CANDELARIA’S POV WALANG nagawa si Robi sa ganda powers at kakulitan ko. Hindi na siya nakapalag nang sumakay rin ako sa taxi na pinara niya para ihatid siya sa bus terminal. Talagang ipinagsiksikan ko ang sarili ko para lang kahit anong tulak niya sa akin ay hindi ako malaglag sa taxi. Ganiyan talaga kapag nagmamahal, kapit-tuko dapat. Kapit lang nang kapit kahit walang kinakapitan. Tiis-ganda, kumbaga. Pero kung walang ganda, tiis na lang, `di ba? “Alam mo, ang kulit mo talagang babaita ka? Bakit ka ba sunod nang sunod sa akin?” inis na turan sa akin ni Robi. Nakataas ang isa niyang kilay na parang kontrabida sa isang soap opera. “Lalo kang gumagwapo kapag nagtataray ka, Robi!” kinikilig na sabi ko. Eh, totoo naman kaya. Tila mas lalo namang naimbyerna si Robi dahil sa sinabi ko. “Gr

