FIVE YEARS LATER
SABRINA POV.
Dammit! Na flat pa ang sasakyan ko,inis na wika ko sa isipan ko at agad tinawagan sa linya si Ivan.
"Ivan, I need your help. My car broke down. Puntahan mo ako rito now na,"agad ma bungad ko sa linya.
"Mother,papuntahin mo ako d'yan. Napaka busy ko ngayon,"turan sa linya.
"Okay,see you later,"Paalam ko sa linya.
Maya-maya ay nag ring ang phone ko at agad sinagot.
"Yes hello,"kunot noo na turan sa linya.
"Have a nice day my dearest sister,"turan sa linya.
"Ku..kuya,napatawag ka,"wika ko.
"Do you need help,"wika nito sa linya at natigilan ako. Agad ako lumingon at doon nakitang nakasandal sa sasakyang habang pinanonood ako nito.
"Kuya!"tuwang sambit at niyakap ito nang makalapit.
Sumabay ako sa dala nitong sasakyan at nag usap,marami akong sumbong rito at sinabing meron akong anak na nawalay sa akin. Nabigla ito sa mga nalaman pero agad binago ang usapan.
"Anyway,Join me first in my condo now I'm the only one there,"wika nito.
"Kailan ka pa nakapag flight pauwi rito"tanong ko.
"A few months,sometimes I went to a bar with my friend. Ayoko muna ng toxic mag lilibang muna ako,"mahabang turan nito.
Napatitig ako sa Kuya ko,hindi ko akalain matapos ng arrange marriage nito sa babaeng hindi niya mahal ay heto at masaya at maayos na ang Kuya ko.
"So that's good,"sambit ko at bumaling na sa daan.
Nang makarating kami sa unit nito ay nilibot ko ang mga mata ko at nakita ang isang magarang relo na nakapatong sa center table.
"Nice watch,"sambit ko at dinampot.
"My friend's gift,"tipid na sagot.
"Friend? Let me guess,it's pretty like me,"wika ko.
"It's a boy Sabrina,"turan ni Kuya.
"Oh,sorry,"bawe kong saad.
Maya-maya ay tumunog ang telepono sa unit ni Kuya at sinagot niya ito. Tahimik ako na nililibot ang condo ni Kuya Jared.
Buong araw ako nanatili sa condo ni Kuya,ayoko pa umuwi sa unit namin ni Alex. Gusto ko pa mag tagal rito at mapag isa,maya-maya ay naisipan ko tawagan sa linya si Ivan.
"Yes,hello,"turan sa linya.
"Where are you?"tanong ko.
"Tatawagan na sana kita,Sabrina naunahan mo ako,"mabilis na wika sa linya.
"Ha? Bakit anong problema?"tanong ko.
"Come to me here,kailangan mo makita ito,"seryosong turan sa linya.
Mabilis ako nag ayos ng sarili at nagmadali puntahan si Ivan sa Arena. Nag tataka man pero minabuti kong pumunta na lamang para malaman kung ano ang sinasabi ni Ivan. Nang makapasok sa Arena ay bumungad ang madilim at malaking studio,agad ko tinungo ang kinaroroonan ni Ivan at tumabi sa kinauupuan nito.
"Ivan,bakit mo ako pinapunta rito?"malakas na tanong ko dahil sa ingay at sigawan ng manonood.
"Nakikita mo ba 'yan?"wika nito at bumaling sa entablado at grupo ng mga kumakanta.
"O..oo,concert nila. Kumakanta sila,"turan ko.
"Watch carefully,'yung lalaking nasa unahan suot ang black cap,"wika nito at tumitig sa grupo ng bokalista.
Nalipat ang tingin ko sa lalaking naka itim na sumbrero,nakatapat sa mikropono hawak ang gitara. Ang magandang boses nito ay tila humahaplos sa puso ko,pero nang makilala ito ay tila may punyal na tumarak sa dibdib ko.
"Le...Leo.."na uutal na sambit ko.
SONG TITLE : HOME
BY: DAUGHTRY
COVER MUSIC
PRINCE LEO MARTINEZ
I'm starring out into the night...
trying to hide the pain.
I'm going to the place where love..
and feeling good don't ever cost a thing.
And the pain you feel's a different kind of pain...
I'm going home.. to the place where i belong... And where you love has always been enough for me.
I'm not running from. No I think you've got me all wrong.
I don't regret the life i chose for me...
But these places and these faces are getting old...
So i'm going home...
"Tama ba ako Sab,it's him?"tanong sa tabi ko at dahan-dahan ako tumango.
"Yeah,it's him,"tulalang sambit ko.
"Wan't more?!"sigaw na tanong ni Leo at tinapat ang microphone sa audience.
"More!!!"sigaw ng mga manonood.
Muli kinalabit nito ang gitara at tumapat sa mikropono,marahan nakapikit ang mata at umaawit ng kantang nag pabara sa lalamunan ko.
"Leo.."sambit ko at lumandas ang luha sa pisngi.
Akmang lalapit ako rito habang nasa stage ito ngunit agad ako pinigil sa braso ni Ivan.
"Mother! Saan ka pupunta?"tanong nito habang hawak ang braso ko.
"Lalapitan ko si Leo,"turan ko tinabig ang kamay nito.
Nagtayuan at nagpalakpakan ang mga manonood,mabilis ako tumakbo at walang ano-anong inakyat ang stage hanggang sa makalapit ako sa kinaroroonan nito. Habang nag gigitara ay natahimik ang manonood sa pagsulpot ko habang si Leo ay patuloy na nag gigitara. Natigilan lamang ng makita akong nakatayo sa harap nito. Mabilis ko ito niyakap at bahagya muntik pa matumba ito sa malakas na pag sunggab ko rito.
Nabalot ng katahimikan ang buong Arena habang sunod-sunod naman ang pagbuhos ng mga luha ko. Pero maya-maya ay nabigla ako ng dalawang malaking tao ang humihila sa akin palayo kay Leo. Nag salubong ang mga tingin namin ni Leo,pinapanood ako nito habang kinakaladkad ako paalis ng stage. Dahil sa nangyari ay hindi ko malapitan si Leo at mula sa di kalayuan ay pinapanood ko lamang itong nagpapatugtog na itim na gitara nito. Nang matapos ang concert ay agad ko pinuntahan si Ivan.
"Ivan,tulungan mo ako makausap si Leo. Matagal ko na siyang hinahanap nasa kaniya ang anak ko,"hingal na turan ko.
"Okay okay,Mother. Kalma ka lang,ha."Pinaupo ako nito at pinainom ng tubig at nag salita muli ito.
"Don't worry,makakausap mo siya ngayon. Ako ang bahala,"wika ni Ivan a nakahinga ako ng maluwag.
Umalis at iniwan ako ni Ivan,sandali ito merong kinausap sa phone nito at umalis. Maraming koneksyon si Ivan kaya alam ko matutulungan ako ni Ivan makausap si Leo,ngayon at kahit na isa na itong mang aawit. Nang makabalik si Ivan ay agad ako hinila nito habang merong matandang babae na kasama.
"Sumama kayo sa akin,"wika ng matandang babae.
Nang makarating sa dressing room at binuksan ang pinto ay bumungad sa akin si Leo. Nakaupo sa tapat ng mahabang salamin,bakas ang magandang pangangatawan sa fitted na black T-neck long sleeve na suot nito. Mula sa salamin ay nabaling ang tingin nito sa amin. Tumayo ito at kunot ang noo na hinarap kami. Nagmadali ako lumapit rito at akmang yayakap rito ay mahigpit nito hinawakan ang braso ko dahilan para masaktan ako. Nakatitig ito sa akin habang bakas ang pag igting ng mga panga,mag kasalubong ang kilay at tila hindi nasisiyahan na makita ako.