Simula nang araw na iyon, tila naging kakaiba ang mga araw ni Monica Dela Cruz sa Howard Empire.
Hindi niya maipaliwanag kung bakit, pero parang mas madalas siyang napapansin ni Cristoff Howard. Hindi naman niya sinasadya, pero sa bawat meeting, sa bawat biglaang paglingon, nandoon lagi ang mga mata nito malamig pero matalim, parang may gustong basahin sa kanya.
At sa bawat pagkakataon na nagtatagpo ang tingin nila, laging may kumikislap na kakaibang tensyon.
“Miss Dela Cruz, the CEO wants to see you in his office,” sabi ng secretary isang hapon.
Napasinghap siya. “Ngayon na?”
“Yes. He said it’s important.”
Agad siyang tumayo, inayos ang blouse, at huminga nang malalim. Ano na naman kaya ‘to?
Pagbukas ng pinto ng opisina, bumulaga sa kanya ang amoy ng mamahaling pabango ni Cristoff. Nakaupo ito sa swivel chair, nakatukod ang siko sa mesa, habang ang isang kamay ay nakahawak sa ballpen.
“Sit down, Miss Dela Cruz,” aniya, hindi man lang tumitingin.
Sumunod siya, tahimik, at naghintay.
“You submitted the proposal for the Ad campaign?” tanong nito.
“Yes, Sir. I placed it on your desk earlier.”
Tumingin ito sa kanya, diretso sa mata. “I read it. It’s impressive. You exceeded my expectations.”
Halos mapahinga siya nang maluwag. “Thank you, Sir.”
“But…” dagdag nito, bahagyang ngumiti. “…you’re still too idealistic. The market doesn’t always respond to feelings, Miss Dela Cruz. It responds to strategy.”
“I understand, Sir,” mahina niyang sagot. “But I still believe emotion connects people even to brands.”
Tumaas ang kilay ni Cristoff. “Emotion. You seem to believe in that word a lot.”
“Because it’s real, Sir,” sabi ni Monica, halos pabulong. “Even if people hide it.”
Tahimik si Cristoff, sandaling napako ang tingin sa kanya matagal, parang sinusukat kung gaano siya katatag.
“Interesting perspective,” bulong nito. “You may go.”
Tumayo siya, pero bago pa siya makalabas ng pinto, narinig niya ang mababang tinig ng binata.
“Monica.”
Natigilan siya. Ngayon lang niya ako tinawag sa pangalan…
“Yes, Sir?”
Sandali lang itong tumingin. “You’re doing well. Keep it up.”
Isang simpleng papuri, pero sapat para uminit ang pisngi niya at mabura lahat ng pagod.
Kinagabihan, habang nakahiga siya sa kama, hindi niya maiwasang ngumiti. He said my name.
Paulit-ulit iyon sa isip niya parang musika na ayaw tumigil.
Ngunit sa kabilang panig ng lungsod, sa penthouse na nakatayo sa ibabaw ng mga ilaw ng Maynila, nakatingin din si Cristoff sa kalangitan, hawak ang baso ng alak.
Sa isip niya, bumabalik ang imahe ni Monica ang mga mata, ang tapang ng pananalita, ang ngiti na hindi niya maalis sa utak.
He shouldn’t care.
He never does.
Pero bakit ngayon, parang gusto niyang mas makilala pa siya?
Kinabukasan, may company dinner meeting sa isang private hotel. Kasama sa team si Monica, at hindi niya inasahan na magiging pormal ang event halos parang gala.
Pagdating niya, suot niya ang simpleng dark blue dress na binili niya sa divisoria sale. Hindi man mamahalin, pero bumagay sa kanya. Humaba ang buhok niyang nakalugay, at ang liwanag ng chandeliers ay parang sinadyang yakapin siya.
Nang pumasok siya sa function room, napatingin si Cristoff.
For a moment, he forgot to breathe.
Hindi niya alam kung bakit, pero parang ibang tao si Monica sa gabing iyon. Wala ang simpleng empleyadong laging nag-aayos ng files. Ang nakita niya ay isang babae elegant, confident, at hindi niya kayang hindi pagtuunan ng pansin.
Lumapit ito sa kanya. “Good evening, Sir,” magalang na bati ni Monica, may bahagyang ngiti.
“Good evening,” sagot ni Cristoff, pero mahina, halos hindi marinig.
Habang nagaganap ang meeting-dinner, si Cristoff ay madalas na tahimik, pero paminsan-minsan ay lihim na tinitingnan si Monica. Napansin iyon ng ilang executives.
“Sir, is everything okay?” tanong ni Mr. Ramos, isang board member.
Cristoff cleared his throat. “Yes. Everything’s fine.”
Pero sa isip niya, hindi siya mapakali. Bakit siya naaapektuhan? Bakit bigla siyang nagiging tao kapag nandoon si Monica?
Pagkatapos ng meeting, may cocktail session. Lumabas si Monica sa terrace para uminom ng hangin. Hawak niya ang isang baso ng juice, habang pinagmamasdan ang city lights.
“Enjoying the view?”
Napaigtad siya. Si Cristoff pala, lumapit sa kanya, hawak ang sariling baso ng alak.
“Yes, Sir,” sagot niya, bahagyang nangingiti. “Manila is so alive at night.”
“It never sleeps,” sabi nito, nakatingin sa lungsod. “Just like me.”
Tahimik silang dalawa. Ang hangin ay malamig, pero kakaibang init ang gumagapang sa pagitan nila.
“Sir, can I ask something?” sabi ni Monica, marahang lumingon sa kanya.
“Go ahead.”
“Why do people call you heartless?”
Nagtagal bago ito sumagot. “Because I don’t show emotion.”
“But that doesn’t mean you don’t have one.”
Lumingon si Cristoff. Sa unang pagkakataon, tila may naiwang bakas ng sakit sa mga mata nito. “Emotions make you weak, Monica. And I can’t afford to be weak.”
Tahimik si Monica. “Sometimes… being weak is part of being human.”
Napatingin ito sa kanya, at sa pagitan ng katahimikan, may nangyaring hindi nila napaghandaan isang mahabang titig na puno ng damdamin.
Hindi sila gumalaw, pero ang hangin sa paligid ay tila huminto.
Si Monica ang unang umiwas, nanginginig ang kamay. “I..I should go back inside, Sir.”
Pero bago siya makalakad, marahang hinawakan ni Cristoff ang kanyang braso. Hindi mahigpit sakto lang para maramdaman niya ang init ng balat nito.
“Monica,” mahinang sabi niya. “You’re not like the others.”
Napatingin siya sa kanya, at sa sandaling iyon, parang may nagbukas na pinto sa puso ni Cristoff.
Pero bago pa lumalim ang sandali, binitiwan niya ito at umatras. “Goodnight, Miss Dela Cruz.”
Tahimik siyang tumango at bumalik sa loob, pero ang puso niya ay hindi na mapakali.
Sa kotse pauwi, pinikit ni Cristoff ang mga mata. Nakita niya sa isipan si Monica ang ngiti, ang mga mata, at ang lakas ng loob na magtanong sa kanya ng bagay na ayaw na niyang balikan.
She’s dangerous, bulong ng isip niya. Because she makes me feel again.
At sa kabilang dako, si Monica, habang nakasandal sa bus window, ay tahimik na ngumingiti. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng lahat, pero isang bagay ang sigurado — hindi na niya kayang ituring si Cristoff bilang simpleng boss lang.
May kung anong namamagitan sa kanila. Isang lihim na koneksyon na tahimik pero malakas parang apoy na dahan-dahang lumalaban sa yelo.
At sa ilalim ng mga ilaw ng siyudad, nagsimula ang kwento ng dalawang pusong parehong takot magmahal.