“I accidentally ripped it last night. Uhh… There! Look! May pako kasi d’yan oh. Tapos… Tapos sumabit ‘yang damit ko. Kaya ayon, tuluyan nang nasira. Nilagay ko muna d’yan. Balak kong ipatahi tapos i-donate na lang since magagamit pa naman ‘yan,” pagdadahilan ko. Bigla na lang ‘yon na lumabas sa bibig ko. Napatingin pa si Vaughn sa itinuro ko na pako. Totoo naman na may pako roon. Nilagay ko kasi ‘yon last time dahil may isinabit ako. Medyo mababa rin ang pako, kaya posible rin talaga na masabit ang damit doon. “Okay. Ipapatanggal ko na ‘yang pako. Baka sa susunod ay masugatan ka na dahil d’yan,” sagot naman niya sa akin. Napahinga naman ako ng ayos nang marinig ang sinagot niya. Thank goodness at naniwala si Vaughn. Ang alam nga pala niya ay may sakit ako, kaya siguro nag-alala siya

