SABRINA POV. "Le..Leo..array,"daing ko at padabog ako binitiwan nito. "Get out.."mahina ngunit galit na sambit nito. "Leo,"sambit ko habang nakapameymang ito sa harap ko. Dahan-dahan ako lumapit rito at marahan hinawakan ng kamay ang magkabilang mga pisngi nito. "Matagal kong hinintay makita ka muli Leo,ang tagal kitang hinintay,"garalgal kong saad rito ngunit nabigla sa mahina na pag tawa nito. Mahina itong tumawa at tinapunan ako ng tingin at dahan-dahan umalis sa harap ko. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makalabas ng kwarto. Agad naman ako nilapitan ni Ivan at nag salita. "Sabrina,sigurado ka bang si Leo iyon?"tanong ni Ivan at napatitig ako rito. Makalipas ang ilang oras nagpasiya na rin kami umuwi ni Ivan dahil ayaw nag uwian na ang lahat ng tao sa Arena. Katabi

