CHAPTER 6

2003 Words
"Hintayin na lang kita ng alas-tres ha,bye."Paalam ko rito at sinara ang pinto ng kotse. Nilingon ko pa ito habang nag lalakad palayo sa sasakyan at nag buntong hininga ako. Nababaliw ka na Sabrina,wika ko sa sarili ko hangang sa nakapasok na sa building at ngayon pasakay na ng elevator. Hindi ko alam kung bakit kapag kaharap ko na si Leo ay tila lumalambot ako naging mahina ako pagdating sa kaniya. Mabilis naman natapos ang trabaho ko at dumampot ako ng bottled water mula sa mesa,ininom ito at lumapit sa'kin ang kaibigan ko na si ivan. "Mother. I have to go,bye muah."Paalam ni Ivan sa akin sabay halik sa pisngi ko. Nilapag ko ang bottled water sa mesa at nagsimula na ayusin ang gamit ko at bumaba na ng building. Nang makalabas ako ay agad ko nakita ang sasakyan namin sakay si Leo,napangiti ako at mabilis na lumapit sa sasakyan. "Pasensya na kung naghintay ka,ha,"wika ko rito at agad na sumakay ng sasakyan.Habang nagmamaneho si Leo ay nakatulog ako sa biyahe at nang magising ay nasa biyahe pa din kami at nakahinto dahil sa haba ng traffic. Nakita akong gising nito at bumaling sa akin. "Traffic Senyorita,"turan nito. Maya-maya ay bigla ako bumaba ng sasakyan at tinignan ko kung ano ang nangyayari kung bakit ang haba ng traffic. Doon nakita kong nagkaroon pala ng banggaan kaya pala traffic,nasapo ko ang ulo ko. Anong oras pa kami makakauwi nito,wika ko sa isipan ko. Nang makabalik sa loob ng sasakyan agad ako inabutan ng bottled water ni Leo,kinuha ko ito at maya-maya sunod inabot ang isang mais na nakalagay sa malaking baunan. "Saan galing ito?"tanong ko. "Pinabibigay ni Tiya sayo,"tugon nito,habang wala ang tingin sa akin at nasa daan. Mabilis ko ito kinain at nang maubos na ay saka ako uminom ng tubig,ilang oras ang biyahe namin dahil sa haba ng traffic hanggang sa nakauwi na kami sa mansyon. Nang makapasok ako sa loob ng mansyon ay nakita ko si Alex na kausap si Dad,nag kunwari ako na hindi ko sila nakita at diretso lang umakyat sa hagdan pero narinig ko ang pag tawag sa'kin ni Dad. "Sabrina!"tawag ni Daddy sa'kin.Nilingon ko ito at muli ito nagsalita. "Bumaba ka muna dito at harapin mo itong si Alex. Iha anak,kanina ka pa hinihintay ni Alex na dumating,"mahabang wika nito. Napabuntong hininga ako,ang kulit talaga nitong si Alex,sinabi ko na ayoko magpaligaw sa kaniya dahil hindi ko ito gusto. "Alright Dad,magbibihis lang ako,"tugon ko. Doon umakyat na ako sa kwarto,matagal ako nag lagi sa kwarto dahil ayoko na sana bumaba pa pero tuluyan na ako pina tawag ni Daddy kay Manang Lucy. Napilitan akong bumaba kasabay si Manang Lucy. Pababa na kami ng hagdan nang ma alala ko ang pina bigay na mais ni Manang Lucy kanina sa akin. "Manang Lucy,salamat po pala sa mais kanina ha,"wika ko. "Ano po na mais,Senyorita?"tanong nito. "Aah,'yung pinadala n'yo po kay Leo kanina,"sagot ko. Ngumiti si Manang at sumagot. "Wala ako pinadala na mais kay Leo, Senyorita. Malamang ay bigay 'yon ni Leo sayo,"mahabang sagot nito na nagpangiti sa akin. "Ganun po ba Manang,"tanging na sagot ko. Bumuntong hininga ako nang makita ko si Alex at bahagyang umirap ang mga mata ko,naupo ako sa tabi ni Daddy at nag salita ito. "Sweetie,iniimbitahan ka ni Alex sa isang date bukas. You are free tomorrow right,"wika ni dad sa akin,napatingin ako kay Alex at sumagot. "Hindi ako pwede,may photoshoots pa ako bukas,"mabilis ko na sagot. "Oh, come on sweetie,ilan beses ko ba sasabihin sayo na itigil mo na 'yang pag pho-photographer na 'yan. Hindi mo kailangan ng gan'yang klase ng trabaho anak,"mahabang wika ni Dad. "Pero,Dad. Masaya ako sa pagiging photographer ko,"sagot ko. "If you like it or not,sasama ka bukas kay Alex,"madiin na sabi ni Dad at tumayo,naiwan kami ni Alex na nasa sala. Tinapunan ko ng masamang tingin si Aex at nagsalita bago iwan ito sa sala. "This is you wan't Alex,but trust me. Hindi ka magiging masaya sa akin,"madiin kong saad rito at tumayo sa sofa. Inutusan ko si Manang na hatiran ako ng alak sa kwarto,nakatayo ako at nakatanaw sa veranda hawak ang isang babasagin na baso na may laman na alak. Lumagok ako hanggang sa maubos ko ang laman,nagsalin pa muli ako sa baso at pagkatapos ay pinagmasdan ko ang bahay nina Leo mula sa veranda. Isang oras na ang nakalipas pero hindi ko pa din nakikita kahit anino ni Leo mula sa veranda,na meron bagay na pumasok sa utak ko. Paano kung wala itong gusto sa akin,wika ko sa isipan ko at muli lumagok ng alak sa basong hawak. Maya-maya ay nakaramdam ako ng pagkahilo naramdaman na tumalab na ang alak na iniinom ko. Nakatanaw pa rin ako sa bahay ni Leo,nagpasya na ako puntahan ito sa bahay nila. Binitawan ko ang alak at mabilis lumabas ng kwarto. Naglakad ako papunta sa bahay nila Leo, mataman nakatayo sa tapat ng bahay nila at naka tanaw lamang. Napansin ako ni Manang Lili at agad ito lumabas. "Senyorita,ano po ginagawa n'yo rito," tanong ni Manang Lili,ang ina ni Leo. Napakagat labi ako at nag isip ng magandang isasagot."Nagpapahangin lang po ako Manang Lili at nakarating ako rito sa tapat ng bahay n'yo."Pagdadahilan ko. "Ganun po ba,Senyorita. Pumasok ka po muna at magkape sa loob,"Alok nito,nang bigla ako magtanong dahilan para mapa titig sa akin si Manang Lili. "S...si Leo po ba nand'yan?,"tanong ko at sandali hindi nakasagot habang nakatitig sa akin. "O…opo Senyorita,nasa loob si Leo. Pasok po kayo sa loob."Aya ng ina ni Leo. Agad ako sumunod at pumasok sa loob ng bahay nila,nakita ko mula sa mahabang sofa nila na gawa sa kahoy nakaupo si Leo habang hawak ang gitara. Nabigla ito nang makita ako,ngumiti ako rito at kagat labing bumati kay Leo. "Good evening,Leo,"tipid na bati ko. Mataman ako nito tiningnan at ibinaling muli sa gitarang hawak ang atensyon,umupo ako sa harap nito at pinagmamasdan ko ito hanggang sa dumating si Manang Lili. Nilapag nito ang kape at isang sandwich sa mesa na nasa harap ko. "Thank you,Manang Lili."Pasalamat ko. "Maiwan ko na kayo tiyan,Senyorita,"Paalam sa akin ng ina ni Leo at bumaling kay Leo. "Leo,ikaw na bahala kay Senyorita. Matutulog na ako,"saad nito bago umalis sa harap namin,nilingon pa kami nito bago tuluyan makapasok sa kwarto nito. Binalingan ko ng tingin si Leo at nag salita ito. "Ano ginagawa mo dito? Gabi na,"bungad na wika nito. Napakagat labi ako at sumagot. "Hindi kasi ako makatulog," sagot ko. "Pero gabi na Senyorita,"wika nito na bakas ang inis sa mukha nito. "Gusto kita,Leo." saad ko d rito,natigilan at inulit ko ang sinabi ko. "Leo,gusto kita,"ulit ko na saad. Napapikit ito ng mariin at binalingan ako. "Ihahatid ko na kayo sa mansion, Senyorita,"wika nito at tumayo para ilapag ang hawak nito na gitara. Mabilis ako tumayo at hinalikan ito sa mga labi nito,hindi ito nakagalaw sa ginawa ko at sinampay ko ang dalawa ko na kamay sa batok nito pero laking gulat ko ng mahinang itulak ako nito. Natulala ako sa naging reaksyon nito at nagsalita. "Pa...pasensya ka na senyorita,"nauutal na sabi ni Leo at agad ko ito sinampal sa kabilang pisngi nito at nag madali lumabas ng bahay nila. Naramdaman ko ang paghabol ni Leo sa akin mula sa likuran ko at nang maabutan ako ay humarang ito sa harapan ko at nagsalita. "Senyorita,pakiusap. 'Wag ka magalit sa akin,"agad na wika nito sa akin. Tinaasan ko ito ng kilay at sumagot. "Umalis ka sa harap ko,"madiin na sabi ko. Sandali ako nito tinitigan habang nakatayo sa harap ko,nang bigla ako hilahin nito sa bewang at hinagkan sa mga labi ko. Mariin ako nito hinalikan at ganoon din ang ginawa ko, ilang minuto kaming naghalikan hanggang sa napahawak ako sa matipuno nitong dibdib na tila nagugustuhan ko ang paghalik nito at nang magbitiw ang mga labi namin ay nagtama ang mga tingin namin at nagsalita ito. "Wag ka na magalit,hindi ko sinasadya," mahinang wika nito. Napangiti ako rito at hinawakan ang dalawang pisngi n'ya habang ang mga kamay nito ay nakapulupot pa rin sa bewang ko. "Ibig sabihin ba nito,tayong dalawa na?" tanong ko kay Leo,nakita kong napapikit ito ng mariin bago tumango. Napangiti ako at muli ko s'ya hinalikan sa labi. Nakaupo kami sa labas ng kubo nila,nakaupo kami sa dilim na tanging buwan lang ang nagsisilbing ilaw habang nakasandal ako sa balikat nito at naghaharana ito. Mataman ako nakikinig,ang sarap sarap sa pakinggang ang bawat kalabit n'ya sa gitara n'ya. Maya-maya ay tumigil na ito sa pag gigitara at umakbay sa akin at nagsalita. "Ihahatid na kita sa mansyon,gabi na Sab,"saad nito at tumango naman ako. Tumayo kami at nagsimula na maglakad papunta sa mansyon. Masayang-masaya ako kahit pakiramdam ko ay all ang nanligaw kay Leo at parang sinagot na n'ya ako sa pagkakataon na ito,pero kahit ganun man ang naging lagay namin ay ayos lang. Wala naman masama kung susubukan ko kung dito naman ako magiging masaya. Nang maihatid ako ni Leo ay nagmadali ako umaakyat para tanawin ito sa veranda. Hindi ako makapaniwala na nainlove ako rito,nakangiti ako habang tanaw-tanaw na naglalakad ito pauwi sa bahay nila hanggang sa mawala na ito sa paningin ko. Kinabukasan nagising ako sa sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto, agad ako sumigaw para itanong kung ano ang kailangan sa akin. "Bakit?!"pasigaw ko na tanong habang nakahiga at nakapikit pa ang mga mata. "Senyorita,hinihintay ka na po sa baba ni Senyorita Alex,meron daw po kayong lakad ngayon,"Malaka na saan ng katulong sa labas ng kwarto. Nag mula ako ng mata at naalala ang sinabi ni Dad,kagabi. Gusto nitong sumama ako kay Alex at makipag date rito. Agad kinuha ko ang phone na nasa tabi ng lampshade at tiningnan ang oras. Laking gulat ko nang hapon na at napabalikwas ng bangon at muli may nag salita sa labas ng kwarto ko. "Senyorita,tulog pa po ba kayo?"tanong sa akin. "Hindi,gising na ako. Sige ba-baba na lang ako,"malakas na sagot ko. Bumaba ako ng kama at nagtungo sa banyo para maligo,mabilis ko hinubad ang suot ko na damit at tumapat sa shower. Tumingala at bumuhos ang malamig na tubig sa hubad kong katawan,habang nakatingala ay napangiti ako nang maalala ang nangyari kagabi sa pagitan namin ni Leo,may boyfriend na ako hindi makapaniwalang turan ko sa isipan ko. Pero teka,makikipag date ako kay Alex ngayon. Agad ko pinatay ang shower at kinuha ang towel,nagtapis ako at lumabas ako ng banyo. Dinampot ko ang phone ko para tawagan si Dad. "Hello,Daddy,"bungad ko sa linya. "Yes sweetie,uminom ka raw kagabi sabi ni Manang Luc. Mukhang naparami ang naknom mo at ngayon ka lang nagising,"mahabang saad sa linya. "Dad,paalisin mo si Alex dito sa mansyon. Hindi ako makikipag date sa kaniya,ayoko!"mariin ko na turan sa linya. Bahagya natahimik ng ilang sandali bago muli sumagot ito. "Magbihis ka na dahil kanina pa naghihintay si Alex sayo,and please Sabrina. Be a good girl of him,"sagot ni Dad at mabilis pinatay ang linya ng phone. "Dad!"habol ko pa na sabi pero wala na ang linya sa phone,dahan-dahan ko ito binaba at nagtungo na sa kabinet ko. Wala ako nagawa kundi magbihis at sumunod kay Dad,nakakahiya na rin kay Alex dahil sa matagal nitong paghihintay. Suot ko ang simpleng pula na bistida na hanggang tuhod pati na ang heels na 3 inches ang taas,nakapusod din ang buhok at mabilis na bumaba ng hagdan. Pababa ako ng hagdan nang matanaw ko si Alex sa sala, nakaupo ito nang makita ko. Dahan-dahan ako lumapit rito at tumayo ito habang malawak ang ngiti. "You are such a beautiful honey,"baling nito sa akin. "What are you saying? Honey?! Excuse me,"inis kong sagot rito. Ngumiti lamang ito at hinawakan ang isang kamay ko,dahan-dahan ako hinila nito palabas ng mansyon. Palabas na kami ng mansyon nang mahagip ng mata ko si Leo habang naglilinis ng sasakyan,napansin ko ang pag tingin nito sa akin at paglipat ng tingin kay Alex habang hawak ang kamay ko ni Alex,maagap ko binawi ang kamay ko sa pagkakahawak ni Alex dahilan para matigil si Alex sa paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD