Sa second game ng aming team ay nanalo ulit sina Enrique. Kahit papaano ay umayos naman ang laro ni Lance, dahil pinapasahan niya ngayon si Enrique. Naging mainit din naman ang laban kanina, pero mas mainit pa rin ang sa unang laban nila. Samantalang naka-dalawang panalo na rin ang cheerdance team namin. Kaya naman ay may celebration kami ngayon sa C.U. dahil doon na ang punta namin ngayon. Hindi nakanood ang mga kaibigan ko dahil may klase sila kanina. Ang mga walang pasok ngayon na estudyante ng C.U. lamang ang nakanood. Samantalang kami namang mga players at dancers ay excused sa lahat ng mga klase sa araw na ‘to. Kahit papaano ay marami naman ang nagchi-cheer sa C.U. kanina. Nagpaalam muna ako kay Enrique na pupunta lang ako sa banyo saglit para mag-retouch ng kaunting makeup sa mu

