SABRINA POV. Seryosong nagmamaneho si Leo,walang imik at salubong ang kilay nito. At gaya ko ay tahimik lang rin hanggang hindi na ito nakatiis at nagsalita. "Sino ang lalaki na 'yon?"kunot noong tanong nito. "Hindi ko siya kilala,"wika ko at binalingan ang suot kong relo at nakitang ala-sais na ng umaga. "Kung hindi mo siya kilala bakit kasama at kausap mo siya?"seryosong tanong ni Leo at kunot noo ko itong nilingon. "Hindi ko nga siya kilala!"inis kong saad dito. "Hindi pwedeng hindi mo siya kilala! Dahil magkasama kayo!"medyo mataas na boses na turan ni Leo. "Jusko Leo! Maliit na bagay palalakihin natin,eh kung 'yung nag s*x kayo ni Elaine ay pinalampas ko!!"singhal ko rito at natahimik si Leo. Hindi ito nakasagot at nanatiling tahimik hanggang sa makauwi kami. Padabog ko s

