Agad na tumigil sa paggalaw ang elevator na sinasakyan namin ni Enrique ngayon. “Ahh!” sigaw ko pa dahil biglang namatay ang ilaw at parang yumanig ng kaunti ang elevator. Napahawak pa nga ako sa braso ni Enrique nang ‘di ko naman sinasadya! Dahil mahilig na akong magkape, madalas na rin akong nerbyosin agad. Kaloka. Wala pa kaming isang oras dito sa Palawan, may ganito na agad kaming kaganapan. Paano pa kaya kapag isang linggo?! Hindi ko na alam kung ano pa ang mga posible na mangyari sa pagitan naming dalawa. Napabitaw din agad ako sa braso niya. Saka ako dumistansya sa kaniya. Kinuha ko ang phone ko at nag-flashlight. Para alam ko kung malayo na talaga ako sa kaniya. “Tsk. Minamalas na talaga yata ako ngayon. Kung bakit ba naman kasi sumakay ka pa sa elevator? E ‘di sana ay ‘di nagk

