bc

My Life Inside the Diary (Tagalog/Filipino)

book_age12+
23
FOLLOW
1K
READ
dare to love and hate
drama
tragedy
twisted
mystery
magical world
another world
betrayal
lonely
multiple personality
like
intro-logo
Blurb

Halos mabaliw si Mira nang magkaroon ng buhay ang kanyang diary na si Raid. Nagbigay ito sa kanya ng malubhang problema. Kung hindi niya kasi tatapusin ang entry ng kanyang diary, tuluyan na siya maging kwaderno at mabuhay si Raid sa reality.

Written and owned only by: franguyyy

chap-preview
Free preview
Simula
Malabo lahat sa aking isipan maliban sa malakas na pagkapalo sa aking ulo bago ako nawalan ng ulirat. 'Yun lamang ang huli kong matandaan. Kanina ko pa kinakapkap ang aking ulo. Ang nakakapagtaka lang kung bakit wala akong bukol o anumang benda. Maski sakit sa ulo wala akong maramdaman. Nakahiga ako ngayon sa kama at may nakakabit na dextrose sa aking kamay. Wala rin akong ideya kung saan hospital ako naka-confine. "Ayos na ang kanyang lagay." ani ng doctor sa kausap sa cellphone at dagling sumulyap sa akin. "Oo. Kanina pa nagising si Mira." Nabaling ang atensyon ko sa doctor. Binigyan niya ako ng tipid na ngiti. "Good!" nakangiting wika ng doctor sa kausap bago binabaan nito ng tawag. Lumapit siya sa akin. "Papunta na rito ang ate mo, Mira." ani niya. "Ayos na ba ang pakiramdam mo? Bahagyang kumunot ang noo ko sa pagtataka. Sinubukan ko ituro ang sarili ko kung ako ba ang kinakausap niya "Ako po?" "Ay naku Mira, syempre ikaw!" natatawang sabi niya. "On the way na ang ate Megan mo. Sobrang alala yun sayo." "Ate? Sino pong ate? At---" labis akong nagtataka. Mas lalo kumunot ang aking noo dahil wala akong matandaang ate at... at sinong Mira? Napaismid ang doctor. "Para kang timang, Mira." "Ah doc, hindi po kasi Mira yung pangalan ko." Pilit ako ngumiti. "'Yan na naman mga kalokohan mo, Mira." mahinahong sabi niya. "Di po ako nagbibiro, doc. Yassy po ang pangalan ko." depensa ko. Parang adik ata ang doctor na 'to! "Magpahinga ka muna, Mira. Wala akong oras makipagbiruan sayo," sabi pa niya na para bang binibiro ko talaga siya. Fudge, ano ba pinagsasabi niya? "Huwag naman po kayo magbibiro doc-" "Mira, isa akong doctor kaya wala kang amnesia." Umismid siya ulit na parang nagloloko talaga ako. "Hindi ko po kayo kilala doc. Baka maling Mira po ang tinutukoy niyo. Yassy Del Mundo po ang buong pangalan ko." "Mira, maya't---" Magsasalita pa sana ang doctor kaso may bumukas sa pintuan at pumasok doon ang naka-unipormeng babae. Hindi siya pamilyar sa akin. Malapad ang ngiti ng babae pero nakikita sa kanyang mukha ang sobrang pagkabahala. Dali dali siya tumungo sa kinalalagyan ko at walang ano-anu'y higpit akong niyakap. Namilog ang mata ko sa pagyakap niya. Hindi ko siya kilala. Siya ata yung Megan na tinutukoy ng doctor. "Sis naman eh, sabi ko naman sayo wag ka masyadong magpapainit." sabi ng babae. Halata sa kanyang boses na kilalang kilala niya ako. "Inataki ka tuloy ng asthma mo." Tumaas ang mga balahibo ko. Hindi ako mapalagay sa mga nangyayari. Sa pagkakaalam ko, wala naman akong asthma. "Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ng babae. "Sobra ako nag-alala sayo." Napatango ako nang nakakunot parin ang noo. "Hindi ko naman po kayo kilala" tanging lumabas sa bibig ko. Gusto ko isipin kung sino-sino ang mga nasa harapan ko, kung bakit hindi ko sila kilala at kung bakit wala akong matandaan. Ang pagkakaalam ko wala akong kapatid. Nag-iisang anak lamang ako. "Yan na naman mga kalokohan mo sis e, syempre ako 'yung pinakamamahal mong ate." sabi ng babae na nagbabata. Mas lalo niya hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Kinilabutan ako sa nangyayari. Hindi kaya'y epekto ito ng malakas na pagkapalo sa ulo ko? Napapikit na lamang ako. Humiwalay sa pagkakayakap ang babae sa akin. "Gusto ko po makausap si mommy." ani ko. Imbes sagutin ang tanong ko, niyakap na lamang ako ng mas mahigpit ng babae. "Sobrang miss mo na ba sina mama?" Hindi ako sumagot. Mayat maya'y may naramdaman ako mainit na likidong bumagsak sa aking leeg. Humihikbi ang babae. "Gusto mo bisitahin natin sila sa kanilang burol mamaya?" malungkot na sabi niya. Dahil sa sinabi niya, mas lalo ako natakot. Anong burol ang pinagsasabi niya! Hindi pa patay mga magulang ko! Isa lang ang pumasok sa isipan ko, ibang tao ang tinutukoy nila at hindi ako 'yun. "Hindi ko po kayo kilala. At hindi rin po Mira ang pangalan ko. Wala po akong kapatid dahil nag-iisang anak lamang ako. Kaya imposibleng nasa burol sina mommy. Gusto ko na pong umuwi sa amin-" natigil ako sa pagpapaliwanag dahil biglang pumasok sa isipan ko kung saan nga ba ako nakatira. Hindi na ito tama. Lahat ng nangyayari ay hindi tama. Paano ko makalimutan ang lugar namin? "Sis, 'yan ka na naman eh. Sa tuwing nagigising ka, lagi mo na lang kami pinagloloko." Humihikbi parin siya. Pero halatang natutuwa siya siguro sa akala'y binibiro ko lamang siya. "Tapos mamaya aalis ka na naman na hindi ako kasama." "Sabing di po ako yung Mira na tinutukoy ninyo" tinanggal ko ang kamay ng babae sa pagkakayakap sa akin. "Doc?" tinawag ko yung doctor. Lumingon siya sa akin. "Pakitanggal naman po itong nasa kamay ko. Gusto ko na pong umuwi." "'Wag mo sabihin na uuwi ka na naman na hindi mo ako kasama?" tutol ng babae sa akin. Kita sa kanyang mukha ang magpapaamo. "Sabay na tayo sis." Hindi ko na siya pinansin. Tinanggal ng doctor ang dextrose at hose na nakakonekta sa kamay ko. Napakagat ako ng labi dahil sa sakit. Dumugo ang parteng iyon. Pagkatanggal ay tumayo at umalis agad ako. Pipigilan pa sana ako ng babae pero pinigilan siya ng doctor. "Hayaan mo na siya Megan, siguradong sa bahay niyo rin ang tungo niya." rinig ko sabi ng doctor bago ako nakalabas sa patient's room. Guminhawa ako. Pero mas nangingibabaw parin sa akin ang labis na pagtataka. Tanging instinct lang kung bakit alam ko ang pangalan, magulang at mga malabong pangyayari sa buhay ko. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa makalabas ako sa hospital. Nilibot ko ang paningin sa kabuuan. Pakiramdam ko malapit lang ang bahay namin sa hospital na 'to. Dumapo ang tingin ko sa pamilyar na pasilyo. Malakas ang pintig ng puso ko para puntahan ang pasilyong iyon. Magkaharap na dalawang tindahan ang una kong napansin sa pasilyo. Pamilyar sa'kin ang mga ito. Tuloy tuloy lang ako ng lakad nang may pamilyar na pangalan akong narinig. "Mira, sandali!" sigaw ng isang babae. Napalingon ako. Nakangiti ang naka-long sleeve na babae at may hawak itong kwaderno. Nakatungo lang ang mata niya sa akin. This time, she looks familiar. Yun nga lang, bigla ako nakaramdam ng inis sa kanya. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang inis ko. "Ayos ka na ba?" hindi parin nawala ang ngiti niya pagkalapit sa akin. Mukha naman siyang mabait pero bakit sobrang naiinis ako sa kanya? "Sino ka?" sambit ko. Hindi ako nagbigay ng kahit anong expression sa mukha. "Gaga ka! Classmate mo ako." ani niya. Natigilan ulit ako. Alam kong nag-aaral ako pero hindi ko maalala na classmate ko pala siya. "Ano nga ulit pangalan mo?" "Ay naku Mira! Kahit kailan hindi mo talaga natatandaan pangalan ko. Baka nakalimutan mong---" pinutol niya ang kanyang sinabi. Napakunot ako. "Nevermind. I'm Arsen, remember?" Arsen? Nagpanting ang tainga ko pagkarinig sa pangalan niya. Kung kanina'y naiinis lamang ako, ngayon ay may halong galit na akong nararamdaman. Tinalikuran ko siya. Hindi ko dapat siya pagkatiwalaan. Sa lagay ko ngayon, dapat sundin ko muna kung ano ang nilalaman ng isipan at puso ko lalo pa't wala masyado akong naalala. "Mira, sandali! Isasauli ko lang 'to." pagpigil niya. Hindi ko mapigilan ang hindi siya lingunin. Nakuryoso ako. "Kanina pa kita hinihintay rito sa pasilyo para lang isauli to sayo." ani niya at tinaas niya ang dalang kwaderno. Tila nabuhayan ang sistema ko pagkakita iyon. Inabot niya ito sa akin. Tiningnan ko ang kwaderno. Luma na ito. Maitim ang cover at may sulat na 'DIARY'. May kung anong kuryente ang dumaloy sa akin. Parang konektado ako sa kwaderno. "Sorry nga pala, Mira. Kung hindi ko sana kinuha 'yang diary mo, hindi ka sana nag-hysterical kanina at ma-ospital." depensa niya. "Diary ko 'to?" tanong ko ng diretso sa kanya. "Gaga ka talaga! Oo, diary mo yan!" sabi niya." Pero wag ka mag-alala, hindi ko binasa ang laman niyan." "Bakit ka nangingialam sa bagay na hindi sayo?" inis kong sabi. Kaya siguro naiinis ako sa kanya dahil pakialamera siya. "Ang dami dami mo kasing sekreto, Mira." walang anu-ano'y sagot niya. Marami akong sekreto? Ano ano ang mga 'yun? s**t! Maski mga sekreto ko ay naging sekreto sa akin. "Mind your own business, Arsen. Wala kang karapatan mangialam sa buhay ng ibang tao maliban na lang kung kaaway mo ako." "Sorry. Hindi na mauulit." paghihingi niya ng tawad. "And I'm not your enemy, Mira." Hindi na ako sumagot. Tinalikuran ko na lamang siya. Mas lalo ata ako nainis sa pag-sorry niya. Hindi bagay sa kanya ang mag-sorry. She's like a devil disguising to be an angel. "Mira, sabay na tayo. We're neighbor, remember?" habol niya. Hindi na ako nagsalita pa. Sumabay siya sa akin. Being with her is a good idea. Lalo pa't hindi ko alam kung saan ako nakatira. Tahimik lang ako. Mabuti at nanahimik lang din siya. Ano kaya ang iniisip ng babaeng to? Hindi naman siguro siya killer o kung anupaman. Tulad nga ng sabi niya, hindi ko naman siya kaaway. Kahit mukhang hindi siya mapagkatiwalaan, halatang maaasahan naman siya. "Arsen, may tanong ako?" pagputol ko ng katahimikan. "May alam ka ba kung sino ang pumalo sa ulo ko?" Palagay ko kasi ito ang dahilan kung bakit wala ako ngayon sa aking sarili. Napatigil si Arsen sa paglalakad. May halong gulat sa mukha niya na humarap sa akin. "Ma---may naalala ka?" Nanliit ang mata niya sa tanong. Her reaction bothers me. Tumango ako na nagtataka. "How come?" bulong niya. Kumunot ang noo niya bago umiwas ng kanyang tingin sa akin. "Arsen, may alam ka ba?" pamimilit ko. "Sabihin mo dahil hindi ko gusto ang nangyayari ngayon sa akin." "Anong ibig mong sabihin?" medyo gulantang na tanong niya. "Malabo sa akin ang lahat lahat. Wala akong maalala." "Ahmmm..." huminga siya ng malalim" I'm sorry Mira, that was my fault. Hindi ko sinadyang itapon sayo ang makapal mong diary at tumama sa ulo mo." May kung ano sa loob ko na di naniwala sa kanyang sinabi. Pero 'yun parin ang pinaniwalaan ko. Di na ako sumagot pa. Naglakad na lang ulit ako. Kita ko may kinuha siya sa kanyang bag pero di ko na iyon pinansin. Maya-maya'y naramdaman ko na lang na di na siya nakasunod pa sa akin. Nilingon ko siya. Nakita ko siya na nagsusulat. Saglit siya tumingin sa gawi ko pero binalik agad ang tingin sa sinusulat. Wala naman akong pakialam doon. Dumiretso na lang ako sa paglalakad. Tiningnan ko ang diary ko. Bigla na lang ako nakaramdam ng paghihilo kaya naghanap agad ako ng mauupuan. Tiningnan ko ulit ang diary ko. Sa oras na yun, may nakita akong gwapong mukha sa kwaderno bago ako tuluyan nawalan ng ulirat.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Lover Is A Maid (R18+)- Completed

read
387.3K
bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M
bc

The CEO's Maid

read
1.5M
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
486.0K
bc

Worth The Wait

read
202.0K
bc

My Master and I

read
136.2K
bc

A Night With My Professor

read
533.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook