NASA LOOB LANG AKO NG INUUKUPAHAN kong cabin dahil wala sina mom at dad sa cabin nila na katabi ko lang dahil may dinaluhan silang business meetings. Hindi naman ako pwede ro'n dahil wala naman akong alam sa business na pag-uusapan nila kahit na ako naman ang magmamana ng business namin. But I am only a senior high school student at magde-debut na sa susunod na limang buwan.
Ayoko namang gumamit ng phone dahil baka madistract na naman ako sa gusto kong relaxation. And the social media is a chaos dahil sa mga issues ng iba't-ibabg celebrities and politician. Especially when it comes to the money of the country. And daming kurakot kaya 'di umuunlad ang bansa.
Napabuntong hininga ako at naupo mula sa pagkakahiga at pagkakatitig sa kisame. Nababagot na talaga ako rito sa loob ng cabin. Iniwan kasi nila agad ako after we ate our dinner. And it's already 8PM in the evening. Ang sabi kasi nila ay hintayin ko sila bago ako matulog kaya ginagawa ko ito. Pero sobra na akong nabobore rito sa loob.
Gusto kong lumabas ng cabin at magliwaliw o kaya ay pagmasdan ang dagat pero natatakot ako dahil wala ako ni isang kilala rito at baka may mangyari sa aking masama. Not that I want that to happen to me. Gabi na rin kasi at babae ako kaya wala na akong choice kundi manatili rito sa loob at hintayin na lang talaga sila.
Napatalon ako sa kama nang makarinig ako ng mahinang pagkatok mula sa labas. Sa akalang sina mom at dad na ito ay nakangiti ko itong pinagbuksan. Pero agad na nawala ang ngiting nakapaskil sa mga labi ko, naging blanko ang mukha ko at bagsak ang balikat ko itong tiningnan.
"What are you doing here?" walang buhay kong tanong sa kanya.
"Tita Ivette sent me here to accompany you. Baka hindi raw sila makabalik agad dahil sa nagkaproblema sa meeting," nakangiti nitong ani pero alam kong pilit lang iyon dahil hindi ito umabot sa kanyang mga maiitim na mga mata.
"They should have called me. Hindi naman ako lalabas ng cabin ko." Nilakihan ko ang pagkabukas ng pintuan ng cabin para binigyan ito ng daan para pumasok sa loob.
Nag-aalangan pa ito pero sa huli ay humakbang na rin naman ito papasok. Sinarado ko muna ang pinto bago ito hinarap. Pero maling galaw pala iyon. Napasinghap ako dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko pagkaharap ko sa kanya.
Ramdam ko ang hininga nito na tumatama sa mukha ko na nagbibigay buhay sa mga insekto sa loob ng tiyan ko. Ramdam ko rin ang pagkakarera ng mga leon sa dibdib ko dahil sa lapit ng mga mukha namin. Isang maling galaw lang ay mahahalikan ko na ito.
"They called me to tour you around our resort, boo," iniwas ko ang mukha ko at humakbang ng isang hakbang palayo sa kanya. Dahil hindi ko na kaya ang sobrang lapit ng mga katawan namin sa isa’t isa. Para akong aatakihin sa puso sa sobrang lapit na 'yon at sa lakas ng t***k ng puso.
At ramdam ko ang munting pagdampi ng labi nito sa labi ko no'ng nagsalita ito. Parang biglang nanghina ang tuhod ko dahil sa gano'ng eksena kaya agad akong lumayo para hindi ako mawalan ng lakas at bumigay sa kanya.
I'll admit that I miss being too close to him pero hinding-hindi ko 'yon aamin ng harap-harapan sa kanya.
"Resort niyo ito?" Pagbasag ko sa katahimikang namayani sa amin. Bakit hindi ko man lang alam? Sabagay, matagal na kaming wala kaya hindi ko na talaga malalaman ang about sa buhay niya—nila.
"Uh-huh. Noong isang taon lang namin binili 'to kaya hindi pa gano'n kalago at kaayos dahil walang nagma-manage." Naglakad ito paupo sa gilid ng kama ko kaya sumunod ako rito pero nakatayo lang ako 'di kalayuan sa kanya. "Dad bought this part of the beach dahil maganda ang pwesto na ito. Dahil kitang-kita ang sunset at sunrise. At maganda rin ang tanawin," napatango-tango ako sa mga sinabi niya.
Kahit hindi ko pa naman nalilibot ang buong resort ay alam kong maganda ito. Alam ko dahil hindi basta-basta bumibili sina tita at tito kung hindi maganda para sa business ang isang lugar. Kahit naman hindi kami nagtagal ni Jatch noon ay kinukwento niya sa akin kung paano magpatakbo o kung paano mag-isip ang mga magulang niya when it comes to their businesses.
Tita Janna may not be strict and she always smiles, but believe me when I say she's a monster in the business world. Same with Tito Calpen, he's ruthless when it comes in the business things. But he's a loving father and that's what I like about him because he’s like my dad.
"Ikaw lang ba ang narito?" Tanong ko at tumingin sa kanya. Our eyes met and I felt my heart skips a beat. Agad naman akong umiwas dahil nawawalan ako ng hininga sa simpling tinginan lang na iyon.
"Nope. The whole family is here too. Nasa business meeting din sina mom and dad. While Joul is with Jada in his cabin," napangiti ako ng marinig ang pangalan ni Jada. I miss that little boss.
"Can we go there?" masaya kong tanong sa kanya at alam kong kumikislap ang mga mata ko ngayon sa saya.
"Okay. But in one condition," I clap my hands gleefully and sit beside him.
"What condition?" Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko dahil pumayag itong puntahan namin sina kuya Joul at Jada.
"Listen to my explanation first," nawala ang sayang nararamdaman ko dahil sa sinabi nito.
Seryoso ko itong tinignan na bagsak na ang balikat. Bakit pa kasi niya iyon sinali sa usapan? Gusto ko munang makalimutan 'yon pansamantala pero pinaalala niya pa.
"Sorry. I am just so desperate, Vale. Ayokong hindi mo ako kinakausap. I know that I am at fault too but please, boo. Hear me out…" puno na ng pagmamakaawa ang boses nito kaya napabuntong hininga ako.
"Spill. I'll listen," nakita ko ang munting ngiti sa mga labi nito kaya lihim din akong napangiti. Seeing him smile is one of the wonderful view I've ever seen.
"First of all, I am really, really sorry for not telling you na magkaibigan kami ni Rayne noon," napakunot ang noo ko dahil sa huli nitong sinabi. Noon? Ibig sabihin hindi na sila magkaibigan ngayon? And it is because of me? "Noon, kasi no'ng nalaman niyang nagkagusto ako sa'yo at gano'n ka rin sa akin, nagalit ito ng husto sa akin at tinapos ang pagkakaibigan namin. I know that it's partly my fault too dahil nahulog ako sa babaeng dapat ay bantayan ko lang dahil mahal ito ng kaibigan ko.
"When he left the country, he called me and he asked me a favor, and that is to watch you from afar," ngumiti ito ng tipid bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. "I was curious kung bakit gusto ka niyang pabantayan sa akin. At bakit hindi na lang sa ibang mga professionals. Marami naman kasi siyang pera. Nang malaman ko ang rason niya kung bakit ako ang ipapabantay niya sa'yo ay pumayag agad ako. Sino ba naman kasi ako para tanggihan ang isang pabor ng matalik kong kaibigan?
"So ayon nga, palagi kitang tinatanaw sa malayo dahil 'yon ang gusto niyang mangyari. And I was envious of him because he has you. A simple but beautiful lady that always smiles at the people who she interacts with," umiwas ito ng tingin at nakita kong namula ang leeg nito pataas sa tainga nito. Napangiti ako dahil doon. "And as days passes by, I didn't expect that I'll fall for you just by looking at you from afar. Hindi ko naman kasi ugaling magkagusto sa isang babae dahil alam mo naman ako noon. Isang playboy na papalit-palit lang ng babae araw-araw na parang damit lang.”
I remember that. May mga babae pa noon na hinaharangan ako at kiniclaim na sila raw ang totoong girlfriend ni Jatch pero dahil may tiwala naman ako noon sa pagmamahal niya sa akin ay tinatawan ko lang ang mga babaeng iyon.
"But it change when I see you and knew you kahit na hindi mo ako kilala. Lahat-lahat nang ginagawa mo araw-araw ay sinasabi ko kay Rayne noon hanggang sa hindi ko na kaya pang tingnan ka na lang sa malayo. I also stop informing Rayne about your whereabouts at nagrarason na lang ako na nagiging busy ako sa school kahit hindi naman." Hindi pa rin ito makatingin at nakita ko na pati ang pisngi nito ay namumula na. Napatawa na ako ng mahina dahil doon. "Stop laughing at me! I'm already embarrassed!" Dahil sa sinabi nito ay tumigil ako sa pagtawa at nagseryoso na ulit.
"Hindi coincidence or accident ang pagkakabunggo ko sa'yo noon sa mall. I planned it all along para mapansin mo ako at hindi naman ako nabigo dahil napansin mo nga ako pero agad mo naman akong tinarayan," natawa kami pareho ng maalala ang una naming pagkikita. I had my period that time kaya wala ako sa mood at nagtataray ako.
"I had my period that time kaya mabilis uminit ang ulo ko," nagkibit balikat ako at nakangiting tinitigan lang ito.
"Kaya nga. Pero kahit na nagsorry ako at nag-offer na ihatid ka ay hindi ka pumayag. Pero dahil sa pangungulit ko ay napa-oo ka rin. And that's where my plans started. To make you fall in love with me hard and deep too," napaawang ang labi ko sa sinabi nito. Too? Bakit ngayon ko lang nalaman 'to? "Yes, Vale. I fall hard and deep in love with you that I can't be save by anyone else but you."
Napatakip ako sa bibig ko dahil sa gulat. What the hell? Kahit pala hindi ko pa ito nakilala ay baliw na ito sa akin? At noong nagustuhan ko siya ay mas lalo itong nabaliw?
"So when you said that you like me, I take the opportunity kahit na alam kong walang kasiguraduhan kung maibabalik mo ang puso ko. And after months of courting you and your parents, my hard work and my wait for you was all worth it." Sa wakas ay tumingin na ito sa akin. "But when you broke up with me, para akong pinagsukluban ng langit at lupa. Nabubuhay nga ako pero ang puso ko ay patay na. Nawalan ako ng gana sa lahat. Mabilis naging mainitin ang ulo ko at bumalik ako sa paglalaro ng mga babae. Just to divert my attention from thinking of you every second.
"Naisip ko rin na baka karma ko na ito dahil sa pinaggagawa ko noong hindi pa tayo magkakilala," I saw something in his eyes na agad naman nawala. "Nabaliw ako, Vale. Nabaliw ako sa kakaisip sa'yo araw-araw. Tinatanong ang sarili kung saan ako nagkamali? Saan ako nagkulang?"
Ramdam ko ang pag-iinit ng mga mata ko dahil sa luhang namumuo rito. Oh my god. What have I done? Napatakip na lang ako ng bibig ko ng isa-isa nang bumagsak ang mga luha sa pisngi ko.
"Oh my god. What have I done to you? I'm so sorry, Jatch. I’m really sorry…" napahikbi ako dahil hindi ko na alam ang dapat kong sabihin.
"Shh... Don't cry, boo. It's not your fault. Don't blame yourself, okay? Kasalanan ko rin naman kasi kung bakit ako nasaktan ng todo. Nagmahal lang naman kasi ako ng babaeng nagparealize sa akin na mali ang saktan ang mga kabaro nito," niyakap niya ako at patuloy lang ako sa pag-iyak sa bisig nito. I miss this. I really miss this. His hugs, his warm and his kisses. I miss those things. "And up until now, it's still you, baby. Only you that I will love until the end of the universe."
C.B. | courageousbeast