Napabalikwas si Cyrus nang maramdamang may malakas at mabigat na dagan sa kanyang tiyan. Napadaing siya nang bahagya habang pikit-mata at marahas na hinawi ang anomang nakapatong sa kanya bago mabilis na bumangon mula sa pagkakahiga. Habol-hininga siyang napaupo sa gilid ng kama habang ang kanyang dibdib ay mabilis na tumatambol. Napahilamos siya sa sariling mukha gamit ang kaliwang kamay upang alisin ang natitirang antok na pilit gumagapos sa kanyang compensates. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang nilingon ang kanyang katabi. Nakatihaya si Lana sa kanyang gilid, mahimbing na natutulog habang ang payapang paghinga nito ay halatang-halata sa bahagyang pagtaas at pagbaba ng dibdib nito. Tama nga ang hinala niya—malamang ay nananaginip na naman ito. Sa lakas kasi ng pagkakadantay ng dalawang

