PRINCE LEO POV.
Hindi maitago ang emosyon at magkasunod lumandas ang mga luha sa pisngi ko,bahagyang napaatras ng dalawang hakbang. Napa iling at hindi ako makapaniwala na magagawa ito sa akin ni Sabrina,hanggang sa makapasok na ito sa loob ng mansyon. Gusto ko magwala,gusto ko manakit at higit sa lahat gusto ko na lang mawala sa mundo at takasan ang sakit na nararamdaman ko. Wala na sa akin si Sabrina,wala na siya sa buhay ko at nasa ibang kamay na ang babaeng pinangarap ko na pakasalan ay nasa piling na ng iba.
Napasabunot ako sa buhok ko,"Sab... "bulong na tawag ko rito habang lumuluha.
Walang gana akong naglalakad pauwi,nang makapasok ay nagtungo ako sa kwarto at kinuha ang singsing. Minasdan ko ito at pasadsad umupo mula sa dingding,napahagikgik ng iyak at sapo ng palad ang mukha. Muli binalingan ang singsing at mahigpit ang hawak rito,dinampi ito sa mga labi at galit ko ito tinapon sa bahagi ng kwarto. Matapos itapon galit na malakas sinuntok ang kabinet na kahoy at nabutas ito. Nadama ang hapdi at kirot sa kanan na kamao,pero ang iniiyak sa galit ang pag iwan sa akin ni Sabrina at pagpapakasal nito.
Nang bawiin ang kamao sa kabinet ay puno ng dugo at nagkaroon ng. sugat,lumaylay ito at tumulo sa sahig ang dugo. Agad naman bumukas ang pinto ng kwarto at bumungad si Elaine,patakbo ako nito nilapitan at niyakap. Basa ng luha ang mga pisngi at binalingan ko si Elaine at hinarap ito,nag tama ang mga tingin namin at maya-maya ay dahan-dahan ko nilapit ang labi ko at sinimsim ito ng halik. Napakapit ito sa batok ko at tumugon sa mga halik ko,ngunit habang humahalik rito ay si Sabrina pa rin ang nasa isip at muli tumulo ang luha. Nang magbitiw ay nabaling ang atensyon namin sa pinto ng kwarto at nakitang pina nonood kami ni Inay.
"Leo.. "tawag ni Inay sa akin.
Napabuntong hininga ako at mahinang nag salita,"Nagpakasal na si Sabrina,Inay,"garalgal kong mahinang turan,dahan-dahan lumapit si Inay sa akin at niyakap ako.
"Patawarin mo si Senyorita,meron siyang sapat na dahilan para gawin iyon. Patawarin mo ang Senyorita,anak ko,"mahinang wika nito habang yakap ako.
Nagbitiw ako rito at umiling,"Hindi ko kaya Inay,"turan ko at umalis sa harap nito.
Matapos magpakasal ni Sabrina kay Alex,nabalitaan ko ang pag babakasyon. ng mga ito. May kurot sa dibdib ko habang iniisip ang magaganap sa kanila ni Alex matapos ng kasal at hindi ko kayang tanggapin iyon. Lumipas ang isang linggo at muli ito nag balik habang ako ay bumalik sa pag inom at pag lalasing. Minsan kami aksidenteng nagkita dahil sa pagbisita nito kay Andrei at sa madalas na paghiram nito kay Andrei sa at dinadala sa mansyon. Ngunit tila hindi na kami nito magkakilala at hindi binigyan pansin ang isa't isa. Doon sobra ako nasaktan,nagalit ako kay Inay kung bakit pumapayag ito na dinadala sa mansyon si Andrei.
Patakbo ako umuwi ng bahay galing sa sakahan at hinarap si Inay.
""Bakit kayo pumapayag na dinadala ni Sabrina sa mansyon si Andrei! "singhal ko.
"Aba bakit hindi Leo,anak niya si Andrei."Doon nag mura ako ng mariin at sinagot si Inay.
"Iniwan niya kami! Wala na siyang karapatan sa anak ko!"mariin na wika ko.
"Leo..naririnig mo ba 'yang sinasabi mo,ina siya ni Andrei. Hindi ko pwede ipagkait ang bata sa kaniya,"mahabang turan ni Inay.
"Hindi! Hindi ako papayag."Galit ko iniwan si Inay.
Wala akong ginawa kundi ang uminom ng gabi na iyon,nasasaktan ako para sa anak ko. Pero ang mas higit na gumagambala sa akin ang matinding pag mamahal ko kay Sabrina.
Nang gabi naglakad sa dilim pauwi ng bahay nabigla ako nang meron anim na lalaki ang sumulpot sa harap ko at mabilis ako binalutan ng sako sa ulo ko. Hindi ko nakilala ang mga ito at hindi ako naka laban sa mga ito dahil sa mabilis na pag gapos ng mga ito sa mga kamay ko. Naramdaman ko rin ang paghampas sa likuran ko ng makapal na kahoy dahilan ng pagbagsak ko sa lupa.
Hindi ko naipagtanggol pa ang sarili at dinala ako ng mga ito sa kung saan. Galit akong humihiyaw sa sakit dulot ng sunod-sunod na suntok ng mga ito sa sikmura ko. Ang iba ay nagtatawanan at ang iba abala sa akin. Pakiramdam ko hindi lang anim na lalaki ang mga dumukot sa akin base sa iba-ibang boses ng mga ito. Hindi inaalis ang maliit na sakong takip sa ulo ko hanggang sa nag salita ang isang lalaki.
"Pa arbor naman ng katawan mo pare,nakakainggit!"baling ng isa sa akin at muli humagikgik ng tawanan.
Maya-maya pinunit ng mga ito ang itim na sandong suot at nag hiyawan ang mga ito.
"Pang-macho dancer ang katawan nito mga pare!"sigaw ng lalaki habang nagtatawanan at pakiramdam kong nagsasayawan rin. Sumigaw ako at mariin na nagmura sa mga ito.
" Tan* *na kayo! Kapag naka wala ako rito! Humanda kayong lahat sa akin!! "singhal ko sa mga ito at muli humalakhak ang mga ito tawanan.
SABRINA POV.
Nang makauwi sa mansyon mula sa bakasyon agad ako nagtungo sa kwarto ko,natapos na ang kasal at naikasal na ako kay Alex. Umiyak ako ng umiyak sa kwarto ko,hindi ko kaya harapin si Leo. Hindi ko siya kayang titigan sa mga mata n'ya dahil sa nagpakasal ako kay Alex,batid ko ang ligaya ni Dad nang mairaos ang kasal pero nilalamon ako ng lungkot at takot gayon namumuhi sa akin si Leo. Ilang araw na ang nagdaan ngunit walang Leo ang nanggulo pa sa akin matapos ko ikasal. Ilang beses ako dumalaw at binisita ang anak kong si Andrei ngunit palaging wala roon si Leo. Nabawasan na lamang ang lungkot ko dahil sa anak kong si Andrei. Natutuwa ako sa tuwing inilalapit ko ito kay Dad at bumuti na ang pagtanggap ng Daddy sa anak ko.
Maya-maya ay narinig ko ang katok sa pinto,"Senyorita!"turan sa labas ng pinto at binuksan rin ito.
"Senyorita,nasa baba po si Sir Alex hinihintay kayo,"wika nito.
"Hindi ako sasabay mag dinner,paki sabi masama ang pakiramdam ko,"wika ko.
"Pero Senyorita.."Hindi na natapos pa ang sasabihin nang mabilis ako nagsalita.
"Manang,'wag mo na ako pilitin bumaba."Pakiusap ko rito at dahan-dahan ito lumabas ng kwarto ko.
Muli ako dumapa sa kasama at muli umiyak,nagdaan ang ilang oras ay nakatulog ako sa kwarto at nang magising ay patakbo tinungo ang Veranda. Pinagmasdan ko ang ang bahay nina ni Leo at pilit inaaninag kung nasa labas ito. Nang hindi makuntento lihim akong lumabas ng mansyon at nagpunta sa bahay ni Leo. Pinagmamasdan ko ang kabuuan ng bahay ni Leo habang iniisip na tahimik na natutulog ang mag ama ko sa bahay na ito. Hindi ako pwede pumasok,hindi ko sila magawang sabay mayakap dahil sa nagawa ko. Tumulo ang luha at agad pinunasan ng palad at nang tumalikod ay nagulat ako nang agad bumungad sa harap ko ang madilim na mukha ni Alex. Kunot noo itong nakatingin sa akin at mahina ako nagsalita.
"Namimis ko lang ang anak ko,"mahina kong turan at akmang aalis na ay sumagot ito.
"Anak mo lang ba talaga?"tanong nito.
Nilingon ko ito at sumagot,"Hindi ko na kaya! Pakiramdam ko bibigay na ako Alex! Gusto ko na s'ya makita at makasama,"naluluha na turan ko.
Dahan-dahan lumapit si Alex at marahan akong niyakap.
"Konting tiis lang,honey. Everything will be fine,"
Pagkatapos ng gabi na iyon ay gumaan ang loob ko dahil nasa tabi ko si Alex,hindi pa pala ito umalis ng mansyon kaya't nakitang lumabas ako at sinundan nito. Mabait si Alex,minsan lang ay hindi ko maiwasan mainis rito dahil napaka martir ng taong ito sa akin. May asawa't anak na ako pero heto s'ya at pinakasalan ako gaya ng hiling ni Dad.
Nag daan ang ilang araw,umaga nang magising ako nagtungo pababa ng hagdan,doon nakita kong karga ni Manang Lucy ang anak namin ni Leo. Patakbo ako lumapit sa mga ito at inagaw ang anak kong si Andrei.
"Andrei..anak.."sambit ko nang kargahin ito.
"Hindi ko ito dinala para sayo,dinala ko ito para alagaan ang anak n'yo,"wika ni Leo.
"Ba..bakit po?"tanong ko.
"Walang mag aalaga sa kaniya ngayon. Si Lili ay abala sa paghahanap kay Leo dahil ilang araw na itong hindi umuuwi,"mahabang sambit nito.
"Ha! Ba..bakit saan nagpunta si Leo?"nagtatakang tanong ko.
"Sobrang nasaktan ang pamangkin ko sayo,Senyorita. Kaya alam mo ang sagot kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin umuwi ang pamangkin ko,"mahabang turan nito.
"Manang.."mahinang tawag ko rito at pinunasan ng palad nito ang tumulong luha sa pisngi.
"Senyorita,hindi ako magagalit sayo. Naiintindihan kita na ginagawa mo lang ito para sa Senior,pero pamangkin ko si Leo,Sabrina. Nasasaktan ako sa nangyayari sa pamangkin ko,kaya't kung ano man ang nangyayari sa pamangkin ko ay kasalanan mo iyon,"mahabang wika nito at kinuha sa akin ang anak kong si Andrei.
Umalis ito sa harap ko at nanghihina akong naupo sa mahabang sofa,"Leo.."mahinang sambit ko.
Nang oras na iyon ay hindi ako mapakali at lakad balik sa harap ng mahabang sofa,maya-maya nakita kong pababa ng hagdan si Elaine at nagkatinginan kami nito. Hindi ako nito pinansin at nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan,agad ko ito nilapitan at tinanong.
"Alam mo ba kung nasaan si Leo?"seryosong tanong ko kay Elaine.
"Bakit ako ang tinatanong mo. Ako ba ang asawa?"taas kilay nitong turan.
Napa kunot noo ako sa naging turan nito at nagsalita. "Tinatanong kita ng maayos,"sikmat ko rito.
"Bakit nga ako ang tinatanong mo! Hindi ba ikaw ang asawa n'ya dapat ikaw ang nakakaalam,"sikmat nito.
"Oo nga pala,hindi mo na pala s'ya asawa. Si Alex na pala ang asawa mo ngayon. Ang galing di ba?"nakangising dugtong nito at mabilis ko ito sinampal.
"Alam mo ang naging dahilan ko Elaine,kung bakit ko pinakasalan si Alex!"
"At ano?! Para kay Daddy!"At mahina ito tumawa sa harap ko.
"'Wala ako sa tamang oras para sabihin sayo ang mga alam ko,pero pakiramdam ko. Ang laki mong tanga"mahabang wika ni Elaine at padabog umalis sa harap ko.
Naiwan akong tulala,muli umupo sa sofa at ilang oras napagdesisyunan ko puntahan sa kwarto si Daddy at kausapin. Naratnan kong nakahiga si Dad sa kama nito pati na ang doktor na tumingin rito.
"Dad,kumusta na ang pakiramdam mo?"tanong ko.
"I'm fine darling,anyway where's Alex?"tanong nito.
"Hindi pa po dumarating,"tipid na sagot ko at bumaling sa doctor.
"Doc,Can I find out if anything is going on with my daddy's treatment?"tanong ko.