[VIVIANNA APPLE CASH’S P.O.V.] “What, Miss Ria? Gusto mo po na sumama ngayon sa basketball team for one week vacation sa Palawan?” tanong ko. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya sa amin ang tungkol doon ngayon. “Yes, you heard me right. May problema ba roon? Pakisabi na sa akin ngayon kung sino ang hindi pwedeng pumunta. Para malaman ko na ngayon kung sino ang hindi ko mailalagay sa listahan para sa booking ng flight,” sambit naman ni Miss Ria sa amin. “Sumama ka na, Apple! Mas masaya ‘yon kapag kasama kita. Wala pa naman akong kaibigan dito. Kaya kailangan ay kasama kita,” sambit pa sa akin ni Jeanlie. Bigla naman akong nakaramdam ng konsensya. Dahil balak ko sana na ‘wag nang sumama. Alam ko kung sino ang mga kasama sa basketball team. Nabalitaan ko na kaya pala narito sa Pinas

