ZARIAH, what have you done?! Nakatingin ako sa dalawang pregnancy test kit na palihim kong binili dahil iba na ang pakiramdam ko nitong nakaraang araw. Delayed ako sa menstruation ko at hindi pa iyon nangyayari sa akin noon. Naalala ko na gustong-gusto akong buntisin ni Azriel and I stopped using pills months ago. Sabi ko sa sarili ko ngayon ay wala namang mawawala kung ita-try ko lang mag-test. And then, shoot! Buntis nga ako. Wala si Azriel ngayon dahil may pinuntahan siya. Off naman ako sa trabaho kaya naandito lang ako sa condo niya. I am happy to see Azriel getting along with his family. Kahit papaano ay nakikita ko na unti-unting nagbabago ang relasyon niya sa mga ito kumpara noon. Hindi na siya tumitingin sa dad niya at kay Yago na akala mo ay gusto niyang sakalin ang dalawa.

