Pagkatapos mag banyo nila Jaylyn at Analyn ay nagtungo na sila hapagkainan. Nakita nila si Bryan at Angelo. Kita rin agad ni Jaylyn na tumayo si Bryan at Angelo. Upang himila ng upuan na uupuan ni Analyn. "Dito ka na umupo," sabay wika pa ng dalawa kung kaya nagkatinginan ang mga ito. "Dito ka na umupo sa tabi ko at baka silipan ka ni Angelo dahil diyan sa damit mo," saad ni Bryan na napapangiti. "Grabi naman iyang pamamahiya mo sa akin. Ikaw nga kanina nakita kita. Nagkikislapan iyang mga mata mo ng makita mo si Analyn na pababa ng hagdan. Saka kahit ganito ako, hindi ako bastos oh walang modo. Lalo sa babaeng mahal ko," saad nito at sabay tingin kay Analyn. "Analyn, dito ka na lang umupo sa tabi ko. Kasi kung pipiliin mo si Bryan baka magselos na naman si Angelo. Kapag pinili mo nam

