CANDELARIA’S POV PINAPAWISAN na nang sobra ang mga kamay ko. Pwede nang suplayan ang irigasyon sa kabukiran! Ganito talaga ako kapag nate-tense. Eh, paanong hindi ako mate-tense nito, bukod sa makakaharap ko na pati ang tatay ni Robi ay nape-pressure pa ako. Hindi ko kasi sigurado kung sasabihin ko sa kanila ang totoo. Meet the parents lang ang drama ko plus the pressure. Dapat pala isinama ko dito si Lucena, eh. Bwisit naman kasi `yon, mas pinili pa na matulog kesa suportahan ako. Alam ko na. Ilalagay ko na lang ang sarili ko sa pwesto nila. Kunwari, nanay ako ni Robi. Matutuwa ba ako kung kasinungalingan ang sasabihin sa akin about sa anak ko? Siyempre, hindi. Pero, kung kasinungalingan ang sasabihin ko sa kanila, hindi naman nila malalaman na joke joke joke lang `yon, `di ba? At isa p

