Chapter 17

2200 Words
            MAGKAHAWAK KAMAY kaming pumasok sa restaurant ng resort nila. Ang lapad ng ngiti ng loko dahil maagang nakascore. Napa-irap ako sa kanya ng ngumisi ito sa akin bago itulak ang glass door ng restaurant para makapasok na kami. Sa hindi kalayuan, nakita namin ang mga magulang namin na nakaupo sa malaking pabilog na mesa at masayang nakukwentuhan na parang walang nangyari noong hiwalayan sa amin ni Jatch. Ngumiti ako kay Ate Kalla nang kumaway ito sa direksiyon namin ni Jatch dahilan nang paglingon ng mga kasama niya. Napayuko ako dahil sa hiya ng makita ang gulat at nagtatakang mga tingin ng mga magulang namin sa amin ni Jatch lalo na ng bumaba ang mgatingin nila sa magkahawak na kamay namin. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Jatch nang hilahin niya ako papalapit sa mesa kung saan kami kakain ng breakfast. "Ate Vale! Ate! Good morning!" rinig ko ang masiglang tinig at bati ni Jada sa akin ng medyo malapit na kami sa kinaroroonan nila. Napatingin ako sa kanya at ngumiti habang tumalon naman ito sa pagkaka-upo at tumakbo papunta sa akin. Narinig ko ang pagtawag ni Tita Janna sa bunsong anak dahil baka madapa ito sa pagtakbo. Ang lusog pa naman niya kaya baka madapa nga siya kapag ‘di siya nag-ingat. Nang makalapit sa akin ay agad itong nagpakarga kaya nabitawan ko ang nakahawak kong kamay sa kamay ni Jatch at kinarga ang makulit at malusog na kapatid ng loko na nagpangiti sa akin dahil sa kacute-an nito. "You're heavy na ah. Madami ka bang kinakain?" napahinto ako sa paglakad at hinawi ang mga buhok nitong tumatabon sa chubby nitong mukha at inilagay sa likod ng tainga niya. "Yes, ate! I always eat vegetables dahil sabi mo healthy iyon 'di ba?" nakangiti nitong balik tanong sa akin. "Yes, baby. You need those vegetables dahil madaming vitamins iyon. And also, you should drink 4 to 8 glasses of water every day." I felt an arm snake around my waist at hindi ako nagprotesta dahil alam ko naman kung sino ito. Just the warm and gentle of his touch, I know it’s Jatch. Hinapit niya ako palapit sa kanya at iginaya papunta sa lamesa ng mga magulang namin habang nakikipag-usap, nakikipagtawanan at nakikipagkulitan pa rin ako sa kapatid niyang karga-karga ko at hindi inalintana ang bigat nito. "Did you sleep well last night, ate?" Hindi talaga mauubusan ng tanong ang batang ito. "I did. And did you sleep well too?" Natatawa kong balik tanong sa kanya at pinisil ang pisngi nito dahilan ng paghaba ng nguso niya na ikinatawa ko. Magsasalita pa sana ito ng tumigil kami sa paglalakad kaya napatingin ako sa harap at nakita ang mga mukha nilang namamangha dahil sa nakikita. Napakunot noo at nagtataka ko namang tinignan sila at nilingon si Jatch. Malapad ang ngisi ngayon ng loko kaya inirapan ko ito na ikinailing niya na lang. "Jada, bumaba ka na kay Ate Vale mo. Nabibigatan si ate mo Vale sa'yo," ani Tita Janna kaya agad namang nagpababa si Jada sa akin kahit okay lang naman sa akin na kargahin siya. "Sorry, ate. Next time, hindi na ako magpapabuhat sa'yo," humagikhik ito at naglakad na papunta sa kinauupuan nito kanina sa gitna ni Tita Janna at Tito Calpen. Ngumiti lang ako sa kanila at naglakad na papunta sa upuang bakante habang nasa bewang ko pa rin ang isang braso ni Jatch. Pinaghila niya naman ako ng upuan at naupo ako sa gilid ni mommy habang nasa kabila ko naman si Jatch. Katabi nito si Ate Kalla habang nasa tabi naman ni ate si Kuya Joul. Katabi naman ni kuya si Tito Calpen. Katabi rin ni mommy si daddy at katabi ni daddy si Tita Janna. Hindi gano'n ka laking pabilog na mesa kami nakaupo na puno na ng pagkain. Kami na lang siguro ang hinihintay nila para makapagsimula na. I greeted them good morning and so they are to me with a happy smile in their faces. Masaya kaming kumakain ng breakfast nang madako ang usapan sa amin ni Jatch. Nakita kasi nilang nilalagyan nito ang pinggan ko ng pagkain pwera sa shrimp dahil allergic ako sa gano'n na alam na alam ng lahat ng kasama namin sa mesa. "So, nagkabalikan na kayo?" panimula ni Tita Janna kaya napatingin ako sa gawi niya at nahihiyang ngumiti sa kanya. Tumango ako sa tanong niya bago nagsalita. "Yes po, tita." "Kailan lang, hija? Why didn't you tell us?" Napunta naman ang tingin ko kay mommy dahil rinig ko ang pagtatampo sa boses nito. "We sort things out last night, 'my. At kagabi lang kami nagkabalikan," mahina akong natawa sa naging reaksiyon nito. "Then I was already asleep when you visited my cabin, right?" Tumango siya. And her mouth was in an O shape at hindi ito makapaniwalang pinabalik-balik ang tingin sa akin at kay Jatch na tahimik lang sa pagkain sa tabi ko. She knew how much I love Jatch and how much I waited for this day kahit na hindi ko naman sinasabi sa kanya. "That explains why your aura is blooming and happy, huh?" napayuko ako dahil sa sinabi nito dahil ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Narinig ko naman ang mahina nilang tawa kaya mas lalo akong napayuko sa hiya. Tumindig ang balahibo ko dahil sa kiliting hatid ng hininga nito sa tainga ko ng bumulong ang katabi ko. His breathe tickle me and he knows that and he used it to tease me more like now. "You're blushing, boo, and it makes me turn on," kinurot ko ang tagiliran nito dahil sa sinabi niya. Ang bibig talaga ng lalaking ‘to! Pero gusto mo naman? Lihim na lang akong napailing dahil sa sariling tanong. Pero imbes na masaktan ay tumawa lang ang loko at mas lalong inilapit ang mukha sa gilid ng tainga ko at bumuntong hininga dahilan para manginig ako sa hindi maipaliwanag na kiliti sa sistema ko. "And it also explains why my son is happy when he came out from his cabin this morning," napatingin ako kay Tito Calpen nang sinabi niya iyon at nakitang may munting ngiti ito sa mga labi habang nakatingin kay Jatch. Those eyes are like the eyes that made me fall in love with. Those eyes that is too visible to see the emotions inside it. Those eyes that made me realize that true love really exist. "They looked like a sweet and happy small family a while ago, my. Si Vale na karga-karga si Jada habang nasa maliit na bewang naman ni Vale ang braso ni Jatch," kinikilig na ani Ate Kalla na nagpatawa sa lahat. "Para kayong mag-asawa talaga kanina. Lalo na at ingat na ingat itong si Jatch sa inyo habang iginagaya kayo papunta rito sa pwesto namin." "Ganda rin ng ngiti ni Jatch kanina, eh. Nakascore ba lil'brother?" panunukso ni Kuya Joul na tinawanan lang ng loko. “And the hickeys explain your laugh, huh?” Nanlalaking mga mata ko namang tinignan si Kuya Joul na nakangisi na nakatingin sa amin lalo na sa leeg ko kaya tinakpan ko ito para itago. Mabuti na lang at hindi narinig ng mga magulang namin ang huli niyang sinabi. At bakit ko ba kasi nakalimutan na sinispsip iyon kanina ni Jatch? Stupid, Vale! Napailing-iling na lang din ako sa mga pinagsasabi nila. I won't deny it dahil nakascore naman talaga ang loko at nilagyan pa ako ng hickey. "The way he looked and touched you, ingat na ingat talaga. Akala mo naman ay mawawala at may kukuha kay Vale sa kanya," natatawang ani Ate Kalla kaya pabiro ko itong inirapan. "And some ladies that are far away from our table looked at you, Vale. Look that envies you dahil baliw ang isang 'to sa'yo." "Merong kukuha, ate. Kung 'di 'yan magbabago," natatawa kong ani at biro at bumalik sa pagkain. "Sino, Val? 'Yong nanliligaw ba sa'yo? Bakit hindi mo sinagot 'yon? At bakit ang kapatid ko ang pinili mo?" Alam kong inaasar lang nila si Jatch na masama na ang tingin sa akin dahil sa pagsali at pagsabay ko sa mag-asawa. Nagkibit balikat ako at tumawa bago sinagot ang tanong ni Kuya Joul. "Napapatanong din nga ako kuya kung bakit siya. Madami namang nanliligaw sa akin sa school. Hindi ko alam kung bakit siya ang binalikan ko at hindi ako humanap ng bago." At binuntunan ko pa ng mahinang paghagikhik na dahilan para mas lalong sumama ang mukha ng katabi ko. "Kasi mahal mo pa rin ako kaya binalikan mo ako," nakanguso na ito ngayon ng tumingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya para pigilan ang sarili sa pagngiti. "Yeah? Says who?" Nang-aasar kong tanong sa kanya. Tumalim na naman ang tingin niya sa akin dahil sa sinagot ko. Narinig ko naman ang pagtawa ng mga magulang namin lalo na ang tawa ni Ate Kalla na nangibabaw sa lahat. Wala na rin kaming pakialam sa mga taong nakatingin sa amin. The thing here is, we're all happy and we feel contented. "Stop it, kids. Tapusin niyo na ang pagkain dahil may gagawin tayo pagkatapos," napatigil naman kami dahil sa sinabi ni Tita Janna at tahimik nang kumain at napapaisip kung ano ang maarin naming gawin mamaya. Jatch snake his arms around my hips and lean in to whisper in my ear that made me shiver down to my spine. "Humanda ka mamaya sa 'kin, boo," inirapan ko lang ito at nagpatuloy na sa tahimik na pagkain ng aming agahan habang busy naman ito kakaasikaso sa akin na parang hindi ko kayang gawin ang ginagawa niya.               Nasa gilid kami ngayon ng baybayin at nakaupo sa nakalatag na picnic mat na dala nila Tita Janna at Ate Kalla. Gusto kong maligo sa dagat pero mataas pa ang sikat ng araw kaya hindi ko magawa dahil baka magka sunburn ako. Mabuti na lang at nasa ilalim kami ng mga coconut trees kaya 'di kami naiinitan. The coconut trees are giving us shades from the hot rays of the sun and the relaxing breeze from the sea in front of us. I am leaning my back at the broad chest of Jatch dahil nasa likod ko ito at nasa gitna ako ng mga hita niya. Nakapulupot naman ang mga braso nito sa tiyan ko habang nakapatong ang mga kamay ko sa mga braso niya. He's also resting his chin in my temple. And I love the warm that he's giving me. Ang mga magulang naman namin ay nakahiga rin sa mga inilatag nilang mat. Si Jada naman ay naglalaro ng buhangin dala ang kanyang mga laruan na pangbeach habang nakasuot siya ng kanyang one piece swimsuit na pang bata. Ang cute niyang tignan dahil floral ang design nito at nakashades pa siya. Magkatulad din sina Ate Kalla at Kuya Joul ng posisyon sa amin. Kuya Joul is caressing Ate Kalla's small baby bump. They look happy and contented and I envy them. Gusto kong maging gano'n din kami ni Jatch. Maliit man ang pamilya pero masaya. Napatingala ako kay Jatch ng magsalita ito na ikinangiti ko. "Thank you, boo, for letting me in in your life and heart again. I wish we'll be like this until our last breath," mas humigpit ang yakap nito sa akin mula sa likod. "Nothing will change and no one will leave, baby." I assured him. I don't want to leave him. He's my life now. My everything. "Yes. Nothing will change. Especially my love for you, boo. I love you so much, baby." And he kiss my temple with so much love. I can't wish for more for this. I feel complete and contented and that's what I want in life. But I don't think this will last. Binalik ko ang tingin ko sa harap namin. Ang magandang tanawin. The vast and wide ocean is like my love for him. No beginning and no ending. And I am hoping that he'll be my last. Until my breath stop. "I want to start my life now. Thinking of growing old without you, marry you in front of him, saying our vows and promises to each other. Having our family, happy with our married life, contented with everything we have with our kids. That's what matter to me and what I really want, Val. You, as my wife and the mother of my kids," tumulo ang isang butil ng luha sa mata ko na agad ko namang pinahid. I also want that too, baby. I want to be with you, to be your half, to marry you in front of him, to have kids with you, be happy in your arms every day. And I promise to fight for you, for us. "Thank you, my Cahlen…" Ang tangi ko na lang nasabi dahil hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko sa kanya. Hearing him say those words made me feel so lucky to have him in my life. He's so good to be true. He's not as perfect like a prince charming but he's unique in his own ways. That made me fall deep for him. He's an imperfect man but he's he and no one can make me love him more than myself. C.B. | courageousbeast
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD