Chapter 1 - The Dreamer from the Province
Mainit ang sikat ng araw nang huminto ang lumang bus sa terminal ng Cubao. Tumigil si Monica Dela Cruz, dala ang isang malaking backpack at maliit na maleta. Halata sa mukha niya ang kaba, pero mas nangingibabaw ang determinasyon. Ito na ang simula ng pangarap niyang matagal niyang pinangarap ang makapagtrabaho sa Maynila.
“Good luck sa’yo, anak,” huling sabi ng nanay niya bago siya umalis kaninang umaga.
“Ma, babalik din ako pag nakahanap ako ng trabaho,” ang sagot ni Monica, pilit na pinipigil ang luha.
Ngayon, habang binabagtas niya ang mataong kalsada, ramdam niya ang bigat ng lahat. Wala siyang kakilala sa lungsod. Pero dala niya ang diploma sa Business Management, ang simpleng pangarap na makaahon sa hirap, at ang paniniwalang mabait ang Diyos sa mga marunong magsikap.
Pagdating niya sa maliit na inuupahang kwarto sa Sampaloc, agad siyang nagbukas ng laptop. Doon niya nakita ang email “Howard Empire is inviting you for an interview for the position of Marketing Assistant.”
Halos mapatalon siya sa tuwa. Howard Empire isa sa mga pinakasikat na kumpanya sa buong bansa. Hindi niya inasahan na makakapasok ang resume niya roon.
“Lord, baka ito na po ang simula,” bulong niya habang nilalamig ang mga palad.
Kinabukasan, maaga pa lang ay nasa lobby na siya ng Howard Tower isang gusaling punô ng salamin at karangyaan. Halos hindi siya makahinga sa ganda at sophistication ng lugar. Ang mga empleyado ay pawang naka-formal, at ang amoy ng mamahaling pabango ay nakakahilo sa kanya.
“Good morning, Ma’am. Appointment po?” tanong ng receptionist.
“Ah, yes po. Interview for Marketing Assistant. Monica Dela Cruz.”
Pagkatapos mag-sign in, inihatid siya sa 27th floor, kung saan naroon ang executive offices. Habang nakaupo siya sa waiting area, narinig niya ang bulungan ng mga empleyado.
“Si Sir Cristoff daw paparating.”
“Lahat nagkakandarapa pag nandiyan si CEO.”
“Pero grabe daw ‘yun, parang yelo kung magsalita.”
Napakunot ang noo ni Monica. Cristoff Howard… iyon pala ang kilalang CEO ng kumpanya. May aura raw ng isang diyos, pero pusong bato.
Biglang bumukas ang elevator. Lahat ng tao ay tila natigilan.
Isang lalaki ang lumabas matangkad, matikas, suot ang mamahaling itim na suit. Ang bawat hakbang ay may kumpiyansa, at ang mga mata ay malamig na parang walang buhay.
Siya si Cristoff Howard.
Ang presensiya pa lang niya ay nakaka-intimidate. Tahimik siyang dumaan, bahagyang tumingin sa paligid, at sa hindi sinasadyang pagkakataon nagtagpo ang mga mata nila ni Monica.
Saglit lang iyon, pero parang huminto ang mundo.
Ang lalim ng tingin ni Cristoff. Parang hinuhusgahan siya mula ulo hanggang paa. Agad siyang umiwas, napakapit sa bag, at kinabahan.
Bakit ganun ang pakiramdam ko?
“Miss Dela Cruz?” tawag ng HR manager. “You’re next.”
Tumayo siya at pumasok sa conference room. Pagpasok pa lang niya, halos mahulog ang panga niya dahil si Cristoff mismo ang nakaupo sa dulo ng mesa.
Bakit siya nandito? Siya ba ang mag iinterview?
“Sit,” malamig na sabi ni Cristoff, hindi man lang tumingin sa kanya.
“Good morning, Sir,” magalang niyang bati.
“Resume,” sabi lang ng binata habang binabasa ang papel na hawak niya. “Probinsyana ka?”
“Yes, Sir. From Batangas po.”
“Business Management graduate. No experience. Why should I hire you?”
Napalunok si Monica. Diretso ang titig ni Cristoff, parang gusto siyang laslasin ng mga mata. Pero hindi siya uurong.
“Because I’m willing to learn, Sir. I might not have the experience, but I have dedication, and I work hard for everything I want.”
Tumaas ang kilay ni Cristoff. “Hard work doesn’t always guarantee success. The corporate world isn’t kind, Miss Dela Cruz. Especially to people who are too… soft.”
Soft? Nainis si Monica pero pinigilan ang sarili. “Maybe not, Sir. But I believe kindness and perseverance still have their place, even in business.”
Sandaling natahimik si Cristoff. May kumislot sa labi niya parang bahagyang ngiti, o marahil paghamak lang.
“Interesting answer,” sabi nito sa malamig na boses. “We’ll see if that optimism lasts.”
Paglabas ni Monica, halos manghina siya. Ang sungit niya! Pero kahit ganun, hindi niya maiwasang maalala ang mga mata nito matatamis tingnan, pero may tagong lungkot at galit.
Ilang araw ang lumipas. Akala niya, hindi na siya matatanggap. Hanggang isang tawag ang dumating.
“Miss Dela Cruz? This is from Howard Empire. Congratulations, you’ve been hired.”
Napaluhod siya sa sahig, napaiyak sa tuwa. “Thank you, Lord!”
Two weeks later, opisyal na siyang bahagi ng marketing department. Masaya siya sa trabaho, pero may problemanang CEO na laging nakabantay.
Tuwing may meeting, lagi siyang tinitingnan ni Cristoff. Hindi niya alam kung dahil ba may mali siya o dahil may gusto itong patunayan.
“Miss Dela Cruz,” tawag ni Cristoff isang umaga sa boardroom. “You presented well, but your numbers are not enough. I want perfection.”
“Yes, Sir. I’ll revise the report.”
“See that you do. I don’t tolerate mediocrity.”
Paglabas niya, huminga siya nang malalim. “Grabe siya. Parang robot kung magsalita,” bulong niya.
Ngunit sa likod ng kanyang inis, may kakaibang paghanga. Hindi lang dahil sa galing ni Cristoff, kundi sa paraan ng pagkontrol niya sa paligid parang lahat sumusunod sa kanyang boses.
Isang gabi, overtime si Monica sa opisina. Halos alas-diyes na ng gabi, at siya na lang ang natira sa department. Napansin niyang bukas pa ang ilaw sa opisina ng CEO.
Lumapit siya, kinuha ang mga report, at maingat na kumatok. “Sir? I’m leaving these files here”
Biglang bumukas ang pinto. Nasa harap niya si Cristoff, nakatanggal ang coat, bahagyang bukas ang polo, at hawak ang baso ng alak.
“Working late?” tanong nito sa mababang boses.
“Yes, Sir. I just wanted to finish the reports.”
Tahimik lang ito. Tinitigan siya matagal, parang sinusuri. “You’re not like the others here,” mahinang sabi niya. “You work hard even when no one’s watching.”
Napasinghap si Monica. Hindi siya sanay marinig iyon mula sa isang tulad niya.
“Thank you, Sir,” mahina niyang tugon.
Lumapit si Cristoff, isang hakbang lang pero tila napalapit ang mundo. “Don’t thank me,” aniya. “Just don’t disappoint me.”
Bago ito lumampas sa kanya, naamoy niya ang halimuyak ng mamahaling pabango nito matapang pero nakaka-adik. Sa sandaling iyon, hindi niya alam kung bakit nanginginig ang tuhod niya.
At nang magsara ang pinto sa likod niya, doon lang siya nakahinga.
Bakit ganito ang t***k ng puso ko?
Hindi pa niya alam na sa pagitan ng malamig na CEO at ng simpleng probinsyana, magsisimula na ang apoy na magpapainit sa dalawang pusong matagal nang nanlamig.