CHAPTER 5

1018 Words
Nasa tapat na ako ng bahay nina Leo,dahan-dahan ako lumapit sa kinaroroonan nito at walang bakas na ingay ang mga paa habang patuloy lamang ito sa pag gigitara, nang mag angat ito ng tingin ay tuluyan na ako nakita ni Leo. Ngumiti ako rito at nagsalita. "Hi,good evening."Bati ko rito at agad tumayo hawak ang gitara. "Senyorita,may kailangan ba kayo? Gabi na po,"wika nito normal at parang walang nagbago sa pakikitungo sa akin matapos ng halikan ko ito sa bodega. "Hindi pa kasi ako inaantok,"sagot ko at sandali ito na tahimik. "Nag gigitara ka pala,"wika ko rito at ngumiti ng matamis. Tumango naman ito at pumasok sa loob ng bahay nila,kinuha ang isang kahoy na upuan at nagsalita. "Upo ka muna Senyorita,"turan nito at nilagay sa harap ko ang upuan. Dahan-dahan ako umupo sa harap n'ya at nagsimula na din ito umupo,at bahagya pa umusog ng konti palayo sa akin ang upuan. Maya-maya,hinawakan n'ya ang gitara at nagsalita. "May,gusto ka ba na kanta?"tanong nito at napa ngiti ako. "Meron,"tipik na sagot ko. Treat you better,by.Shawn Mendes,"dugtong ko. Tumitig ito sa akin at sumagot."Hindi pamilyar ang kanta sa akin Senyorita," sagot nito. Mabuti at hawak ko ang phone ko,pinarinig ko rito ang music at dahan-dahan nito kinalabit ang hibla ng gitara. Laking tuwa ko nang na susundan na nito ang bawat nota ng kanta. Pinatugtog na n'ya ito at ang sarap pakinggan. Naipikit ko ang mata ko at dinama ang tugtog,nang magmulat ay pinagmamasdan ko ang maamo nito na mukha. Nagkakagusto ba ako sa lalaking ito,na isang hardinero namin. Doon ay nakaramdam ako ng lungkot,inalis ko ang mga tingin rito ko at nagpasya na uuwe na lamang. Hindi pa natatapos ang kanta ay nag paalam na ako rito,nag presinta naman ito na ihahatid ako dahil madilim na raw ang daan. Tumangi ako dahil malapit lang naman pero mapilit ito at hinayaan ko na ihatid ako sa mansyon. Mabilis kami nakarating dahil ilang metro lang naman ang layo mula sa bahay nila Leo."Thank you Leo,bye."Paalam ko rito. Nakatingin lamang ito hanggang sa makapasok ako sa mansyon,alam kong alam n'ya na meron na akong gusto sa kaniya matapos ng bigla kong paghalik ko rito sa bodega. Nang maka akyat na ako sa kwarto ay tila may gumugulo sa isip ko na dapat pigilan ko ang sarili at itigil ang kabaliwan kong ito,hardinero lang namin si Leo. Ano na lamang ang sasabihin ni Daddy sa akin kapag nalaman niyang ako pa ang lumalapit kay Leo at nagbibigay ng motibo rito. Humiga ako ng kama at niyakap na ang malambot na unan,pihikan ako na babae. Alam ko sa sarili ko 'yun,pero bakit si Leo ang nagustuhan ko?!Bakit?,tanong ko sa isipan ko. Kinabukasan bumaba ako ng hagdan at buong maghapon hindi ko nakita si Leo sa mansyon,nagtanong ako kay Manang Lucy na tiyahin ni Leo,nagsasaka daw si Leo at kahapon pa daw natapos ni Leo ang mga gawain sa hardin. "Ganon po ba,"sagot ko. "Opo,Senyorita. May ipapagawa po ba kayo sa kaniya? Ipapatawag ko sa bukid si Leo,"wika nito at agad ako sumagot. "Wag na po,Manang. Hindi na kailangan."Pagtanggi ko. "Sigurado ka,Senyorita?"tanong ni Manang. "Opo,Manang. Sige na po magbibihis na po ako may lakad po kasi ako,"wika ko,akmang tatalikod na ngunit meron ako nakalimutan itanong. "Manang,ang Daddy ba nakakuha na ba ng driver?"habol na tanong ko. "Wala pa po Senyorita,"sagot nito. "Ganun ba,sige ako na lang magdadrive," wika ko at patalikod na sana ngunit nagsalita muli si Manang Lucy. "Senyorita,si Leo na lang ang mag mamaneho. Sandali ipapatawag ko lang sa bukid,"nag mamadaling wika nito. Maya-maya ay nagtungo na ako sa kwarto para maligo at magbihis,may photoshoot kasi akong pupuntahan ngayon at ako ang nakaasign para kumuha ng mga litrato. Nagsuot ako ng black jeans at 4 inches ang taas na heels pati na puti na polo shirt,maya-maya lang agad na ako bumaba at bumungad sa'kin si Leo kasama ni Manang Lucy. Mataman ito nakatingin sa akin,hindi na ako nagsalita pa at tinungo ko ang sasakyan habang nakasunod si Leo sa likuran ko. Nakasuot ito ng itim na pants at plain white na manipis na tshirt,pinagbuksan ako nito ng pinto ng sasakyan at nginitian ko ito at nagpasalamat. Tahimik ang naging biyahe namin,ilang beses ko ito binalingan ng tingin pero seryoso ito. "I'm sorry,"wika ko dito,saglit ito lumingon at ngumiti. "Para saan Senyorita?"tanong nito. "I'm sorry kasi naistorbo kita sa pagsasaka mo kanina sa bukid,"muli kong sabi. Nawala ang ngiti nito at naging seryoso. "Ayos lang po Senyorita,natural na po sa akin ito,"tugon nito at ngumiti. Sandali natahimik ako,bakas na peke ang pag ngiti nito sa nakikita ko at naiilangan kausap ako."Pwede mo ako tawagin na lang sa pangalan ko kapag tayong dalawa na lang,"wika ko. "Call me,Sabrina,"dugtong ko. Binalingan ako nito ng tingin bago muli binalik sa daan at sumagot. "Sige po,"tipid nitong sagot. "Tsaka,pwede wag ka na gumamit ng po at opo sa akin simula ngayon,"mahabang turan ko rito. Tinapunan ako ng tingin nito bago ako magsalita. "Sige,"tipid n'yang sagot. Napangiti ako at maya-maya lang ay tumunog ang phone ko at agad ko sinagot. "Hello,asan ka na Sab! Hay naku,kukuha na lang talaga ako ng ibang photographer,"turan sa kabilang linya. " Oh e di,sige. Kumuha ka ng ibang photographer at pati ikaw mawawalan din ng trabaho,shunga,"sagot ko sa kabilang linya. "Ikaw naman hindi ka na mabiro,mother. Eh,asan ka na ba aber Sabrina,"tanong muli sa linya. "Malapit na,give me 5 minutes nand'yan na ako,"sagot ko. "Okaay,see you later Mother,"wika ko sa linya,doon binaba ko ang linya. Si Ivan ang bading ko na friendship,personal designer ko si Ivan kaya sa mga pictorial ay palaging kami nito magkasama. Malapit sa akin si Ivan, matalik at matagal ko na rin itong kaibigan. Maya-maya lang ay nakarating na ako at nag madali na ako bumaba at mabilis tinanggal ko ang seat belt. "Thanks Leo,mag cocomute na lang ako mamaya,"wika ko rito. "Susunduin ko na lang po kayo,"turan nito. Pinanlakihan ko ito ng mata at agad nagsalita. "Di ba ang sabi ko wag ka na mag opo at po,sa akin. Nagmumuka akong matanda sa sobrang galang mo,"mahabang sabi ko rito. "Susunduin kita mamaya,"turan nito. "Ayan! Gan'yan,"nakangiting wika ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD