"Makatitig, kamo? Hindi, ah? Hindi lang ako sanay na makita siyang ganyan ang suot. Ngayon ko lang kasi siya nakitang nakasuot ng ganyan," agad naman na saad ni Bryan at inilipat ang tingin kay Angelo na kitang-kita niyang naka awang ang labi nito habang titig na titig kay Analyn na naglalakad pababa ng hagdan. "Oy! Mapasukan iyang bunganga mo ng langaw, oh! makatitig ka naman kay Analyn parang ngayon ka lang nakakita ng babae. Tapos pinagnanasaan mo pa yata," wika ni Jaylyn kay Angelo. Pero parang wala itong naririnig. Kita naman ni Analyn ang naka awang na labi ni Angelo kaya napapangiti ito. Hanggang sa makalapit siya. "Baka po tumulo 'yang laway mo," saad nito at itinaas ng bahagyan ang baba ni Angelo. "I'm sorry, namamalik mata yata akong nakakita ng angel na bumababa sa lupa. Sa

