Malayo-layo na sila mula sa kanilang bahay. Hindi na nga alam ng bata kung nasan na sila ngayon. Kahit ni isang tao or bahay man lang wala siyang naaaninag. At isa pa, nanghihina na ang bata. He felt weak and felt he's going to be sick. Hindi niya na nga halos maigagalaw pa ang kanyang buong katawan. Nadadagdagan na ata ang kanyang mga sugat ng dahil sa pagkakaladkad nga lalake sa bata kanina. Di niya na nga alam kung anong mga klaseng bagay tumusok sa iba't-ibang bahagi ng katawan niya. Hindi niya alam kung nasaan na sila ngayon. Basta, batay lang sa nakikita niya, sa tingin niya malapit na sila sa isang bangin kasi wala na siyang nakikita sa unahan. Nakikita niya lang ang maaliwalas na kalangitan.
Bigla na lang siyang binitiwan ng tagahuli niya. Bagsak ang buo niyang katawan sa may damuhan.
"Arrgghh!" Ang sakit ng likod niya.
"Dito ka na mamatay, bata," sabi ng lalaki sa kanya at lumakad ito papunta sa may bangin. "This cliff is at least 300 meters high. At sa ibaba, may isang masukal na gubat lang naman. Walang makakakita sa'yo. Walang makakahanap sa 'yo. Mamatay ka na wala man lang nakakaalam kung nasan kita itinapon except me," sabi nito sa kanya habang nakatungaw sa bangin.
"Wala kang puso! Demonyo...ka!" Sigaw niya. 'Ano bang klaseng tao to? Paano niya na kayang gawin to sa isang batang tulad ko?'
May kinuha ang lalaki sa dalang maitim na bag nito. "And so is she. Akala mo ba hindi siya isang katulad ko? Mas masahol pa nga 'yung babaeng yun sa akin eh. Just imagine how many lives she had taken. 200? 500? Or even more than that? Some are even innocent. You don't have any idea about that because fortunately for you, you're not one of us."
Alam ni Andrew na nabigla siya sa mga sinasabi ng lalaki sa kanya ngayon kahit hindi lahat ng sinasabi nito ay naiintindihan niya. Siguro dahil wala namang silbi 'tong nalaman ng lalaki sa kanya. Mamatay lang din naman siya, eh.
"Don't worry. Hindi naman ikaw ang huli kong biktima. Isusunod ko din ang tatay mo para wala ng ebidensya pa na pwedeng magamit laban sa akin. He was lucky he was able to escape the traps I built for him a while ago." Tumawa ito ng malakas parang demonyo.
Lumaki ang mga mata ni Andrew sa mga narinig niya mula sa bibig ng lalaki. "Hindi..hindi pwede! Please, huwag mo yung gawin sa kanya." Mas lalo siyang naiyak ngayon. Imbes na matakot, nagmakaawa siya sa lalaki na huwag ng idamay pa ang papa niya dito.
"Sorry, dear boy. Pero nakaplano na ang lahat." Wala naman sa boses ng lalaki ang paghingi ng tawad o nagpapahiwatig na ito ay nagbibiro.
Habang umiiyak si Andrew, kwinelyuhan siya ng lalaki at ikinaladkad siya patungo sa dulo ng bangin. Kitang-kita niyang may dalang baril ang lalaki sa kabilang kamay nito. 'Babarilin niya ba ako bago ihulog? Or pagkahulog ko tsaka niya ako babarilin para siguradong patay na talaga ako?'
"Any last words, boy, bago kita ihulog?" Hindi na siya nagsalita dahil sa bigat ng nadarama niya ngayon. Unti-unti na niyang tinanggap na ito na ang wakas sa buhay niya. "Wala? Alrighty then, see ya!"
Napapikit na lang niya ang kanyang mga mata. Gusto niya ng matapos na ito sa lalong madaling panahon. Tumulo ang kanyang mga luha, humingi siya ng tulong sa Diyos o kung sino man na pwedeng tumulong sa kanya ngayon. Ayaw niya pa sanang mamatay. Bata pa siya at isa pa, marami pa silang pangarap ng kanyang ama na bubuuin pa sana nila pero mukhang hindi na 'yun matutupad pa. All these thoughts were rushing on his mind when suddenly, he heard a scream.
"Arrggghhh!" Sigaw ng lalaking may hawak sa kanya. Agad na bitawan ng lalaki si Andrew kaso bakit parang hindi naman siya nahuhulog sa isang malalalim na bangil kung hindi napahiga lang siya sa lupa. Dinilat niya ang mga mata niya at nakita niyang nakaluhod ang lalaki hawak-hawak ang dibdib nito. Nakita niya sa likod ng lalaki ang isang kutsilyo--hindi, mas mahaba pa sa kutsilyo ang nakatusok sa likod tagos sa dibdib ng lalaki.
Sumigaw ulit ang lalaki. "Arrggghhh!" Tumalikod ito kahit nasaktan ito ng sobra. Sinubukang tingnan kung sino man ang may gawa sa kanya nito. Pinilit naman ni Andrew na itaas ang katawan nito. Napaatras siya ng konti mula sa kidnapper niya. Hindi niya alam kung anong nangyayari. May bago na naman bang tao na gustong pumatay sa kanya? Sinundan niya ng tingin ang lalaki at nakita niya kung sino ang tinitingnan ng lalaki at hindi niya inakala ang taong nasa harap nilang dalawan ngayon ay hindi niya akalaing makikita niya sa ganitong klaseng sitwasyon.
'Si ate? Si ate ba yan? Si ate nga! Siya nga! Nakatayo lang si ate na nakatingin sa lalaki. Ang sama-sama ng tingin ni ate sa kanya. Tulad din nung matapos ko siyang yakapin. Hindi! Mas lalong nakakatakot! Parang makakapatay na talaga siya ng tao ngayon. Tiningnan ko yung lalaki at halata din sa kinikilos niya as base na din sa ekspresyon ng mukha niya ang pagkagulat at pagkatakot.'
Pinipilit na tumayo ng lalaki pero nanlilipit ito sa sakit. "Diba dapat patay ka na? Bakit buhay ka pa din! I'm sure hindi kana mabubuhay sa ginawa kong mga patibong para lang sa'yo! Ilang araw ko ring yung pinlano at ginawa! I studied every single move you did when you were in that house and I know how incapable you are right now. You are at your most vulnerable state! You've gotten weak!"
"Kasalan ko bang mangmang ka? Besides, you underestimated my abilities. Ako pa din eto, baka nakakalimutan mo kung sino talaga ako? Kahit nga siguro kung nabaldado ako ngayon, I'm pretty sure I could still kill you on my own." Nagsimula na lumapit ng kaunti sa kanila ang babae.
Napaatras naman bigla yung lalaki. Nung tumingin ito sa kanyang likod at nasa dulo na siya ng bangin, bigla niyang hinila ang bata papunta sa kanya at may inilagay siyang matulis na bagay sa leeg ng bata. Naramdaman ng bata ang edges ng kutsilyo sa leeg nito.
"Sige! Lumapit ka pa! Sisiguraduhin kong kasama siyang mahuhulog sa bangin na'to." Pagbabanta niya.
Tiningnan ng bata ang mukha ng ate niya pero wala pading pagbabago sa ekspresyon nito. "Do you think I care about that boy? Don't be silly. Since when did I care for someone? Much more saving someone's life? I am a heartless b***h! What I want right now is not to save him but rather..."
Ilang segundo lang nasa harap na nila ang babae, ni hindi nga nasundan ng bata ang paglapit nito sa kanila. He felt his kidnapper trembled. His kidnapper couldn't take a few steps back because they both will fall in the cliff.
"....to kill you," bulong ng babae sa teynga ng kidnapper na ikinagulat naman nito na naging dahilan ng pagkabitaw ng lalaki sa bata.
Kinuha at inalis agad ng ate niya ang nakatusok na matalim na bagay sa dibdib ng lalaki at tinusok ulit niya ito sa kabilang dibdib ng lalaki na naging dahilan ng pagsigaw nito ng malakas sa sobrang sakit. Hindi na nakapanglaban pa ang lalaki. Nakasampa na ang buong katawan nito sa sahig.
"You, b***h! I'll kill you right now! Mamatay ka na!" Pinilit niyang kunin ang baril na nahulog niya kanina at itinutok niya 'to kay sa babae. Bago pa man niya ito maiputok, sinipa na agad ito ng babae at tumilapon ito sa di kalayuan. Sa bilis ng pangyayari, kinuha ulit ng babae ang nakatusok na patalim sa lalaki at tinusok niya ulit ito sa leeg ng lalaki mula sa likod. Kani-kanina lang nasa harap pa siya ng lalaki pero nasa likod na siya nito in a split second. Halos hindi na niya maigawang iangat ang buong katawan niya.
Ang raming dugo ang lumabas sa leeg ng lalaki. Napahiga agad ang lalaki patalikod. Naglakad ang babae papunta sa kanya. Kinuha niya ang nakatusok sa leeg ng lalaki at tinusok niya ito sa binti ng lalaki, kinuha niya ulit ito para na naman sa isa pang binti ng lalaki ng wala man lang awa. Para lang isang hayop ang turing ng ate niya sa lalaki. Hindi parin siya kontento, hinila niya ang buhok ng lalaki na naging dahilan ng pagkaladkad nito sa lupa patungo sa dulo ng bangin. Hinila niya ang lalaki pataas tapos inihulog niya ito sa bangin. Nakatayo lang ang ate niya sa dulo habang nakatingin lang siguradong patay na na lalaki. Ilang beses sumigaw ang lalaki sa sakit pero wala paring pagbabago sa ekspresyon ni ate na para bang wala lang ito sa kanya. Walang senyalis sa mukha niya ang tumigil sa pagpatay sa lalaking nagkidnap sa akin.
'Si ate?! Si ate ba talaga 'tong nakikita ko?! Para siya hindi isang tao! Kung isang demonyo yang lalaki kanina, mas demonyo pa si ate! Nakakatakot si ate. Alam kong nakakatakot pero hindi ganito ka nakakatakot. Nakapatay siya ng tao! Tapos parang wala lang sa kanya. Bakit ganun?' Napaatras sa takot ang bata at dahil narin sa pagkabigla niya hindi niya na namalayang nasa dulo na pala siya ng bangin na unti-unti niyang ikinahulog.
"Ahhhhh!!!!" Sigaw niya. Bago paman siya tuluyang mahulog ay may kumapit sa kanang kamay niya. Tumingala siyag at nakita niya ang ate niyang humihila sa mga kamay niya.
"Kumapit ka ng mabuti!" Sigaw ng ate niya mula sa taas.
Nakita niya ang ekspresyon sa mukha ng ate niya at isa lang ang nababasa niya----ang salitang pag-aalala. 'Bakit? Alam kong natatakot ako sa kanya. May sumisigaw sa kaloob-looban na hindi siya pagkatiwalaan pero....siya parin si ate. Ang taong tumulong sa papa ko. Ang nagligtas sa papa ko at ngayon sa akin.'
Nung nakita niya ang mukha ng babae, alam niyang ligtas na siya. Hindi na niya kailangan pang mag-alala. Kumapit siya sa kamay ng babae ng mahigpit gamit ang dalawa niyag kamay at hinila siya nito pataas--back to safety. Hindi niys na namalayang bigla na lang pala siyang nawalan agad ng malay.