CANDELARIA’S POV MAAGA akong gumising this day. Ngayon ko kasi pupuntahan sa Pampanga ang parents ni Robi. Doon kasi ang address ng mga ito. `Tamo, todo-effort ako nito para lang hindi mabulilyaso ang lahat ng plano ko. Dahil ayokong mag-commute, inistorbo ko si Lucena sa bahay nila. May kotse kasi siya. Ayoko namang haggard ako `pag humarap ako sa magulang ng forever ko. Hihi! Tulog pa ang gaga kaya ginising ko pa. At home na naman ako sa kanila dahil kilala na ako ng magulang niya. Pinapasok na nila ako sa kwarto ng aking kaibigang conyo para gisingin ito. “What ba naman, Candelaria, eh. I am so sleepy pa kaya!” ungot niya sabay talukbong ng kumot niyang may print na Hello Kitty. Collection niya kasi ang reyna ng mga pusa na si Hello Kitty. Hinila ko ang kumot at doon ko nakita na pin

