CHAPTER 09- My Amnesia Gay

1423 Words

CANDELARIA’S POV OUCH! Ang sakit ng katawan ko… Bakit ba masakit ang katawan ko? Ginahasa na ba ako ni Robi? Kakagising ko lang at parang galing ako sa sobrang tagal na pagkakatulog. Ang huli ko kasing naaalala ay papunta kami ni Robi sa Sagada tapos inalok ko siya ng ensaymada. Tapos, nawalan ng preno `yong bus. Tapos, may bangin… `Yong bus… Tapos… Tapos… Oh my, God! Nahulog iyong bus na sinasakyan namin ni Robi sa bangin. “Robi ko! `Asan ka?!” sigaw ko sabay bangon mula sa pagkakahiga. Talagang naka-stretch pa ang braso ko na parang inaabot ang machong katawan ni Robi sa harapan ko. Teary-eyed pa ako ng slight. “Sa wakas, gising ka na rin!” “Ay, kabayong maligno!” Malakas kong sigaw nang may biglang magsalita. “Sino ka?” tanong ko sa baklang nakaupo sa upuan na nasa tabi ng kama ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD