The pageant came and very supportive sa akin si Enrique. Pinilit ko na alisin ang mga naisip kong negatibo sa kaniya. Pinaniwala ko ang sarili ko na walang ginagawang ‘di maganda si Enrique behind my back. Mas pinanindigan ko ang tiwala na mayroon ako sa kaniya. Ayoko na masira ang relasyon namin dahil lang sa pag-ooverthink ko. Ang araw ng pageant din namin ngayon ay ang araw ng ikalawang anniversary namin ni Enrique. Nagsabay pa talaga. Simula pa lang ng unang rampa ko ay todo suporta na sa akin si Enrique. Nasa unahan siya kasama ang mga magulang ko, si Vaughn, at ang mga kaibigan ko. Ito ang unang beses na sasabak ako sa isang pageant, kaya sobra ang kaba ko. Pero dahil sa mga taong sumusuporta sa akin ngayon dito sa US, mas nilakasan ako ng loob. Nang matapos na ang pagrampa ng na

