Tangina, hirap talaga ng mga ganitong life situations. Nakakairita. "Hindi naman mahal ang mga kape roon. Mamaya. Ililibre kita," anas ko. "Huh? Tanga, 'wag na! Nakakahiya. Ano ka ba, baliw ka ba? Masyado kang magastos." Magsasalita pa sana ako nang dumating na sa amin ang mga inorder niyang pagkain. "Ano 'to?" Pagtatanong ko sa pagkain sa harap ko. "Burger steak! Hindi ka pa ba nakakakain niyan?" Never talaga ako kumain sa Jollibee kahit pa noong bata pa lamang ako. "Whatever, Caylus." --- Sa wakas ay nakauwi rin kami! Pakiramdam ko ay inabot kami ng limang oras sa mall na 'yun. "Ang saraaaap!" "Kape lang 'yan. Anong masarap?" Oo. Nagtagumpay ako na bilhan siya ng Starbucks. Noong una ay ayaw niya talaga pero mapilit ako. Sinabi kong magwawala ako sa loob ng mall kapag hindi s

