"HOW'S YOUR DAY yesterday, cupcake?" nakangiting tanong ni mommy sa akin at saka ako nilingon.
Pinunasan ko muna ang bibig ko ng table napkin at ngumiti sa kanya bago sumagot sa tanong niya na nakangiti na rin sa kanya.
"Fine, mom. Wala ba kayong mga business meetings or gatherings ngayon?" Balik tanong ko sa kanya na nagtataka na.
Umiling ito bago bumalik sa pagkain. Tahimik lang si dad sa tabi nito na para bang may malalim na iniisip at nacu-curious ako kung ano ito. He's not like that kapag kompleto kami sa hapag. He’s jolly and happy but today’s different and I am curious. Pero hinayaan ko na lang at baka may kaonting problema lang sa kompanya.
We are eating our lunch in the resort's restaurant. Wala ngayon sina Jatch dahil may dinaluhan silang family gathering kaya hindi ko siya kasama at sina mom at dad lang ang kasama ko ngayon. Bumalik na ako sa pagkain ng tahimik. It's so unusual na tahimik kami ngayon. And I don't like this silence. I’m not comfortable.
"Maayos naman ba kayo ni Jatch, hija?" Seryosong ani dad kaya napatigil ako sa pagkain at tumingin sa kanya.
"Yes, dad. Wala naman kaming problema... sa ngayon," hininaan ko ang boses sa huling sinabi sa pagbabakasaling hindi nila marinig.
Hindi kasi ako sigurado kung hanggang kailan kami magiging maayos. 'Yong tipong wala ng problemang dadating. Na magiging masaya na lang kami hanggang sa nabubuhay pa ako—kami.
"Did you already... tell him?" may pag-aalangang tanong niya ulit sa akin.
Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko masasagot ang tanong niya. Should I tell him? I don't think it's a good idea. I don't want him to get worried about me. Kakaayos lang namin. Ayokong may pro-problemahin agad siya o kami. At ayokong maulit na naman ang noon dahil lang sa may nalaman siya tungkol sa akin.
"You should tell him, cupcake. He has the right to know, you know," nagmamakaawa akong tumingin sa kanila. I don't want to. Kung pwede kong itago ay itatago ko sa kanya.
"Mom, dad, alam kong concern kayo para sa akin pero ayokong sabihin sa kanya. You know him. Kung pwede lang na ako ang kasama niya kada segundo, minuto, oras o araw-araw ay gagawin niya," napabuntong hininga ako. "Kapag sinabi ko sa kanya, you think he'll leave my side? No. Ngayon pa na isang taon na lang ay ga-graduate na siya sa pagiging marino niya. Ayokong ipagkait sa kanya ang gusto niya, mom, dad."
Nakita ko ang pangingiligid ng luha ni mom dahil sa sinabi ko. Dad looked at me with understanding and at the same time, worried in his eyes. Alam kong sobrang concern sila sa akin kaya nila gustong sabihin ko kay Jatch ang nangyayari sa buhay ko. But no, I know him better than himself and the people around him.
Noong nanliligaw ito ay para na itong linta kung makadikit sa akin. At no'ng naging kami ay ayaw na nitong mawalay pa sa akin kung hindi ko lang ito sinasaway at pinipilit na pumasok. He's clingy and possessive. I like those part of him pero nakakapagod din palang intindihin at sobrang toxic nun sa isang relasyon.
And now that we're back together again ay hindi na siya masyadong gano'n dahil kinausap ko na ito na hindi lang dapat sa akin nakapalibot ang mundo niya. He should do what he wanted to do and I'll support and trust him. He may be a playboy but he knows how to be loyal to me. He changed his self for me. Not because I asked him to but he wanted to. That’s what he said to me years ago.
It's his dream we are talking about here. Kahit na gusto ng mga parents niyang business course ang kunin niya, mas pinili niya ang maging marine dahil ito ang gusto niya. Ito ang pangarap niya. He'll sail the world while working.
"You really love him, do you?" tumango ako sa tanong ni mom sa akin at ngumiti.
"More than myself, mom. More than myself." Ang tangi kong sagot bago kami bumalik sa pagkain ng tahimik.
Natapos kami sa pagkain ng lunch namin na bumalik ang sigla sa hapag. After the talk ay naging magaan na ang paligid. Pero hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa mga mukha nila. And I understand that because they are my parents and I am their only daughter. Their princess.
Nakabalik na ako sa cabin na tinutuluyan ko at nakahiga lang sa kama habang nakatunganga sa kisame nito. Iniisip kung kailangan ko ba talagang sabihin sa kanya? Paano kung iwan niya ako instead na magstay siya sa tabi ko? But thinking about him leaving me breaks my heart into two. At hindi ko na siguro makakaya ‘yon.
Napakapit ako sa kanang dibdib ko kung nasaan ang puso ko ng maramdaman ang pagsikip nito dahil sa naisip ko. Pinaawang ko ang labi ko dahil para akong nahihirapang huminga. Ang bilis ng t***k ng puso ko na parang pinipiga ito sa sakit.
Ramdam ko ang pag-iinit at pamumuo ng mga luha sa aking mga mata. Tinakpan ko ang bibig ko ng isang paghikbi ang kumawala rito. Isa-isa na ring kumawala ang mga luha sa aking mga mata at dumaloy sa aking pisngi.
Just thinking about him leaving me because of the things that I can't tell him made my heart crushed and makes me cry. Ang hirap. Ang hirap na hindi ko tuluyang masabi sa kanya ang dapat niyang malaman. I know that this is selfishness but I'll choose to hurt myself than to hurt him. That's how I love him.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa mga naisip ko habang puno ng luha ang aking mga pisngi.
Nagising ako sa mga katok na naririnig ko mula sa labas ng aking pintuan. Umupo ako mula sa pagkakahiga at kinusot-kusot ang aking mga mata at humikab.
Inilibot ko ang paningin ko at natuon ito sa wall clock sa loob ng cabin ko. It's already past 6 in the evening. Gano'n ako katagal natulog? Kahit na tinatamad umalis ng kama ay pinilit ko ang sarili para pagbuksan ang taong nasa likod ng pintuan ng cabin ko. Umaasang baka nakabalik na sila Jatch mula sa gathering na pinuntahan nila.
I walk bare foot and feel the cold ground of my cabin and it sent shivers to my whole body. Panay lang ang kusot ko ng mga mata ko at pahikab-hikab dahil nakakaramdam pa rin ako ng antok.
Nang makarating sa harap ng pinto ay patuloy pa rin ang mahinang pagkatok ang naririnig ko. Wala sa sarili ko itong binuksan at nabitin sa ere ang kamay kong iinat ko sana sa taong tumambad sa harap ko. What the hell is he doing here?! Agad kong sinarado ang pintuan at inayos ang sarili.
My gosh! Bagong gising ako at magulo ang buhok ko! Hindi rin ako nakapagmugmog! Patakbo akong pumasok ng banyo at ginawa ang kailangang gawin. Nang matapos ay agad akong lumabas at nagpunta pabalik sa pinto. Bumuntong hininga muna ako bago pinihit ang doorknob at binuksan sa pag-aakalang naghihintay pa rin ito roon.
Nagtaka ako nang mabuksan ko ito ay wala ng tao. Nandito lang siya kanina, ah? Ba't biglang nawala? Nasaan na kaya 'yon? Lumabas ako at napatingin sa ilalim ng may mabunggo ang aking mga paang wala pa ring saplot. Napasinghap ako sa nakita. Don't tell me he just leave it here and then he go without saying something to me?
Agad ko itong pinilot at inamoy-amoy. The scent lingers in my nose and it made me smile. He really knows my favorite, huh? He gave me a bouquet of white and pink roses. And white roses are my favorite flower. May nakita akong maliit na card na nakalagay kaya kinuha ko ito at binasa na dahilan ng pagngiti ko.
'Follow the candles, boo. I'll wait for you. And wear something casual. I love you.
-Your baby'
Nang mabasa ay pumasok na ako sa loob at inilagay ang mga bulaklak sa vase sa center table sa loob ng cabin ko. Naglakad ako papunta sa maliit na cabinet sa loob ng cabin kung saan nakalagay ang mga gamit ko at naghanap ng masusuot. While choosing the dress that I'll wear, I hum a song. A thousand years.
Kinuha ko ang puting dress na long sleeve off shoulder na may lace sa bewang. I paired it in a white ballerina flats dahil buhangin naman ang lalakaran ko. Ginawa kong half-moon ang lagpas balikat ko ng buhok. I also do my light make up. Kaonting blush on lang at lip gloss and okay na ang mukha ko.
Hindi mawala-wala ang ngiting nakapaskil sa aking mga labi ng lumabas ako ng cabin ko. Sa hindi kalayuan ay nakita ko na ang nakahilerang mga kandila sa magkabilaan ng parang daanan na pinasadya talaga. Eto na siguro ang sinasabi niyang susundan kong mga kandila. May daan sa gitna habang nasa magkabilang gilid naman ay mga maliliit na kandila. There are also petals of white roses scattered in there.
Malakas na kumalabog ang puso ko dahil sa inaassume kong mangyayari ngayong gabi. Patuloy lang ako sa pagsunod sa kandila hanggang sa nakarating ako sa dulo nito. Sa gilid ng baybayin kung saan napapalibutan ng mga nagtataasang puno ng niyog.
Napatakip ako ng bibig dahil na nakikita. The place looks so... wonderful. It feels like I am in a paradise. May mga maliliit na ilaw na nakapalibot sa gitna ng mga puno ng niyog na nakapalibot. Petals of white rose are scattered everywhere. Candles are formed into a heart shape in the center. And there he is, standing and waiting for me in the middle.
Why are you doing this baby? Napako ako sa kinatatayuan ko habang nangingiligid ang luha sa aking mga matang nakatingin sa kanya. Ngumiti ito sa akin at naglakad papunta sa kinaroroonan ko. I can't say a thing. I was so speechless.
Agad ko siyang niyakap ng makalapit ito at doon na tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Tears of joy. Tears of too much happiness and tears of my love for him. He never failed me about surprises. He always made me cry because of happiness. And I am falling more in love, hard and deep.
"Did you love what I did, boo?" malambing nitong tanong at kumalas sa pagkakayakap ko. Tumango ako sa tanong niya habang patuloy pa rin sa pagdaloy ang nga luha sa pisngi ko.
He cupped my face and wiped the tears away. He kissed my forehead and I lean my face in his chest. His musk scent lingers in my nose and it relaxed me.
"I missed you. Miss na miss kita kahit na isang araw kitang hindi nakita. Gusto sana kitang isama kaso sabi ni tita Ivette hindi mo gugustuhin dahil ayaw mong madisturbo ang family gathering namin," mahaba nitong ani at niyakap ulit ako at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"It's your family, Cahl. At hindi niyo naman ako relative kaya dapat lang na hindi ako sumama sa inyo," kumalas ito sa yakap at hinawakan ang kamay ko bago hinila papuntang gitna ng nakaform na heart na mga candles at petals.
In the center, there's a round table with two chairs. May candle light sa gitna at vase na may bulaklak. Pinaghila niya ako ng upuan at naupo naman agad ako. Naglakad naman ito papunta sa harap kong upuan at naupo. The table are full of foods. My favorite foods.
"Kailan mo ginawa 'to?" nakangiti kong tanong sa kanya.
"When we came back, boo. Tulog ka kanina kaya hindi na kita dinistrubo at ginawa na lang ito," ngumiti rin ito sa akin. "Shall we eat, baby?" tumango lang ako sa tanong niya at nagsimula ng kumain. I can't say a word. He's a man full of surprises.
C.B. | courageousbeast