagalan pa bago ko masikmura ang ganito. Nagpaalam kami kina Tito Hati bago lumabas. Pagbukas ng elevator sa lobby ay nakasalubong namin sina Yago. Napatigil sila at ganoon din kami. Kasama ni Yago si Aiselle at si Kairos. Nakakapit ang maliliit na kamay ni Kairos sa kanyang mommy habang nakatitig sa amin. “Azriel, anong ginagawa mo rito?” tanong ni Yago. Nakipag-usap si Azriel kay Yago habang si Aiselle naman ay lumap

