WARNING! MILD SPG AHEAD! ** Napataas naman ang isang kilay ko nang marinig ang sinabi niya na ‘yon. “Are you jealous, Mr. Enrique?” tanong ko pa sa kaniya. “Don’t make fun of me,” seryoso lang na sagot niya. Nakita niya kasi na natatawa na ako ngayon. Humagalpak naman ako sa tawa. ‘Di ko akalain na ganito pala kung magselos ang isang Enrique Morales. Natuwa lang naman ako dahil kahit ‘di pa kami nasa iisang relasyon ay nagseselos na agad siya. “Ang cute mo pa lang magselos, ha?” pang-aasar ko pa sa kaniya. Natigil ang pagtawa ko nang bigla siyang mas lumapit sa akin. Natahimik naman ako. Sobrang lapit na rin ng mukha niya sa mukha ko. Miski ang katawan niya ay nakalapit na sa akin. Napatingin naman ako sa paligid. May mga tao na dumaraan ngayon at napapatingin sa amin ngayon. “H-He

