“Pwede ba na ‘wag mo na lang patulan ang babae na ‘yon? Ang daming tao rito. Tsaka ‘di rin naman tayo taga-rito,” sambit sa akin ni Enrique. Narito na kami ngayon sa court at naghahanda na rin ang mga maglalaro at sasayaw ngayon. Second game pa ang Cash U, kaya naman ay mamaya pa kami sasayaw kapag natapos na ang unang game. “I won’t back down to my own words, Enrique.” Ayoko na ako pa ang mapahiya after ko siyang hamunin, ‘no. Hindi ko ugali ang umatras sa sarili kong salita. Mahirap na, baka sabihan pa ako ng kung ano-ano ng mga tao na nakakita ng posts ko. Tiyak naman na kalat na kalat na ‘yon. Naka-100 shares na nga ang post ko sa social media account ko. Tapos sobrang dami nang comments na aabangan daw nila ang one on one namin ng Pauleen na ‘yon. Kaya hindi ako papayag na umatras

