“AZRIEL,” pagtawag niya sa pangalan ko. Nasa garden kami ng bahay ng grandparents ko. Hindi ko alam kung anong pag-uusapan namin. Alam ko na marami rin akong dapat sabihin sa kanya pero hindi ko alam kung dapat bang magsalita ako. Bago pa makapagsalita ulit si Dad, inunahan ko na siya. Sa hindi malamang dahilan, parang ayokong marinig kung ano mang sasabihin niya. “Alam mo ang nangyari kay Mommy?” Nakita ko kung paano nagbago ang mga mata niya. Mula sa tila blangko, kahit papaano ay lumambot iyon. “Yes,” sagot niya sa akin. Marami siyang gustong sabihin at nararamdaman ko iyon. Kagaya ko, siguro ay hindi niya lang alam kung saan magsisimula. “Kailan pa?” Akala ko ay wala talaga siyang alam. Akala ko wala siyang pakealam at naniwala sa mga pekeng ngiti ni Mommy at sa mga sinasabi nito

