Hindi na niya naituloy pa ang sinasabi niya sa akin na tungkol daw kay Enrique. Dahil agad na siyang tinawag ng organizer namin. Ibig sabihin ay pwede na raw kaming magsimula. Iniwan na niya ako sa pwesto ko at pinaghanda na. Huminga ako nang malalim at ipinikit ng mariin ang mga mata ko. I fúcking need to calm myself down. Hindi ko dapat ipakita sa kaniya na naapektuhan ako sa sinabi niya. Ibig sabihin lang no’n ay magmumukhang wala akong alam tungkol sa boyfriend ko. Habang nagpa-practice kami ay pinakita ko sa kaniya na ayos lang ako. Mas ginalingan ko pa. Pinakita ko sa kaniya ang husay ko ngayon sa pagrampa. Taas-noo rin ako. Kaya wala siyang nahanap na kahit anong butas sa kilos ko. Kadalasan kasi ay talagang pinapagalitan niya ako. Marami siyang napupuna sa bawat kilos ko at sin

