ISANG ARAW na naging isang linggo na umabot ng isang buwan hanggang sa naging ilang buwang wala akong alam kung nasaan na siya. Hindi na siya pumasok pa sa school niya at nalaman kong nagdrop out ito at hindi ko alam kung ano ang dahilan. I tried to ask her friend, Hailey. Pero hindi nito sinasagot ang mga tanong ko. She just always smiles at me sadly na para bang may hindi ako nalalaman at may hindi magandang nangyari kay Vale na ayaw nilang ipaalam sa akin. Pumupunta pa rin ako sa bahay nila araw-araw at nagbabakasaling dumating na siya. Ang palaging sinasabi lang sa akin ay hindi pa sila nakakauwi mula noong umalis sila pagka-uwi ni Vale mula sa bahay namin. I missed my boo so much. "Where are you, Vale?" tumingala ako para tignan ang bilog na bilog na buwan at ang langit n

