bc

CLOAKED HEART

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
adventure
others
love-triangle
family
fated
friends to lovers
betrayal
childhood crush
first love
school
like
intro-logo
Blurb

Memories. Would it be enough to gain the same closure that they once had? Paano kung kusa kang ibinalik sa lugar na kung saan ay kinalimutan mo na ang lahat. Mauulit na naman ba ang dating kinalimutang damdamin? Susugal ba o patuloy na itatago ang tunay na nararamdaman..... "Narito lang ako tagong nagmamahal sa iyo".

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Okay class that's it for today, enjoy your christmas break."   Buntong hininga lang ang tanging naisagot ko. Pa'no ba naman kase ang ayos na ng usapan namin na sa London kami magpapasko pero bigla na naman nag change plan sila mama.  Tumawag raw kasi si Ate Allen-best friend ni tita Mary. Inimbitahan raw kami na doon sa probinsiya nila magpapasko.  Syempre labag sa loob ko iyon ni hindi ko nga na imagine na babalik pala ako sa lugar na iyon?! "Hoy! Ang layo ng iniisip naten ha!" Naputol ang pag-mumuni muni ko ng dahil kay Mikaela- bestfriend ko. Buti pa 'tong isang to magpapasko sa Korea. Bored ko lang siyang tinignan tsaka pinagpatuloy ang paglilgipit ng mga gamit. Dahil sadyang makati ang bunganga nito ay nagsisimula na naman ito sa pag tatanong. Putulin ko kaya bunganga neto? " Alam mo mas gusto kong sumama sa inyo sa London eh , nakakapagod na rin kasi pabalik balik sa Korea hindi ko naman nakikita't nakakasalubong ang treasure ." Pag ra-rant pa nito. Hindi niya pa rin pala alam na hindi kami matutuloy sa London. "Ayos lang sana kung pwede kong ma-iuwi si Hyunsuk diba?"  Kaloka?!  Napatigil ako sa ginagawa at gulat siyang tinignan pero tinawanan lang ako ng loka. "Pero seryoso gusto ko talagang sumama sa inyo" Seryosong sabi nito sabay pout. "Hindi kami tutuloy sa London." Maikling saad ko sabay kuha ng bag at dumiretso sa labas.  Agad namang sumunod si Mika na halatang nagulat sa sinabi ko. Hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng bigla na lamang nitong hinila ang buhok ko. Yung anit ko!  Masama ko siyang tinignan pag lingon ko. " ANO?!!! BAKIT DI KAYO MATUTULOY?" Malakas na tanong nito sa akin. Don't worry mare hindi lang ikaw ang disappointed " Hindi kami matutuloy. Tumawag si Ate Allen kaninang umaga sa probinsiya raw kami magpapasko". Iritang saad ko tsaka pumaunang maglakad. Agad naman itong sumunod sa akin tsaka ako inakbayan . " Ayos lang yan marecakes ang importante kasama mo buong pamilya mo." Ngiti nito sa akin at sinabayan ako sa paglalakad.  Masasabi kong ma swerte talaga ako sa kaibigan kong ito , nakakairita man minsan ngunit pinaparamdam naman nito na hindi ako nag-iisa. Sabay kaming umuwi at as usual dahil hindi ako sinundo ni papa ay sinabay na lang ako ni Mikaela para raw magkaroon kami ng last minute bonding. Ang daming hinabilin nito sa akin at muntik pang umiyak ng sabihin nito na baka makahanap raw  ako ng bagong kaibigan dun at baka raw hindi na ako uuwi dahil mas gusto ko na roon tumira kasama ang mga bagong kaibigan ko.  Kaya ayon sinampal ko. Charot. Syempre sinabi ko sa kaniya na uuwi ako. Ni hindi ko nga gusto bumalik don in the first place. Tumahan naman ang loka at nakapag-usap naman kami ng maayos. Napahaba ang kuwentuhan namin at di ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay. Bumaba ako at nagpasalamat sa kanila then we wave our hands as goodbye. Pagkapasok ay nadatnan ko si Tita Mary na abala sa paghahanda ng mga gamit niyang dadalhin niya raw kinabukasan. Oo bukas na ang alis namin. " Skin care, earphones, charger, power bank, snacks,.. " Rinig ko pang sabi niya.  Aba't gumawa pa talaga ng checklist.  Hindi niya napansin ang presensiya ko kaya't nagtungo na lang ako sa kusina para maghanap ng meryenda. Uy Dutchmill! Agad ko iyong kinuha tsaka lumabas ng kusina. Nagulat pa si tita ng makitang bigla na lang akong sumulpot galing sa kusina. "Asa'n ka dumaan? Nakauwi ka na pala?" "Sa bintana po tita" Pamimilosospo ko pa.  Akmang tatapunan niya akong ng unan kaya pumosisyon na ako para maka ilag . "Sa pintuan malamang tsaka kanina pa ako nandito ikaw lang di nakapansin". "Ganoon ba?" Tumango ako. O sya ihanda mo na yung mga gamit mo at baka may makalimutan ka pa." "Ayoko . Pagod pa po ako." Sagot ko at dumiretso na sa itaas - hindi para maghanda..... Kundi para matulog Rinig ko pa ang sigaw ni tita pero hindi ko na iyon pinansin. Haay huwag na lang kaya akong sumama? Ayos lang naman siguro kung ako lang mag-isa magpa-pasko diba? Eme di ko kaya yun. For sure ma bo-bored lang ako ron sa tagal ng pananatili namin dun. Wala pa namang internet connection. May beach resort dun noon sa pagkakatanda ko pero ayaw ko nang balikan yun. Nakakasakit ng damdamin. " ALLYSOONNNNN SINASABI KO SA'YO 'PAG HINDI MO PA BINUKSAN 'TO MAKAKATIKIM KA TALAGA SA AKIN BATA KA" Shuta nakatulog ako. Galing naman. Nagising ako sa malayang huni ng ibon. Tigre bakamo --Este sa sigaw ni mama sa labas ng kwarto ko. Nakalimutan kong i-unlock yung pinto kahapon. Tatanga-tanga kasi Naks naman parang di rin tanga ah?!  Anyways dali akong tumayo at binuksan ang pinto at hinahanda ang sarili para sa kutos. "BAKIT MO NI-LOCK YUNG PINTO HA?!"  Ayun na nga. Kay gandang agahan naman neto. "Nakalimutan ko lang ho ma, di na po mauulit. "EH KUNG NA PA'NO KA JAN! HINDI KAMI AWARE KUNG ANO NANG NANGYARE JAN SA LOOB EH NILO-LOCK MO!" "Hindi na nga po mauulit ma.."  Tinignan niya lang ako ng masama which is understandable naman. "Bumaba ka na handa na ang almusal. Bilisan mo at may bibilhin pa tayo." Bibilhin? Tsss.. Handang handa sa exchange gift ah.      .

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Grey Wolves Series Books 1-6

read
379.2K
bc

Claimed By My Stepbrother (Cadell Security Series)

read
530.0K
bc

Desired By The Hockey Captain Alpha

read
6.9K
bc

Babysitting The Hockey Star's Niece for Christmas

read
1.8K
bc

The Prince's Rejected Mate

read
554.0K
bc

The Last Royal Luna

read
106.9K
bc

My Stepbrothers Forced Me to Call Them Daddies

read
21.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook