Chapter 13

1797 Words
            UMAGA PA LANG AY BUSY NA KAMI sa pag-aayos ng mga gamit dahil may pupuntahan daw kaming importante sabi ni mommy. Maaga niya akong ginising at nainis ako dahil doon. Hindi pa kasi sumisikat si haring araw ay nasa loob na ito ng kwarto ko at pinipilit akong bumangon sa kama para mag-ayos. Nakabusangot akong naglakad papuntang banyo no'n dahil nabitin ang tulog ko. "You can sleep in the car later, cupcake. So smile now, okay?" rinig kong ani mommy sa loob ng kwarto ko. Hindi ko ito sinagot at ginawa na ang morning routine ko kahit na maya-maya ang paghihikab ko. Lumabas ako ng banyo ng nakatapis lang at may nakapulupot na tuwalya sa buhok ko. Nakita ko ang nakaupong bulto ni mommy sa gilid ng kama ko pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad papuntang closet ko. Namili ako ng susuotin ko at kukunin na sana ang maikling maong shorts ko ng marinig ulit ang boses ni mommy. "Wear something formal, Vale. And pack formal clothes too. Clothes for a week," natigilan ako sa sinabi nito. A week? Pero may pasok ako! "Mommy, may pasok ako! How come we'll be there in a week?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya at pinagpatuloy ang paghahanap ng formal na susuotin. "We already excuse you, cupcake. Kaya no need to worry. I'll leave you now dahil mag-aayos na rin ako ng gamit namin ng daddy mo," narinig ko na lang ang pagbukas sara ng pinto ng kwarto ko at ang pagkawala ng presensiya niya. Napabuntong hininga ako dahil mami-miss ko na naman ang school ko. Especially Hailey. I saw a blue floral dress na hanggang itaas ng tuhod ko ang taas. Off shoulder ito pero may lace ito na kailangang ikabit sa leeg kaya okay na ito for a formal wear. I paired it with a black 2 inches high heels. Nilugay ko lang ang buhok ko na humaba na at umabot na ng shoulder blade ko. I only put a lip gloss and a small amount of blush on on my cheeks to make it a rosy one. Napangiti ako ng makita ang kaubuan ko sa isang full length mirror sa loob ng kwarto ko. I am more than satisfied in my outfit for today and for my face. Inayos ko na rin ang bag na dadalhin ko para sa pupuntahan namin. I put some dresses for formal occasions, some shorts and t-shirts kung gusto kong gumala sa lugar na 'yon and some PJ's para pantulog ko. And my things are ready. Napapalakpak ako dahil nagkasya ang mga damit ko sa sports bag ko na may kalakihan. Nagdala rin ako ng purse at maliit na bag para sa wallet, phone and my other necessities. Bumaba na ako sa kusina para mag-almusal at nakita ko nang nakaupo na sila mom and dad sa kani-kanilang mga upuan at ako na lang ang hinihintay. "Good morning!" Masigla kong bati sa kanila at binati rin nila pabalik. Naupo na ako sa kaharap na upuan ni mommy at nagsimula ng kumain. Masigla akong kumakain ng makaramdam ako ng pagsakit ng buong katawan ko. Ininda ko ang sakit at hindi ipinahalatang nasasaktan ako ngayon sa mga magulang ko. Alam ko ang sakit na ito at hindi ako magdadalawang isip na hindi isipin kung tama ba o hindi ang hinala ko. "Okay na ba ang mga gamit mo, princess?" Biglang tanong ni dad kaya napatingin ako sa kanya. Tipid akong ngumiti at tumango sa tanong niya. Ayokong magsalita at baka marinig nila ang sakit sa boses ko. "Ipapakuha ko na lang kay mang Anding 'yong bag mo dahil alam kong mabigat din iyon. Knowing you…" ngumiti lang ako kay dad at piniling tahimik na kumain. Tama naman kasi siyang mabigat ang dadalhin ko. Unti-unti namang nawala ang sakit ng katawan ko kaya napahinga ako ng malalim at umayos ng upo para hindi ipakitang uminda ako ng sakit ng katawan habang kasalo sila. "May problema ba, Vale?" May pag-aalalang tanong ni mommy sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Matamis ko itong nginitian bago nagsalita. "Nothing, my. Nabusog ako ng sobra sa agahan natin. Ang sarap ng ulam." At hinimas ko ang tiyan ko para ipakitang busog talaga ako. Ngumiti na ito sa akin at tumayo na ito. "Tara na at ng maaga tayong makarating sa pupuntahan natin," nauna na siyang maglakad at sumunod naman si dad dito na may munting ngiting nakapaskil sa mga labi nito. Uminom muna ako ng tubig sa baso bago tumayo at nakangiting naglakad pabalik ng kwarto ko para kunin ang maliit kong bag. Nang makapasok ay hindi ko na nakita ang sports bag ko sa ibabaw ng kama ko. Nagkibit balikat na lang ako dahil baka nakuha na ito ni mang Anding. Dalawang oras na kaming lulan ng sasakyan at nababagot na ako sa byahe. Nakasimangot akong tumingin sa dinadaanan namin. Puro puno ang gilid ng kalsada pero nakakarelax namang tingnan. Sometimes, eto rin ang isa sa mga relaxation ko kapag nas-stress ako sa school at traning. Natures are really a big help in me. Nawala ang bagot ko ng paunti-unti ay nakakita ako ng beach sa dinadaanan namin. Tinignan ko si mommy at nakita ko ang ngiti nito at gano'n din si dad. They really know what makes me smile. "We're going in a resort?" Excited kong tanong sa kanila. Nakita ko naman ang pagtango ni dad kaya lalo akong naexcite. "Bakit hindi niyo sinabi? Sana nagdala ako ng swimsuit ko!" "May bibilhan naman sa resort na pupuntahan natin, cupcake. And besides, may mga business meetings and gatherings kaming kailangan daluhan ng dad mo kaya baka maiiwan kang mag-isa," unti-unti namang nawala ang excitement ko dahil sa sinabi ni mom. "But don't worry, cupcake. Maglalaan kami ng oras para sa'yo. This vacation is also a family bonding of us." Tipid akong ngumiti sa sinabi niya. I don't know but I can't feel the excitement anymore kahit na sinabi ni mom na magkakaroon kami ng family bonding sa mga susunod na mga araw na mamamalagi kami sa sinasabi nilang resort. "Pwede niyo naman akong iwan sa bahay, my. I'll understand naman na busy kayo sa businesses natin. And I am also busy with school." "That's a big no, princess. Kaya ka nga namin isinama dahil ayaw naming maiwan ka mag-isa sa bahay ng isang linggo," sabat ni dad sa usapan. "Kaya dinala ka rin namin ay para makarelax ka at malayo muna sa school. We know that you can't be stress." Naiintindihan ko naman ang gustong iparating ni dad and I appreciate what they are doing. Pero baka magiging sagabal o disturbo lang ako sa mga meetings and gatherings nila. Hindi na ako nagsalita pa at binalik na lang ang tingin sa labas ng kotse at tinitigan ang magandang tanawin sa labas. Ilang oras pa ang lumipas ng maramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa byahe kaya kinusot-kusot ko muna ang mga mata ko at naghikab. I stretch my body dahil nakaramdam ako ng pangangalay sa ilang oras na pagkakaupo. Nang mahismasan ay agad kong ipinalibot ang tingin at namamanghang napatingin sa paligid. The place looks so relaxing dahil sa mga puno sa paligid nito. Sa isang gilid ay makikita ang beach na may mga taong nag-e-enjoy sa ilalim ng papalubog na araw. Sa isang gilid naman ay may nakatayong maliit na parang bahay na may nakalagay na ‘Transaction Area’, roon siguro magbabayad at magpapabook sa mga cottages malapit sa baybayin at sa kanilang resort. I felt excited all of a sudden at bumaba ako ng sasakyan. Tumakbo ako papuntang beach habang dala-dala ang DSLR ko at kinunan ang magandang view ng papalubog na araw. Hindi ko na pinansin ang pagtawag ni mommy sa akin kanina dahil sa excited akong makunan ang beach at ang sunset. It's not my first time to see a sun setting on a beach. Actually, I already saw it a thousand times but I still feel fascinated by its beauty. The beauty of nature. I felt at ease and at peace. Naupo ako sa buhanginan at hindi inalintana ang suot ko ngayon. Wala akong pakealam sa sasabihin ng iba sa akin. The thing for me is, I am seeing the beautiful sight the nature’s letting me see and I am contented to that. May naramdaman akong umupo sa tabi ko pero hindi ko ito nilingon. Whoever it is, I don't care. Masaya lang akong nakatingin sa dagat hanggang sa wala na akong nakitang liwanag na nagmumula sa araw. But what makes me more fascinated was the beauty of the shining moon in the sea. Hindi na ako nagdalawang isip pang kuhanan ulit ito ng litrato. Nakangiti lang akong kumukuha ng litrato pero ramdam ko ang nakakailang na titig ng taong nakaupo sa gilid ko. Pero natuod ako sa kinauupuan ko ng marinig ang baritono nitong boses. "You really love taking pictures of the setting sun. Hindi ka pa rin nagbabago. You're happiness and relaxation relies on the nature," maririnig sa boses nito ang saya, lungkot at pangungulila. Lumingon ako sa kanya na nakaawang ang mga labi dahil sa gulat. Why is he here? Anong ginagawa niya rito? Bakit sa dinami-dami ng taong pwede kong makasalamuha ay siya pa? "Kanina ka pa hinahanap nina tita Ivette, Vale. Nag-aalala na sila sa'yo. But here you are, enjoying the beautiful view." Hindi mawala-wala ang ngiti nito kaya napakurap-kurap ako. I really love seeing his cute dimples. "Why are you even here? Can you just leave me alone? Galit pa rin ako sa inyo dahil sa ginawa at pagsisingungaling niyo sa akin," naiinis kong ani sa kanya. Nakita ko ang pagkawala ng ngiti nito at napalitan ng seryoso ang mukha niya. "You're hurting me, boo. No, I can't leave you alone and I'm sorry kung hindi ko sinabi sa'yo na magkakilala kami ni Rayne," bumuntong hininga ako at ibinalik ang tingin sa magandang tanawin sa harap ko. "You hurt me two times, Jatch. And your sorry won't change a thing," tumayo na ako at pinagpag ang likod ng dress ko dahil sa buhangin na dumikit dito. Hahakbang na sana ako nang hawakan nito ang kamay ko na nagpatigil sa akin. The moment his hand touched my wrist, I felt a tingling sensation and my heart beat fast. That's his effect on me. Kaonting body contact lang ay gano'n na ang epekto sa akin. Winaksi ko ang kamay nito at walang lingon-lingon na tumakbo papalayo sa kanya. Papalayo sa lalaking kahit anong galit ko ay hindi nagtatagal dahil sa pagmamahal na nararamdaman ko para rito. I will listen to your explanation Jatch but not now please. Dahil sa hindi pa ako handing makinig at malaman ang katotohanan sa lahat ng nangyari noon at ngayon. C.B. | courageousbeast  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD