CHAPTER15- ALONE

1774 Words
Hindi ako nakatulog kaiisip sa mga sinabi ni Sabrina,hindi ko alam ang gagawin ko. Nakaramdam ako ng takot. Paano kami ng anak kong si Andrei. Hindi ako papayag na masira ang pamilya ko kaya't bago pa mangyari iyon ay pipilitin ko maayos pamilya ko. Kinabukasan ay bumangon ako tirik na ang araw,hindi ko magawang kumain dahil sa kakaisip kay Sabrina. Namimis ko na ang asawa ko,pakiramdam ko ay napaka inutil ko dahil wala ako magawa sa asawa ko para kunin ito sa mansyon. Bakit kailangan pa niya maikasal sa ibang lalaki kung may taning na ang buhay ni Senior,o baka naman pakana ito ni Senior pa lamang mapasunod nila si Sabrina. Lumabas ako ng bahay habang tahimik akong pinagmamasdan ni Inay at ng kuya ko maging ang ama ko na bakas sa mga muka ang awa. Nang makalabas ay nakita ko ang napakaraming tao sa mansyon,dahan-dahan ako lumapit roon at nakitang meron salo-salo mula sa labas ng mansyon. Napakaraming tao pero ang umagaw ng atensyon ko ay si Sabrina suot ang mahabang pulang kumikinang na bistida. Walang bakas na saya ang mukha nito habang nag papalakpakan ang mga tao,nakita ko pang naglabas ng singsing si Alex at sinuot ito kay Sabrina. Maya-maya ay nagtagpo ang mga tingin namin ni Sabrina at nagkatitigan. Nagtatanong ang mga mata ko rito kung bakit at paano nagawa ni Sabrina sa akin ito,anong ginawa mo Sabrina. Mahal na mahal kita mahal ko,sambit ko sa isipan ko at hindi namalayan ang sunod-sunod na pag luha ng mga mata ko habang pinapanood ang mga ito. Nag iigting ang mga panga ko sa galit at sakit na nararamdaman ko sa oras na ito,pinikit ko ng mariin ang mga mata ko habang nagkukuyom ang mga kamao. Akamang tatalikod na sana ako at aalis,ngunit meron nagtulak sa akin na guluhin ang munting okasyon sa mansyon. Doon ay walang habas ko pinag tataob ang mga lamesa at binasag ang ilang mga nakapatong ritong flower vase at bumaling kay Sabrina. "Sabrina!"lumuluhang ko tawag rito. "Mahal na mahal kita!"dugtong ko. "Mahal na mahal kita,"muli ko pang sabi pero sa pagkakataon na iyon ay pabulong at ako na lamang ang nakakarinig na sambit ko. Maya-maya ay ilang mga tauhan ang lumapit sa akin at sunod-sunod ako sinuntok at sinaktan hanggang bumagsak sa sahig. "Sabrina!"sigaw kong tawag rito. "'Wag! Tama na 'yan!"rinig kong sigaw ni Sabrina. Umuwi akong duguan sa bahay at sinabi pang sa susunod na nanggugulo ulit ako ay hindi lang iyon ang aabutin ko. Kasalukuyan ginagamot ni Inay ang mga tinamo kong sugat nang biglang patakbong pumasok sa bahay si Elaine. "Leo,anong ginawa nila sayo!"nag aalalang wika nito nang makita ako. "Senyorita,Elaine. Tulungan mo ang anak,"naluluhang wika ni Inay kay Elaine. Hinawakan ko ang balikat ni Inay at nagsalita,"Ayos lang ako,'wag n'yo ako alalahanin,"mahinang wika ko rito at pinilit tumayo. Dinampot ko sa mesa ang bote ng alak at tinunga ito kasabay ng pag tulo ng luha ko. Naramdaman ko ang pagyakap ni Elaine mula sa likuran ko. SABRINA POV. Wala sa usapan natin na sasaktan mo si Leo!"galit na sigaw ko kay Alex. "Kailangan kong gawin 'yun,"mahinang sagot ni Alex. "Hindi mo na kailangan pa gawin 'yun sa asawa ko,kulang pa ba ang sakit na nararamdaman n'ya. Sobra na Alex! Sobra na,"mahabang wika ko at bumaling sa ama kong nakaupo sa wheel chair at hirap itong nag salita sa akin. "Ilang buwan lang ang hinhingi ko sayo,Anak. Ilang buwan na lang mawawala na ako rito sa mundo at hindi iyon maiintindihan ng asawa mo,kaya't patawarin mo kami kung nagpadalos-dalos kami kanina at hindi inisip ang mararamdaman mo,"mahaba ngunit hirap nitong baling sa akin. Doon ay dahan-dahan ko niyakap ang Daddy ko,ilang buwan na lamang ang itatagal ni Dad sa mundong ito. Gusto ko tuparin ang hiling niyang makitang ikakasal ako kay Alex at maisalba ang kompanya ni Dad. Matapos ko matupad ang hiling ni Dad,malaya na akong makabalik sa pamumuhay namin ni Leo. Magpaka layo-layo kami ni Leo at mamuhay ng tahimik. Kaunting tiis lang Leo,mahaba kong wika sa isipan ko at napapikit ng mariin. Sumapit ang ilang araw ay walang Leo ang nanggulo sa akin,nabalitaan ko ang madalas nitong pag lalasing at pag iyak mula kay Elaine. Hindi ko na kaya panoorin pa si Leo,nasasaktan na akong nakikita siyang ganyan. Hindi ko na kaya,mahabang sabi ko sa isipan ko. Habang paakyat ng hagdan,nakita ko si Elaine bitbit ang anak kong si Andrei. Doon napangiti ako at agad na lumapit sa mga ito. "Andrei,Anak..kamusta na ang Tatay?"tanong ko rito kahit hindi pa marunong sumagot. Naluluha ko itong kinarga at kinuha kay Elaine at mahina nagsalita si Elaine. "Pinahiram sandali ni Inay Lili sa akin si Andrei,si Leo kasi mahimbing ang tulog kagabi pa lasing,"mahinang sabi nito. "Andrei,baby. Palakasin mo ang loob ni Tatay,ha. Tell him na mahal na mahal ko siya,"wika ko at tumulo ang luha ko. Bumaling ako kay Elaine at ibinalik si Andrei rito. "Elaine,ikaw na muna ang bahala kay Leo,"mahinang turan ko rito at tumango ito. Sumapit ang gabi at tahimik akong nakaupo sa kama ng kwarto ni Elaine,pansamantala akong nanatili rito dahil ayokong guluhin ako ni Leo sa kwarto na iyon. Natatakot ako na hindi mapanindigan ang pangako ko sa Daddy ko,ang huling hiling ni Dad bago kami nito iwan sa mundong ito. May tumor sa utak ang Daddy ko,bilang na ang mga araw niya dahil kumalat na ang cancer sa utak nito. Hindi na kaya pa gamutin at kung ipipilit ay baka mapadali lamang ang buhay nito,masama bang sa pagkakataon na ito ay piliin ko naman ang kaligayahan ni Daddy kumpara sa kaligayahan ko. Hindi naman ako mawawala kay Leo,babalik ako kapag naibigay ko na ang hiling ni Dad sa huling buhay nito. Mayroon din akong tiwala kay Elaine na ipaliliwanag niyang mabuti kay Leo ang lahat. Alam kong hindi madali ito kay Leo,pero kailangan muna namin magsakripisyo alang-ala sa pagmamahal ko sa ama ko. PRINCE LEO POV. "Hay...umiinom ka na naman,"saad ni Elaine sa likuran ko ngunit hindi ito pinansin. "I know how hard it is for you to accept my sister's reason,pero Leo listen to me. Kaunting pagtitis lang,"mahabang dugtong nito at matalim ang tingin binalingan ito. "Bakit ikaw ang nagsasabi nito sa akin,ikaw at si Inay ang nagpapaliwanag sa kagaguhan na ginawa sa akin ng kapatid mo!"sikmat ko rito at lumandas ang luha sa pisngi. "Bakit hindi s'ya Elaine,bakit!"mugto ang mata kong dugtong ko rito. "Dahil hindi n'ya kayang makitang nasasaktan ka,Leo. Mahal na mahal ka ng Ate ako,"wika nito at napailing ako. "Mas lalo na ako,Elaine! Hindi ko na kayang titigan s'ya Elaine. Ilang araw na lang at ikakasal na s'ya sa ibang lalaki,paano ako Elaine! Paano ang anak namin,"naluluhang saad ko. Sandali nawalan ng imik si Elaine at sumagot. "A...aalagaan ko k..kayo,k..kayo ni Andrei. Hindi ko kayo iiwan,"nauutal itong turan. Sandali ko ito tinitigan at maya-maya agad ko hinapit ang bewang nito palapit sa akin. Gulat itong tumitig sa mga mata ko hanggang sa hagkan ko ang labi ni Elaine. Malayo pa lang si Sabrina ay nakita ko nang patago itong pinanonood kami,kaya't hinalikan ko si Elaine para malaman n'ya ang sinasabi niyang sakripisyo at sakit na nararamdaman ko. Ganito ka sakit gaya ng nararamdaman niya ngayon,at ang rason ko. Para maintindihan niyang hindi lang ako ang sinasaktan niya kundi pati ang sarili niya. Ilang oras kami nito naghalikan hanggang sa magbitiw at doon laking gulat ko nang mabilis lumapit si Sabrina at hinablot ang buhok ni Elaine. "Hayop ka Elaine! Mapag samantala ka! Malandi ka!!"galit na sigaw nito kay Elaine. Maagap ko pinaghiwalay ang mga ito at hinila palayo si Sabrina mula kay Elaine. "At ikaw! Sabrina!!Anong tingin mo sa sarili mo!"galit na baling ko rito. "Hayop ka Leo! Hayoppp!"galit na sigaw nito. "Hinding hindi na ako babalik pa sayo,"mahina ngunit mariing dugtong nito at natigilan ako. Akmang paalis na ito sa harap ko ay tila nahimasmasan ako at mabilis itong mahigpit na niyakap. "Sab,hirap na hirap na ako,"garalgal kong saad. Agad ako tinulak nito at malakas na sinampal. "Hindi,Leo. Tingin ko hindi ka nahihirapan,"madiin na wika nito at mabilis umalis sa harap namin. Naiwan akong namumugto ang mga mata hanggang sa narinig sa di kalayuan si Alex at niyakap ng mahigpit si Aex. Nang magbitiw ay malalaking hakbang ang binitawan ko palapit sa kinaroroonan ng mga ito. Nang makalapit kay Alex ay malakas na suntok ang binitiwan ko rito,hindi pa ako nakuntento nang bumagsak ito sa sahig at inababawan ito at muli pinagsusuntok. "Alam ko! Niloloko n'yo lang si Sabrina!! Alam ko Alex. Alam ko!"galit na galit kong sigaw sa mukha nito. Maya-maya ay hinila ni Sab ang damit ko palayo kay Alex,pakiramdam ko ay bigla akong nanghina hanggang sa makaalis na sa harap ko din Sab at Alex. "Leo,halika na pumasok na tayo sa bahay,"wika ni Elaine at umupo ako sa sahig habang ang nakatukod sa ulo ang isang kamay. Bumaling ako kay Elaine at mabilis itong niyakap ng mahigpit at umiyak sa balikat nito. Hinagod nito ang likuran ko at mahina nag salita. "Nandito lang ako,Leo. Hindi kita iiwan,"mahinang wika nito. Nang makauwi ay pinag timpla ako ng kape ni Elaine,doon kinuha ko ang kamay ni Elaine at mahina nag salita rito. "Salamat,at narito ka,"mahinang saad ko rito at ngumiti ito. Hinawakan nito ang isang pisngi ko at nagsalita. "Narito lang ako sayo,hindi kita iiwan,"mariin nitong saan at napatitig ako rito. Pinilit ko ibalik sa dati ang dating ako,muli ako nag saka. Para sa anak ko ay magpapakatatag ako,nang mapagod magsaka ay sandali ako naupo sa gilid ng lilim at nakitang parating si Elaine sa kinaroroonan ko. Pinunasan nito ang pawis ko gamit ang palad at inabutan ako ng isang pakain nakalagay sa paper bag. "Kumain ka,ha. Niluto ko 'yan para sayo,"nakangiting wika nito. Maya-maya ay naupo ako at sandali ako iniwan ni Elaine nang meron makalimutan. Dahan-dahan ko kinuha mula sa bulsa ang singsing at pinagmasdan ito. Pinagmasdan ko ang singsing na nilaan ko para kay Sabrina,naiiyak na napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan ito. Nang makabalik si Elaine ay hingal itong bumaling sa akin. "Leo,i'm sorry,"saad nito at agad ako napatayo. "Bakit?"seryosong tanong ko. "Hindi ko alam na ngayon ang kasal nina Ate at Alex,kararating lang nila. Kasal na si Ate Sabrina kay Alex,Leo,"mahabang wika nito,at natahimik ako. "Sinadya nila hindi ipaalam sa akin ang kasal,nalaman ko na lang sa mga usapan ng mga trabahador,"inis na saad ni Elaine. Nabitawan ko ang paper bag na laman ng mga pagkain at mabilis na tumakbo papunta sa mansyon. Nang makarating ay nakita kong papasok na sa mansyon si Sabrina suot ang magarang puting trahe deboda. Tulalang pinagmamasdan ko ito sa di kalayuan kasabay ng pag landas ng luha sa pisngi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD