THREE DAYS na rin kaming namamalagi sa resort nina Jatch. Palagi rin akong naiiwan mag-isa sa cabin dahil palaging may mga business meetings ang parents ko. Pero hindi naman ako nabored sa tatlong araw na 'yon dahil palagi akong pinipuntahan ni Jatch sa cabin ko at nililibang ako araw-araw.
Kapag pumupunta siya sa cabin ko, palagi ko siyang inaayang lumabas dahil alam ko ang takbo ng isip niya at kilalang-kilala ko siyia. He's a guy after all. And I'm a woman na nag-iisa lang sa cabin ko.
In those three days with him, I always feel happy, contented and loved. He always made sure that I felt those feelings. I never doubt his love for me. He did everything in those three days to never doubt it. He did everything just to make me feel like I am always the woman he loves.
Hindi rin nawawala ang mga surprises niya. He loves to spoil me on those things kaya no'ng naghiwalay kami ay hinahanap-hanap ko talaga. I'm not as materialistic as the other girls. I only want loyalty, faithfulness, honestly, attention, time and love.
He also made me forget the things that I don't need to think. The things that he shouldn't know in the first place and the things that I want to bury until the day I leave this world peacefully.
"What are you thinking?" Nabalik lang ako sa sarili ng marinig ang tanong niya sa akin.
Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya patagilid. "Nothing," tipid kong sagot sa tanong at naramdaman ang pagpulupot ng braso niya sa bewang ko.
"Ang lalim ng iniisip mo kanina pa, boo. So tell me what were you thinking?" natawa ako ng masense ko ang pagtatampo at inis sa boses niya.
"Wala nga," natatawa kong ani at hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. "I really wish this would last…" Bulong ko sa hangin at alam kong hindi niya iyon narinig.
"Anong wala? I was asking you questions after questions pero hindi mo ako sinasagot. And you were oblivious like you are thinking of something or... someone," humina ang boses nito sa huling sinabi na ikinailing ko na lang.
He we go again. My jealous and childlike boyfriend. Kung hindi ko lang ito mahal, hindi ko ito babalikan. But because I love and I need him, I'll keep him.
"I told you, baby. Wala akong iniisip na iba. Ikaw lang." At isiniksik ko ang mukha ko sa armpit niya at sininghot ang mabango nitong perfume. The scent of musk with a mixture of vanilla lingers in my nose dahilan ng pagpikit ng mga mata ko. "You are the one that I was thinking kaya napapatulala ako."
He didn't move a muscle and I heard him muttered a soft curse. Napakalas ako ng yakap sa kanya at nilayo ang sarili. Tinignan ko ito ng masama sa pagmumura nito. Kinalas ko rin ang braso nitong nakahawak sa bewang ko kaya tumingin ito sa kanya na may nag-aalangan at may pagsisisi na ngiti.
"I'm sorry for cursing, boo. Halika na rito, please?" pinagkrus ko ang mga braso ko sa harap ng dibdib at mas sinamaan ito ng tingin.
"What did I tell you, Cahlen?" May inis kong tanong sa kanya.
Bumuntong hininga muna ito bago sumagot. "No cursing when we're together…" Walang lakas nitong sagot.
"And then?"
"No touching or body contact for an hour," para itong binagsakan ng langit at lupa sa lagay at mukha niya. Laglag ang mga balikat at walang lakas na yumuko sa harap ko.
Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko bago tumayo sa harap niya at namewang. Tumingala naman ito sa akin na may pagmamakaawa sa kanyang mga mata.
We have a rule. No cursing when we are together. One curse, no touch. Not the typical touch that you are thinking. Hindi niya lang ako mahahawakan o hindi ko siya mahahawakan ng isang oras dahil nagmura ito. He knows that I hated to hear curses and he sometimes cuss without a reason. Like a while ago.
Hindi niya ko mayayakap, mahahawakan sa bewang o kamay, mahahalikan at minsan, hindi ako nagpapakita sa kanya kaya hindi siya nagmumura kahit na gusto na nitong magmura sa pang-aasar nila Kuya Joul at Ate Kalla.
"Alam mo namang ayokong nagmumura ka kapag kasama ako. Curses are like a thunder that hits me hard, Cahlen!" ani ko habang nakapamewang pa rin sa harap niya. "Tell me the reason why you cursed a while ago," tinaasan ko ito ng kilay.
"Kinilig ako sa sinabi mo…" mahina niyang ani at yumuko na parang sobrang nahihiya sa sinabi at inamin sa akin.
Napanguso ako para pigilan at itago ang pagsilay ng ngiti sa aking mga labi. Nakita ko ang pamumula ng leeg pataas sa tainga nito. Nagpapahiwatig na nahihiya at kinikilig nga ito. Hindi ko na mapigilan ang sarili kaya mahina akong natawa dahilan ng pag-angat nito ng ulo niya at tinignan ako ng masama.
"It's not funny!" naiinis nitong ani pero namumula pa rin ang leeg at tainga niya.
Mas lalong lumakas ang tawa ko dahil sa sinabi nito. Mangiyak-ngiyak na ako sa kakatawa habang nag-iwas na naman ito ng tingin. Ilang minuto akong gano'n bago tumigil at humakbang palapit sa kanya. I cupped his face softly and planted a soft kissed on his forehead. Ngumiti ito sa akin at pinulupot ang kanyang mga braso sa aking bewang at ikinulong ako sa pagitan ng nakabukaka niyang mga hita.
He is still sitting on a beach lounger and I am still standing between his legs in front of the wide ocean while waiting for the sun to set. This is what we always do kapag naghapon na sa kahit saan kami abutan ng hapon. He knew that I really love sunrises at sunsets. This is also one of our best moments. Dahil maganda ang tanawin at nakakarelax. It also tells us that we successfully start and finish the day with each other’s arms.
I put my pointer finger in his chin and made it face me. Our eyes lock and I feel my heart beats fast than its normal pace. And the electrifying sensation in my being had woken up. I smiled at him and he did too. I lean in to him and kiss his lips. A peck one.
Nang maglapat ang mga labi namin ay naramdaman ko ang mga insektong nagliliparan sa kaloob-looban ko. This is his effect on me, the feelings that I didn't feel with someone else for years. Only to him.
"I love you, baby…" nanlalambing at nakangiti kong ani sa kanya na ikinangiti niya. "Ikaw lang ang minahal ko ng ganito, Cahlen. Ikaw lang…" At tumayo ako ng tuwid pero agad ding napatili dahil sa ginawa nito.
Bigla nitong hinigit ang kamay ko at hinila ako paupo sa kandungan niya. Ang bilis ng tahip ng dibdib ko sa kaba dahil sa ginawa niya. You jerk! Narinig ko lang ang mahinang pagtawa niya at ang pagpulupot ng mga braso niya sa tiyan ko at hinapit ako palapit sa katawan niya na parang ikinukulong ako at wala na akong kawala pa.
Ilang buntong hininga ang ginawa ko para pakalmahin ang sarili dahil sa gulat at kaba. Nang tuluyang mapakalma ay sinandal ko ang likod ko sa dibdib nito. I felt warm and safe. This feels like home. At dahil papalubog na ang araw ay medyo malamig na ang simoy ng hangin mula sa dagat kaya nakakaramdam na ako ng kaonting lamig.
I am wearing a blue sleeveless beach dress and a flip tops dahil nasa beach naman kami. While he is wearing a white t-shirt paired with a khaki shorts and also a flip tops. Simple lang naman ang suot niya pero malakas pa rin ang dating nito sa mga babaeng nagba-bakasyon din sa resort nila na napapatingin, nagbubulungan o kaya ay napapatili kapag dumadaan siya sa mga ito.
"Gusto mo na bang bumalik sa cottage mo?" marahan at malumanay ang boses nitong tanong sa akin at hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin mula sa likod. Umiling lang ako dahil ayoko pang bumalik do'n at wala naman akong gagawin doon. "Then let's stay here for a while."
Hindi ko alam na nakatulog na pala ako sa mga bisig niya kanina habang hinihintay ang pagbaba ni haring araw. Nagising lang ako ng maramdaman kong para akong hinihele dahil parang may nagbubuhat sa akin habang naglalakad ito sa hindi ko alam kung saan papunta.
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at nakita ang seryosong mukha ng lalaking mahal ko. Maingat ang bawat hakbang nito na parang natatakot na matalisod ito at mahulog at masaktan ako. I snake my arms around his neck at isiniksik ang sarili sa dibdib nito. Mas lalo niya namang hinigpitan ang pagkakakapit sa akin.
Nang maramdaman ko ang pagtigil nito sa paglalakad ay napatingala ako sa kanya at tinignan kung bakit ito tumigil. I saw my cabin door in front of us. Dahan-dahan niya naman akong ibinaba at inayos ang nagusot kong dress.
Humikab muna ako at nag-inat-inat bago siya hinarap at ngumiti sa kanya ng matamis.
"Sorry kung binuhat mo pa ako papunta rito sa cabin ko," umiling ito at humakbang papalapit sa akin.
Hinawi nito ang mga buhok ko na tumatabing sa mukha ko at inipit sa likod ng tainga ko. He smiled and caressed my cheeks softly. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi ko at dinama ito habang ipinikit ang aking mga mata.
"No worry, boo. I'll do everything just to make you comfortable," hinalikan nito ang pisngi ko at niyakap ako. Itinagilid ko ang mukha ko at sinuklian ang yakap niya na mas lalong pa niyang hinigpitan. "You’re the only one that can make me feel this way. You make my heart flattered and when seeing your smile, it completes me. Lalo na kapag ako ang dahilan ng mga ngiti mong iyon."
"You're always the reason of my smile, baby. And you will always be," ani ko kumalas sa yakap niya.
I cupped his face and lean to kiss his forehead kaya napayuko ito. We may be apart for three years but my love for him didn't change.
"Let's eat our dinner inside your cabin. Mag-oorder lang ako at ipapadeliver dito. Alam kong magagabihan ulit ng balik sina tita at tito," tumango ako sa sinabi nito at tumalikod na sa kanya para buksan ang pinto ng cabin ko.
Ilang minuto lang ang hinintay namin bago ma-i-deliver ang dinner namin. Tahimik lang kaming kumain ng basagin nito ang katahimikan sa tanong na hindi ko masagot agad.
"You won't leave me, right?"
Tinignan ko lang ito ng ilang minuto dahil hindi ko masagot. Hindi ko alam ang isasagot ko at hindi rin ako sigurado sa buhay ko ngayon. I know that I promised to him but I really don't know. I know I’ll break my promised and that is the reason why I don’t want that word. Aasa at aasa ka lang kahit na alam mong sa huli ay hindi naman mangyayari ang mga bagay na ipinangako sa’yo at ipinangako mo.
Minsan na akong pinangakuan na pinako lang naman ng taong nangako kaya ngayong ako na ang nangako ay hindi ko alam kung matutupad ko rin ito. Kaya hindi ako naniniwala sa salitang pangako dahil alam kong sa huli ay masasaktan lang ako.
Ngumiti ako sa kanya at tumango kaya napangiti na rin ito mula sa mukha niyang nabahiran ng takot at pangamba kanina ng matagal akong sumagot.
"Hindi ko na makakaya kapag nawala ka pa ulit, Val. So please, don't leave me."
C.B. | courageousbeast