TULALA ako at hindi makapaniwala sa ginawa ni Zariah sa akin. I expect her to shout at me or to hate me because I am planning to kill her mother. Lahat ng detalyeng kailangan niyang malaman ay sinabi ko sa kanya, at kahit na sabihin nating may galit siya sa kanyang ina, hindi niya gugustuhing ipapatay ito o may mangyaring masama rito. That is my Lisichka. She’s so compassionate. “Zariah…” Iyon lamang ang aking nasabi nang maramdaman ko ang mahigpit niyang pagyakap niya sa akin. Umiiyak siya at tanging paghikbi lamang ni Zariah ang maririnig mo. I was too stunned to move. Kahit ang ibalik ang yakap niya ay hindi ko nagawa. “I’m sorry, Azriel. I’m sorry you had to feel and experienced all of that. Bilang may kapatid din ako, alam ko na hindi maganda na ikumpara o makumpara sa kapatid m

