Hindi ko alam Kung ano ang maisasagot ko kay Leo,basta ay nasasaktan ako sa ginawa nila ni Elaine. Hindi ko alam Kung matatanggap ko itong nangyayari dahil sobra akong nandidiri sa nangyayari. Marahan ko ito nilayo at mahina nag salita. "Hayaan mo muna ako mapag isa,kailangan ko mapag isa Leo,"saad ko at napatitig ito sa akin. Taimtim akong pinagmamasdan nito hanggang sa dahan-dahan naglakad palabas ng kwarto. Pinunasan ko ang pisngi gamit ang palad ko at naiwan ako nag iisa. Ang sakit sakit,sobrang sakit at pakiramdam ko hindi ko kakayanin ito. Doon tumayo at nagbihis ako ng damit. Tinawagan ko si Ivan at makikipag kita ako rito. Pababa ako ng hagdan nang magsalubong ang tingin namin ni Leo. "Saan ka pupunta?"kunot noo na tanong ni Leo. "Makikipag kita ako kay Ivan,"sagot ko at ma

