“Oh, God! Paglakarin mo lang po ako ngayon, ‘di ko na po uulitin ang pagpunta sa heaven!” sigaw ko sa sarili ko rito sa loob ng kwarto ko. Mabuti na lang talaga at soundproof itong kwarto ko. Kaya kahit sumigaw ako ng sobrang lakas ay walang makakarinig sa akin. Sinabihan ko na lang ang kasambahay namin na dalhan ako ng pagkain dito sa kwarto ko. Mula pa kaninang umaga nang magising ako ay ‘di ako makalakad. Sinubukan ko nang tumayo kanina, pero ‘di ko rin kinaya. Sobrang sakit ng sensitibong parte ng katawan ko. Miski kaunting galaw lang ay sobrang sakit pa rin. Ni pag-ihi nga ay ayokong gawin dahil sobrang hapdi. Sinubukan ko na kanina. Halos gumapang na ako papunta sa banyo. Kapag nabasa ang sensitibong parte ko ay sobrang hapdi ng mararamdaman ko. Daig ko pa ang nasaksak o may malala

