ROBI’S POV GALING ako sa labas dahil bumili ako ng pagkain ko para sa dinner sa may restaurant sa malapit. Pina-take out ko na lang. Hindi ko kasi sigurado kung marunong ba akong magluto o ano. Pati iyon ay nakalimutan ko na rin. Papasok na sana ako sa bahay ko nang may tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko ay nakita ko na humahangos papalapit sa akin si Candelaria. “Candelaria?” sabi ko nang makalapit na siya sa akin. “Sa’n ka ba galing? Kumakatok ako kanina diyan sa bahay mo, wala ka yata,” aniya. Medyo hinihingal dahil sa pagtakbo. “Galing ako diyan sa Meaty Sarap.” Iyon ang pangalan ng restaurant. Itinaas ko ang hawak kong paper bag kung saan nakalagay ang ti-nake out kong foods. “ Bumili ako ng pagkain. Teka, bakit parang may sasabihin ka?” “Meron nga. Actually, excited na akong

