Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon na ang araw na pwede na akong umalis mula sa pesteng ospital na 'to. 2 days din ang hinintay ko mula pagkagising ko bago makauwi. Bagot na bagot na ako. Sobrang hina ng signal sa ospital! Kaya hindi umuunlad Pilipinas, e! "Sa'n tayo bobo?" Oo. Si Caylus na naman ang kasama ko pauwi dahil may urgent event daw sa family ni Angela kaya naman si Caylus ang maghahatid sa akin pauwi. Wala ang parents ko dahil pumunta na naman sila sa isang business trip sa Hongkong. Tangina, kainggit. Take note, ha. Kilala na ng parents ko itong si Caylus at tuwang-tuwa sila. Lol, para silang mga tanga kahapon na tawanan nang tawanan. Mga baliw. Pero kay Chase ayaw nila. I wonder why. "Saan pa. Malamang sa bahay namin ni Angela! Alangan yayain kita sa bar itong ka

